Pag gising ko kinaumagahan sumakit ang ulo ko dahil sa tinamo kung sugat sa ulo .
" shetttt" ang sakit buti nalang at sabado ngayon, walang pasok naligo ako kahit May benda pa ang ulo ko pag baba ko ng kwarto nakita ko si yaya Belinda nag luluto.
" yaya gising na po ba si leyn?" tanong ko kay yaya.
" nako! tulog pa iyon hija pinag luto ko na kayo nagalit ang daddy mo dahil na Bully ka raw sa school nyo!! nako! ikaw bata ka maupo kana dyan malapit na ito."nag aalala nyang singhal habang nagluluto."Sinong nag sabing nabubully ako!?" Napatingin ako kay yaya dahil sa sinabi nya.
"Nako! ikaw talagang bata ka sino ba ang kasama mo sa iskwelahan?" Sabi ni yaya belinda. nangunot ang noo ko hindi naman kataka taka iyon! syempre lahat ng kilos ko ay nalalaman ng ama ko.
"Tsk! lintek na krysleyn yan!" inis kong singhal sa hangin.
" kumain kana hija! " bigkas nya habang sinasandukan ako ng breakfast.
"ano masakit paba ang ulo mo? Kamusta pakiramdam mo?" Nag aalala nyang wika at hinawakan ang ulo ko akma nyang tatanggalin ang benda ng umilag ako. "yaya àko nalang dyan mamaya, masakit payan! wag mo nalang galawin maupo kana dyan at sabayan mo nalang akong kumain please?" Pakiusap kong wika kay yaya, na agad naman syang tumango sa ipinakiusap ko.
"o sya sige gigisingin ko si krislen para sabay sabay na tayo." tumaas sya papuntang kwarto ni leyn.
ng makatapos na kame kumain napag pasyahan kong umalis, didiretso na sana ako palabas ng humarang si leyn sa harapan ko tinaasan ko sya ng kilay sa ginagawa nya sa akin, ginagawa nya akong bata na walang kaisip isip!
" saan ang punta ng mahal na Reyna?!" Mataray nyang singhal sa akin.
"para kang tatay ko!" irita kong singhal
"Aba! cams malamang àko pinapagalitan ng ama mo dahil sa kalokohan mo!"mataray nyang sabi ulit sa akin, kalokohan? anong kalokohan ba ang ginagawa ko?
Napabuntong hininga nalang ako sa inis, sandali akong pumikit at itinatak sa utak ko na kalma self kaibigan ko parin yan!
"mag bihis ka, samahan mo ako bilis!" sagot ko kumunot ang noo nya."HA? teka!"
"saan punta natin?" gulat nyang tanong."basta! para sa susunod na aalis ako wala ng tanong na lalabas sa mabaho mong bibig!" singhal ko sakanya na kinabilog ng bibig nya.
"Hoy!!!! cams grabe sa makabaho ah!! kunyatan kita e makita mo! sge...tse! magbibihis Lang ako." sabay irap at talikod sa akin pa puntang kwarto nya para mag bihis.
" tsk! ano malapit na ba?!" Boring nyang tanong, sinama na nga may nasasabi pa rin.
"Sinama na lahat lahat marami paring tanong tsk!" Sabi ko sa kanya
"Aba!! syempre inip na inip nako eh ano to road trip? Sana nag dala ako ng snack! "naiinip nyang tanong panay linga nya naman Sa bintana para ilibang ang sarili ngunit hindi na ako nakipag bangayan.
Nang makababa na kame nanlaki ang mga mata nyang nakatingin sa akin
"A-ano ang ginagawa n-natin dito?" Taka nyang tanong sa akin.
"sinama kita dito, para malaman mo kung sino ang pinupunta ko dito!"wàlang emosyon kong singhal nag lakad kame papuntang puntod ni carl nakasunod naman sya sa likod ko.
"C-CAMS?" Utal na singhal nya na pinapalit palit nya ang tingin sakin at sa puntod na kaharap namin, ngumiti at tumango na lang ako sa kanya.
" p-paano mo nalaman na d-dito sya nakalibing?... alam ba to ng daddy mo na sya lagi ang pinupuntahan mo?" gulat na gulat na tanong nya, hindi ko sya nilingon at ilang minuto pa ako bago nakasagot.
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE MOONLIGHT
Fiksi Remaja"Ayuko ng ma-attach sa isang tao dahil sigurado akong iiwan din nila ako kapag dumating ang panahon watching them as they leave me just breaks my heart into pieces" 'Love in the moonlight'