CHAPTER 23

23 0 0
                                    

MARK POV










halos paliparin ko na ang sasakyan ko ng malaman kong dinala ang tarantadong lalake nayun sa kulungan, ngunit nakausap ko na si General at pumayag syang mapasakamay namin ang suspek.

halos manginig ang buong laman ko sa galit dahil sa ginawa nya.

narinig kong tumunog ang cellphone ko at mabilis na sinagot ito.

"Master... puruhan na ba namin to? hinang hina na e!"

"wag muna! papunta narin ako dyan."mabilis kong ibinaba ang tawag at pinaharurot ko ang sasakyan.





*


"sinong hayup! ang nag utos sayo? " halos mabasag na ang mukha nya kakasuntok ko ngunit hindi parin sya umaamin.

pinagsusuntok ko ulit sya ng hindi ako makakuha ng sagot, ilang beses ulit ako nag tanong ngunit wala syang itinutugon kaya ay nakatanggap ulit sya ng mga ilang suntok galing saken.

pagod na pagod na ako sumuntok, masakit narin ang mga kamao ko ngunit matigas ang mukha nya.

"uulitin ko sino ang taong nag utos sayo para patayin si cams?" pag uulit ko sa tanong ngunit nginisihan nya na ako, di tulad kanina ay wala syang pake kahit mabasag na ang mukha nya.

"p-patayin! m-mo na L-lang ako!" bigkas nya halos maluwaluwa narin ang mata at halos mamaga at sumusuka na ng dugo dahil sa bugbog, matapos nyang banggitin iyon ay para syang halimaw tumawa.

nainis ako at pinagsusuntok ko ulit sya hanggang sa mapagod ulit ako.
ngunit pag tawa lang ang tinutugon nya saken.

nang maramdaman ko na ang pagod ko tsaka ako tumigil.

"gagawin ko yun....uunahin ko lang ang buong pamilya mo bago ikaw.." hingal na hingal na sambit ko napatigil sya sa sinabi ko at tila nabuhayan ang pustura nya.

"p-parang a-awa nyo n-na p-po!!! w-wag w-wag p-po ang p-pamilya k-ko!" sambit nya at lumuhod sa harapan ko.

"m-mag s-sasalita ako p-parang awa n-nyo p-po p-protektahan nyo ang b-buong p-pamilya ko! " pag mamakaawa nya.

"p-papatayin ako at ang buong p-pamilya ko!" pagsasambit nya kitang kita ko sa mga mata nya ang pagsisisi...nakakalungkot na may mga taong handang isakripisyo ang sarili para lang sa pamilya.

"pinapangako kong proprotektahan ang buong pamilya mo." sambit ko gagawin ko ang lahat maproktektahan ko lang ang mga taong naiipit at walang kasalanan dito.

"MR. S---!" napamura ako ng biglang matumba sya sa harap ko mabilis kong kinuha ang katana ko at iginala ang paningin ko sa buong silid, at hindi ko na nakita ang bumaril sa suspek... mabilis kong pinuntahan ang suspek at hinawakan ang pulsuhan nya at nag babakasakali kung buhay pa sya ngunit, nawalan na sya ng buhay.

napasabunot ako sa sarili kong buhok, dahil sa inis walang taong narito bukod sa aming dalawa.

isang abandunadong warehouse ito, lumabas ako ng silid at sinabihan ko ang dalawang aragon na mag handa dahil narito pa ang taong bumaril sa suspek,hindi pa yon nakakalayo, tinarget na nila ang suspek kase alam nilang mag sasalita yun.

dumating si General. leandro at nagulat ng makitang walang buhay na ang suspek.

sumaludo sya sa akin at ganun din ang ginawa ko.

"pinatay na nila ang suspek na hawak natin... "

"akong bahala dito mark,ipapalinis ko ito." sagot ni General tumango ako bilang sagot at mabilis akong umalis ng warehouse.

hindi na nahanap ang taong bumaril sa suspek...
tatargetin nila yun dahil alam nilang magsasalita ang bata nila.

tumunog ang cellphone ko, at sinagot ko ito, habang nag mamaneho ako papuntang hospital.

"nalaman mo ba kung sino?" sagot ng nasa kabilang linya.

"sorry tito...pero hindi! nabaril yung suspek bago magsalita!" panghihinayang na sambit ko.
narinig kong napamura sya sa kabilang linya, sinabi nya ring gawin ko ang lahat para matukoy kung sinong hayup ang may gawa nun kay cams...mabilis din akong sumangayon bilang sagot...at tuluyan nya ng ibinaba ang linya.

mabilis kong tinawagan ang isang aragon na kasama ko sa warehouse kanina.
sinabi kong bigyan ako ng buong impormasyon tungkol sa suspek na namatay.

mabilis akong nag park ng sasakyan at kumuha ng benda upang takpan ang sugat sa mga kamao ko, at inayos ko ang sarili ko para hindi makahalata si leyn.

naglakad ako papunta sa kwarto ni cams habang nakalagay sa bulsa ng pants ko ang dalawang kamay ko para hindi mahalata ng mga tao ang pamamaga at pag durugo ng kamay ko.

naabutan ko ang dalawang body guard ni tito sa labas ng kwarto ni cams lumapit ako at mabilis na sumaludo sa akin, gusto ko man sumaludo pabalik kaso pinanatili kong nasa loob nalang ng bulsa ang kamay ko yumuko nalang ako bilang sagot at pag respeto parin.

pinag buksan nila ako ng pinto bumungad saken si tito at si doc riguer na nag uusap nakita ko rin si leyn na mugtong mugto ang mga mata lumapit ako sa gawi ni leyn at pinapakinggan ang pag uusap ng dalawa sa harapan namin.

"MR. fern..." sambit ni doc minsan pa syang napabuntong hininga at tsaka ipinaliwanag lahat ang nangyari kay cams.

"na CT scan sya at nakitang nag karoon ng maliit na damage ang bungo nya, minsan ko ng nabalitaan na dinala sya sa hospital dahil sa paglaglag nya ng hagdan sa school at pag tama ng ulo nya sa kanto, nag sanhi ito ng pag alog ng utak nya ngayon na higit na mas delikado sa lahat,  maari syang mawalan ng alaala o maari din syang ma koma."
sambit ni doc...halos mawalan ako ng lakas sa sinabi ni doc at napatingin ako kay cams na may benda ang ulo at namumutla ang balat kahit na ang labi nito.

sandali kameng natahimik at hindi maka imik sa mga narinig namin binasag ni leyn ang katahimikan ng marinig naming umiyak sya ng di masyadong kalakasan pero rinig naming apat yun.

"Gagawin namin ang lahat para maging maayos sya, but for now im not sure kung magigising sya, hintayin nalang natin magising sya." pag dadagdag ni doc. ng wala na syang sasabihin ay nag paalam na sya kay tito at lumabas na sya ng kwarto.

bumagsak ang katawan ni tito at napaupo sa sahig at umiyak ito na parang bata... nilapitan sya ni leyn at inalalayan...bilang isang ama ay masakit makitang nakaratay sa lugar na ito ang anak nya.

"ipatawag ang lahat ng aragon at simulan ang mahigpit na pagsasanay sa lahat." sambit ni tito, sumaludo lang ako bilang sagot hangga't kaya kong protektahan si cams ay gagawin ko, sasaluhin ko ang mga bala ng baril   maprotektahan lang sya.

lumapit ako kay leyn at hinawakan ang balikat nya napatingin sya sa kamay kong may benda, hindi na ako nag kunwari pa at hinayaan ko nalang kung anong tumatakbo sa utak nya.

matinding pag sasanay ang gagawin namin... dahil iyon ang utos ni tito...
sinabi nya sa akin bago sya umalis pag nagising si cams ay ipapakilala na sya ng tatay nya.

at kailangan naming mahanap kung sinong hayup ang may gawa nyan sa kanya at ng pagpatay sa nanay nya.
















continue..........
















facebook:camille regondola
instagram:@cmllpncs
twitter:camillapanics













ps. if i have a wrong grammar or wrong spelling man, pasensya na po tao lang nagkakamali rin paminsan minsan im not perfect po correct me in a right way, para matuto.
guys walang mali sa pag tatama ng maayos...im just saying po ofcourse sa iba na nag sisimula palang sa industry ng pagsusulat wag naman po sana nating ibash or sabihan ng hindi maganda, so if i have a grammatical error correct me, hehehehe tao lang! HEHEHEE spread the love bb's ❤



LOVE IN THE MOONLIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon