Kenight pov♡
Dalawang araw ang nakalipas simula ng maghiwalay kaming dalawa...
Inilabas ko na lahat ng gusto kong ilabas...napapagod nakong umiyak ng umiyak kaya isang bagsakang pagiyak nalang ang ginawa ko it's obvious na wala akong magagawa para bumalik sya saken kahit gumawa pa ako ng isang libong paraan para balikan nya ako ay hindi na nya gagawin yun, dahil kung gusto nya pang maayos ang relasyon namin una palang ako ang pinili nya at hindi si cliff na 'yun.
naramdaman ko ang mainit na pagdampi sa aking mukha dulo't ng luhang bumagsak sa aking mga mata.maski pagpalit ng kasuotan at pagkain ay kinatamaran ko na rin, hindi ko na rin mabilang kung ilang beses kinakatok ang sarili kong kwarto para tanungin ako kung nagugutom ba ako? pero kahit isa wala akong itinugon sa kanila.
Ganito ata no? Pag nasasaktan ng malala kahit mahal mo sa buhay nawawalan ka ng ganang makipagusap,at nawawalan ng ganang gumalaw.
"Son..how are you?" Sambit sa labas ng kwarto ko at alam kong boses ni mommy ko yun.
"Son...if you need me... I'm here." Sambit nya pa ngunit hindi ko sya sinagot tanging napako Lang ang paningin ko sa kisame.
"Son...you're food is cold,please...kumain kana." Sambit nya pa ulit, pero ramdam ko sa boses nya na ang lungkot lungkot nya naramdaman Kong wala ng tao sa labas ng kwarto ko kaya bumuntong hininga ako tsaka ko pinunasan ang luhang dumampi sa pisnge ko, umupo ako sa kama at malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, bigla nalang ulit tumulo ang luha ko sa hindi ko malaman ang dahilan, kung ang dahilan 'nun ay tungkol sa kanya wala na dahil inubos ko na ang pagiyak ko sa kanya ubos na ubos na ubos na ako.
Nagbagsakan ang mga luha ko tsaka napasabunot sa sarili kong buhok.
**
Matapos kung maligo ay bumaba ako sa dining area para yakapin ng mahigpit si mommy ko ngunit walang kahit na sino ang narito pumunta ako sa kitchen nilibot ko ang paningin ko sa paligid ngunit kahit na sino ay walang narito..dumiretso ako sa gawi ng ref para uminom ng tubig bubuksan ko palang ang ref ng biglang namatay ang ilaw halos.. wala akong makita kaya ganun nalang kahigpit ang kapit ko sa ref, kahit na isara ang ref ay hindi ko maigalaw ang sarili kong kamay, dahil sa kaba na dulot ng dilim sa paligid ko nagugulat ako ng biglang may pumutok nilingon ko ang bandang likuran ko ng biglang bumukas ang ilaw at tsaka ko nakita ang mga confetti na nalaglag mula sa itaas.
"HAPPY BIRTHDAY IYAKING KENIGHT." Sabay sabay nilang sambit ganun nalang nanlambot ang mga tuhod ko at nabibigla akong tumingin sa kanilang lahat, nilibot ko ang buong paningin ko.sa kanilang lahat
Halos lahat ng mga kaibigan ko ay narito hawak hawak nila ang handa tumabi sila lahat at nagbigay ng espasyo sa gitna para dumaan ang mommy ko pati si ate na may hawak na tig isang cake."HAPPY BDAY BABY---" kanta ni mommy pero agad na pinigilan ni ate.
"Mom..he's not your baby anymore,bulbulin na yang taong yan!" Sagot ni ate dahilan para magtawanan sila, napaiwas ako ng tingin dahil sa kahihiyan na sinabi ng ate ko. napunta ang paningin ko kila jacob,dearyl at kay jake na tumatawa habang hawak hawak ang mga pagkain."S-shut up ate! di kalang love ni mommy ko kaya ganyan kana!" Inis kong sambit ngunit tinaasan nya Lang ako ng kilay.
"Mommy mo? So, mommy mo lang?" Singhal nya.
"Pasalamat ka b-day mo kung hindi---" Mariing singhal nya na pinandilatan ko lang ng mata.Pagkatapos ng kantahan na puro katarantaduhan nila jacob ay inilapag na nila sa lamesa ang pagkain at pati narin ang cake.
Nagpasalamat ako dahil sa unexpected surprising..nakalimutan ko na lahat lahat ang birthday ko pero talagang pinaghandaan nila hindi ko akalain na makakalimutan ko ang birthday ko dahil Lang sa nangyare saming dalawa ni jamaicah bumuntong hininga ako ng maisip ko nanaman ang mga nangyare nag ayos ako ng upo ng lumapit sa gawi ko sila Jake, dearyl at Jacob napangiwi ako ng ng rumehestro sa akin ang mga mukha nila sa malapitan.. Mga kaibigan ko sila pero kung papipiliin ako kung sinong mas gwapo sa kanilang apat syempre...syempre wala...wala ako sa apat e! tsk.
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE MOONLIGHT
Novela Juvenil"Ayuko ng ma-attach sa isang tao dahil sigurado akong iiwan din nila ako kapag dumating ang panahon watching them as they leave me just breaks my heart into pieces" 'Love in the moonlight'