Hindi ko na malayang patanghali na at napagdesisyunan nanaming dumiretso Sa bahay at ipaghanda ng makakain si churlz bukod sa makulit ay napakatakaw din at walang pinipili subo lang ng subo ang pasaway na iyon. Naka ready na ang lahat at sya nalang ang inaantay namin napagod ako dahil sa pag aasikaso ng tanghalian namahinga Lang ako saglit at naupo sa sofa Sa sobrang dami kong ginawa ay di ko namalayang nakatulog ako........
Nakarinig ako ng mga ingay sa paligid ko ngunit wala akong pinansin.
"Ssshhh your ate is sleeping comehere"
Rinig ko ngunit nanatili Lang akong tulog
Nakaramdam naman ako na parang malagkit sa mukha ngunit hindi parin ako bumangon nakarinig ulit ako ng mga hagikgik at dun na ako nag Mulat ng mata pag mulat ko ay nasaharapan ko na si churlz madungis ang itsura at punong puno ng tsokolate ang bibig napangiwi ako ng maramdaman ko ang lagkit nya. ngumisi sya habang ngumunguya. Tumingin ako sa paligid ko at walang tao,kumunot naman ang nuo ko wala manlang nagbabantay sa kapatid ko nasaan ang mga iyon ? Niyuko ko si churlz "where's your maid?" Tanong ko kay churlz ngunit umiling iling Lang ito hinawakan ko sya at binitbit papunta sa kitchen para linisin ang itsura nya ngunit papasok palang ako ay may naririnig na akong kalansing ng mga kubyertos. nagsisikainan na sila kaya pala walang nag babantay sa kapatid ko! Eh bat hindi manlang nila ako ginising ng sabay sabay na kame kumain tsk!. kumakain na sila sininyasan ako ni leyn na maupo na, ngiti ang remehestro sa mukha ni mark ng maupo ako sa harap nya si leyn ay katabi ko sa kanan at si dad naman ay nasa dulo ng table si churlz ay pinaupo ko sa kaliwa ko nag simula kaming kumain. agad naman binigyan ni yaya belinda ng pagkain si churlz sa sariling Plato nya katahimikan naman ang namutawi sa amin tanging ang matunog na pag nguya Lang ni churlz ang naririnig namin.
" thanks, daughter for preparing our lunch." panimula ni erpats ngumiti ako at tumango Lang sakanya narinig Kong dumighay si leyn sa kanang gawi ko kaya naman napalingon ako sa kanya.
"kala mo naman sya ang nag luto" bulong nya kahit na bulong yun ay narinig ko pero Hindi ko sya pinansin. nilingon ko naman ang kapatid ko"masarap churlz?" Ngiting sambit ko tatango tango syang nagsasalita "yumyumyum" napangiti ako sa inasta nya kaya tinuloy ko ang aking pagkain.
" iķaw ang nag luto ng lahat ng ito zeyn?"tumingala ako para tignan sya napangiwi ako Kay mark ng maisip na ipinag balat ko lang ang mga rikado para sa ihahandang lulutuin nag iwas ako ng tingin at tsaka sya sinagot.
"Ahh--- nag gisa ako ng sibuyas at bawang sa kawali..." singhal ko na sa iba nakatingin nakakahiya haytss alam ko namang Hindi ako marunong, nakarinig ako ng May ngumingisi kaya nag angat ako ng tingin sa kanila,ngunit ng tignan ko sila bawat isa ay tila naka fucos lang sa kanilang kinakain kaya ipinagpatuloy ko nalang din ang pagnguya.
ng matapos na kame sa pagkain ay inutos ko sa yaya ni churlz na hilamusan sya at palitan ng damit at baka may biglaang bisita si dad at makita syang marumi nag stay Lang ako sa dining area at kasama ko si Mark si leyn naman ay tumutulong sa paglilinis ng kitchen.
"dito kaba matutulog? " bigkas ni mark umiling Lang ako bilang sagot
"may pasok ako bukas, ikaw kailan ka papasok?" Tanong ko
"nextweek pa! Inaayos pa yung mga papers ko for transferring" tumango Lang ako tsaka ko kinuha yung flower vase sa lamisa pinagmasdan ko ito at kusa nalang ako napangiti.
"Gusto mo bang sunduin kita ng school nyo bukas?" Sambit ni Mark dahilan para lingunin ko sya inilapag ko naman ang hawak kong flower vase tsaka kunot noong tumitig sa kanya.
"Anu palang silbi ng kotse at motor ko kung susunduin moko?"sagot ko" HAHAHAHA eh anu din bang silbi ko sa buhay mo kung Hindi ka papayag"
"Tsk hindi naman kita driver at lalong lalo na, hindi kita alalay mark"mahinhin kung sambit napangiti naman sya sa sinabi ko
"Sige sasusunod nalang,pero sasusunod na susunduin kita wala ka ng magagawa!" pinandilatan ko sya ng mata dahil sa sinabi nya. Nakita ko namang tumatakbo sa amin si churlz "a-ate!" Bulol na sambit nya "a-ate!"
"Why churlz?" Napakamot sya sa tyan nya at paulit ulit ang pagbigkas na Hindi ko naman maintindihan "la--te!" "La--te!" kumunot ang noo ko ng hindi ko matukoy ang sinasabi nya. si mark naman ay ngumingisi ngisi ngunit hindi ko sya pinapansin haytsss "baka ay tsokolate ang sinasabi nya"sambit ni mark kaya ay nilingon ko sya, napatingin naman ako sa kapatid ko na nagliwanag ang mukha haytsss tsokolate Lang pala ehh tumayo ako at dumiretso sa ref tinignan ko kung May tsokolate pa pero ubos na. hahlah!! Anung gagawin ko? paniguradong iiyakan ako at Hindi ako papaalisin kapag wala akong maibigay! bumalik ako Sa dining area at pinagmasdan ang matataba nyang pisngi.
"a-ahh gusto mo bang pumunta ng mall churlz para maibili kita?" Sambit ko ng nakaharap Kay churlz nag tatatalon sya sa saya "ta-- moll!!" Lundag lundag nya sabay pumapalakpak pa 'pupunta daw ng mall' haytss "pero bukas pa pag uwi ko ng school" sambit ko agad naman napawi ang kasiyahan sa pustura nya Di kalaunan tuluyan na syang umiyak.
napalingon naman ako sa gawi ni mark
" n-no ta moll!!, No! Ta Moll--- huhuhuhuhu" niyakap ko kaagad sya para tumahan kaso hindi parin sya tumitigil sa pag iyak bumuntong hininga naman ako Hindi ko pwedeng iwanan na ganito to wala akong choice kaya't pupunta nalang kame. "okay lets go punta tayo ng mall" sambit ko at agad naman nagliwanag ang mukha nya tutal hindi naman ito nalalayo sa tinutuluyan ko eh. Habang si mark ay nag mamaneho at àko naman ay nasa passenger seat at kandong kandong ko si churlz panay ang sulyap ni mark sa gawi namin at panay ang ngiti naman, napakunot ang noo ko 'anu kayang katarantaduhan ang naiisip nito at panay ang ngisi? ng makaparada na sya sa parking lot ay mabilis syang bumaba para pagbuksan kame ni churlz at alalayan makababa "salamat" ngiting sambit ko pag pasok namin ng mall ay agad na binitawan ni churlz ang kamay ko at tumakbo palayo hinabol naman sya ni Mark tumingin tingin ako kung saan ako papasok na store at Hindi naman ako nahirapan sininyasan ko si mark na sumunod sa store para simulan ng bumili. Habang ako ay naghahanap ng mga tsokolate ay si churlz naman ay buhat na ni mark ng sa ganoon ay mabilis kame makapamili. Panay Lang ang yuko ko dahil sa hiya. bat ba kung makatingin sila ay parang inggit na inggit sila? lumingon ako sa likuran ko at nag tama ang paningin namin ni Mark ngumiti sya ng nakakaloko at napakunot naman ako ngunit hindi ko nalang pinansin iyon.
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE MOONLIGHT
Teen Fiction"Ayuko ng ma-attach sa isang tao dahil sigurado akong iiwan din nila ako kapag dumating ang panahon watching them as they leave me just breaks my heart into pieces" 'Love in the moonlight'