Cams pov
Lumipas na ang ilang araw palaisipan parin ang numerong tumawag sa akin sa simbahan...paulit ulit ko naman 'itong tinatawagan ngunit hindi ko na rin macontact sinubukan ko ipa detect kay mark ngunit ang sabi nya ay wala na daw...at hindi na nya mahanap dahil wala na ito sa linya.
Hinayaan ko nalang dahil wala naman akong idea kung sino ang taong yun.
Akala ko ay okay na ako minsan sa isang araw kapag may malalim akong iniisip ay kumikirot nalang bigla ang aking ulo minsan may mga bagay din akong nakakalimutan, tapos maya maya lang maaalala ko rin, nandito ako ngayon sa appartment ko kasama ko si leyn maghapon syang hindi lumabas ng kwarto nya...alam kung mahirap makalimot lalo na kapag nawalan ka ng pinaka importanteng tao sa buhay natin, minsan nag bibiro naman sya pero hindi biro katulad ng dati pero kahit may dinadala syang problema iba yung awra nya...aakalain mo talaga kapag marami syang kaharap parang wala syang problema, pero kapag kami nalang dalawa ang mag kaharap malungkot sya subrang lungkot nya.
Tahimik akong nag babasa ng libro ng may narinig akong kalabog sa itaas...agad akong napatayo ng marealized ko kung saan nanggaling ang ingay na'yun.
Kumatok ako sa kwarto ni leyn na agad rin nitong binuksan...nasa lubong ko ang nakataas nyang kilay at tila nag hahabol pa ito ng paghinga.
"ano ang ingay na'yun?" tanong ko saknya.
"may daga akong nakita kaya hinabol ko!" mabilis akong napabalikwas ng ibinalandra nya sa harap ko ang isang dagang halos kasing laki na nang pusa, napamura pa ako dahil sa ginawa nya, na ikinatuwa nya pa!."what the fuck!" sigaw kong sambit sakanya mabilis akong tumakbo sa sala ng subukan nyang ihagis sa akin ito...
"kayabang yabang takot naman sa daga!" rinig na sambit nya na tatawa tawa.
Tinalikuran nya ako at lumabas para itapon ang dagang hawak nya, agad na napawi ang takot ko sakanya nang makita kong ibinalot nya ito sa plastick at tinapon.
"hindi ka manlang nandiri ng hawakan mo ang daga na parang isang malinis na bagay lang!" sambit ko sakanya ng makapasok sya ng bahay.
"aba! Bakit ako matatakot? daga lang yun! Kung kumakain nga lang ako ng daga baka kinain ko pa yun e!" sabit nya na ngingisi ngisi pinandirihan ko sya matapos nyang sabihin yun.
"Ano kaya ang nasa isip nya bakit nasasabi nya ang mga yun? Napaka dugyot talaga!" sambit ko sa sarili ko tinitigan ko lang syang papalayo papuntang kusina para mag hugas ng kamay.
Sabado ngayon at wala kaming pasok naisipan kung bisitahin ang nanay ko lalabas na sana ako ng may mahagip akong isang lalake sa di kalayuan... hindi ko mawari kung ano ang itsura nya ng mabilis syang nag tago sa likod ng malaking puno, nangunot ang noo ko nang sumulyap sya ulit at sa hindi inaasahang pagkakataon nag tama na ang aming mga mata.
Mabilis syang tumalikod at nag lakad palayo hinabol ko sya at napaka swerte ko ng naabutan ko sya mabilis kong hinawakan ang kamay nya dahilan para mapaharap sya sakin kita ko ang takot sa mukha nya nang makita nya ako...mas matangkad sya ng kaunti sa akin, medyo malaki ang katawan nya, maitim sya at nakasuot sya ng itim na damit at pantalon.
"sino ka? Bakit binabantayan mo ang bahay ko?" mariin kong sambit sakanya nakita ko syang mapalunok sa tanong ko.
" ay! Yun ba ma'am? Nagandagan kase ako sa bahay nyo!" sagot nya at umiwas sya ng tingin.
Tumango tango ako na para bang sang-ayon ako sa sinabi nya.Binitawan ko sya at tatalikod na sana sakanya nang mabilis kong kunin ang aking balisong at itinutok sakanyang leeg na ikinagulat naman nya.
"Alam mo maniniwala na sana ako sa sinabi mo...kaso hindi naman kapanipaniwala ang mukha mo!"
"M-MA'AM!" takot na singhal nya
" anong ginagawa mo at bakit nag mamasid ka sa bahay ko!?" sa pagkakataon na ito, mas diniinan ko ang matulis na bahagi ng aking balisong sakanyang leeg upang mas lalo syang matakot at mag sabi ng totoo.
"M-MA'AM! W-WAG PO! N-NAPAG UTUSAN LANG P-PO! W-WAG WAG NYO PO AKONG P-PATAYIN!" pag mamakaawa nya sakin kaya lang di ako naawa e, alam ko na may masama syang plano.
"sino nag utos sayo at ano ang inutos?" singhal ko sa mismong tainga nya!
"S-Si Ano po m-maam....." hindi nya natapos ang kanyang sasabihin ng biglang may sumigaw mabilis kaming napalingon sa aking bahay ng makita ko si leyn sa labas ng pinto, binitawan ko ang lalaki at mabilis na tumakbo sa gawi ni leyn nanginginig sya at takot na takot...tinignan ko ang kahon na hawak nya napamura ako ng makita ko ang isang putol na kamay ng tao violet na ito at umaalingasaw na ang amoy.
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE MOONLIGHT
Teen Fiction"Ayuko ng ma-attach sa isang tao dahil sigurado akong iiwan din nila ako kapag dumating ang panahon watching them as they leave me just breaks my heart into pieces" 'Love in the moonlight'