CHAPTER 16

28 3 0
                                    

Cameron's pov

"Wala parin syang malay tita,ang sabi okay na sya." Singhal ko sa kabilang linya, kausap ko ang nanay ni leyn,umiiyak sya habang nagtatanong sa kalagayan ng anak nya.
"Umuwi ka kaya muna." Singhal ni mark pag katapos kung ibaba ang cellphone ni leyn. Nilingon ko sya kaya ay umiling iling ako.
"Magpalit ka puro dugo pa ang uniform na suot mo."wika nya kaya pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili at tiningala sya.

"Hindi ako maaaring umuwi hangga't hindi pa sya nagkakaroon ng malay."mariing singhal ko nakaramdam nanaman ako ng inis kaya diko mapigilang mapaluha.

"Ang sabi ng doctor stable na ang lagay nya kailangan nya nalang masalangan ng dugo,dahil sa maraming dugo ang nawala sa kanya." Sambit ko habang nakatingala sa mga mata nya.
"Hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa magulang nya.....nang dahil sa akin kaya nangyare sa kanya yan."garalgal kong sambit kaya ay niyakap na ako ni mark umiling iling ako habang umiiyak na sa mga balikat nya.
"Ayuko na ulit mawalan Mark!" Sambit ko.

"Hindi ka mawawalan ulit,malakas si leyn paniguradong gigising yun at sesermunan ka ulit." Sambit nya habang hinihimas ang likuran ko,kaya ay tumango tango ako.

Makalipas ng ilang oras pumasok kame sa room ni leyn pinilit ako ni Mark na umuwi muna at magpalit dahil nga may pasok din ako at kailangang managot ni jamaicah. Kaya ay wala rin akong nagawa at umuwi para makapag palit naiwan si mark sa hospital para magbantay,sinabihan ko rin sya na darating ang magulang ni leyn kaya wag syang matutulog.

Pag uwi kong bahay agad akong naligo siguro naman hindi ako mababaliw dahil May sapat ako natulog para maligo.
Nagtungo rin ako sa kwarto ni leyn para kumuha ng kakailanganin na mga gamit nya.
Sasakyan na ang dinala ko dahil marami ang bitbit ko. Pag pasok ko ng kwarto ni leyn nadatnan ko si tita na umiiyak habang pinagmamasdan si leyn. hindi na sana ako papasok ngunit maglalakad palang ako paalis e May lumabas kaya ay tumingin ako sa likuran ko nakita ko si tito na sinasara ang pinto ng kwarto ni leyn lumapit ako sa kanya at tumango.

"Magandang umaga......"
Tinananguan nya ako bilang sagot

"Zeyn iha, maaari ba kitang makausap?" Kaya ay tumango ako at inilapag sa sahig ang mga bitbit kong gamit.

"Hindi ako mag papasalamat sayo dahil nasa ganitong sitwasyon ang anak ko."panimula nya kaya ay yumuko ako alam kung pagagalitan nya ako dahil ako ang may kasalanan kung bakit nangyare ang ganito kay leyn.
"Nag papasalamat ako kase alam kong hindi nyo pababayaan ang isat-isa."
"Pero ganun pa man, gustong gusto kita pagalitan." Sambit nya.
"Naiintidihan ko." Nakayukong sambit ko.
"Pero Hindi ko magawa kase wala naman may gusto ng lahat ng ito."
"Patawad po." Sambit ko habang nakatingin sa mga mata nya. Kaya ay tumango tango sya.
"Gusto ko lang na ingatan nyo ang mga sarili nyo iha, dahil malayo kayo sa mga magulang nyo..... gusto namin na ligtas at maayos kayo kahit minsan Lang namin kayo nakakausap nakakalungkot Lang kase.....minsan na nga Lang tayo magkikita- kita ay dito pa sa lugar na ito."garal gal na singhal ni tito kaya ay napayuko ako habang tumatango.
"Damayan nyo ang isat isa!..... dahil nakikita ko sa anak ko na idol na idol ka nya kung nasaan ka dapat nandoroon din sya hindi sya nalalayo sayo." Kaya ay tumango tango ako.
"Patawad.... kase Hindi ko nagawang tulungan si leyn....."sambit ko
"Pero hindi ko po sya pinababayaan kahit na madalas ay sinesermunan nya ako at nakakarindi and boses nya."singhal ko kaya ay tumawa si tito.
"Ganun ang batang yun! Parating may sinasabing hindi maganda pero lahat ng sasabihin nya para sayo yun! Uunahin ka nya bago ang sarili nya." Tumingala ako at nakita kong nakangiti sya. Kaya ay nag iwas ako ng tingin. Tama si tito ganun si leyn inuuna nya ako bago ang sarili nya kaya naman nag papasalamat ako na itong taong to ang binigay sa akin ni lord hindi ko na kakailanganin ng marami kase dalawa palang sila ni mark sobra sobra na. At iyon ang paulit ulit na ipapasalamat ko.

LOVE IN THE MOONLIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon