CHAPTER 22

28 1 0
                                    

CAMERON POV

dalawang linggo na ang nakakalipas simula ng dalhin ni dad si churlz sa america, ang lolo at lola ko na ang umaasikaso ng pag galing nya, gusto ko sanang sumama kaso... ayaw ng lola ko dahil mapapabayaan ko lang ang pag aaral ko.

mag isa akong nag lalakad sa hallway papunta ng room ko ng biglang maamoy ko ang isang familliar na pabango hindi ako maaring mag kamali ito ang amoy nung araw na nasa parking lot ako ng hospital, kabisadong kabisado ko ang amoy nya.

sandali akong napahinto at para akong tangang napapasulyap kung saan saan.

unti unti akong nag lakad at sinusundan ang amoy na'yun hanggang sa makarating ako sa pintuan nakita ko ang isang lalakeng nakaupo sa gitna. lalapit na sana ako ng bigla akong hatakin ni leyn palabas

"hoy tanga ka! hindi natin room yan, bobo neto oh!" nagpumiglas ako dahil hinatak nya ako palabas.

"naaamoy mo ba yun?" tanong ko sa kanya na ikinataas ng kilay nya.

"ang alin?" pagtatakang tanong nya.

"wala! tara na, malalate tayo!" walang gana kong singhal hindi ko na sinagot ang tanong nya dahil alam kong hindi nya ako paniniwalaan at hindi sya titigil kabubunganga nya.

naglakad ako ng mabilis papunta sa room namin, at rinig na rinig ko ang pag sigaw nya na parang gusto nyang malaman ang sasabihin ko kanina.

hanggang sa makarating kame ng room namin at ayun parin ang bukangbibig nya.

"good morning class!" pagkapasok na pagkapasok palang ni ms. verano,

malaki ang pinagbago nya mula ng nagkasagutan kame at pinatawag nya ang tatay ko sa office hindi sya umimik at tila bumibilib sa kung anong meron ako, tsaka nya narealized na dapat pala chineck nya muna ang background ko ng saganuon hindi kame nakapang abot sa GUIDANCE OFFICE.

pumapasok sya ng room na hindi ako pinapakealaman,at hindi na nya ako tinatrato na para bang isa akong basurang studyante, para na lang akong simpleng studyante nya,... nakikinig...sumasagot...at matiwasay na nakakapag aaral...

DISMISS




naglalakad kameng apat nila kimberl, leyn at shayne sa cafeteria upang mag lunch break na...at heto nanaman si leyn sa pagkwekwento ng kung ano anu...ang babaeng yan ay hindi namamaho ang nguso!... papalapit na kame ng cafeteria ng biglang may bumato mismo sa harap ko.
hindi ko matukoy kung sino ang may gawa nun, dahil napakabilis ng pangyayare.

natumba ako ng tumama sa akin mismo ang napakatigas na bagay napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ko ang sakit, agad akong inalalayan ni leyn na makatayo at nag papanic ang dalawa na agad rin namang tinulungan ako,... pag alis ko ng palad ko ay tsaka ko lang, napagtanto na umaagos na ang aking dugo sa mukha kaya pala masakit dahil bato pala ang inihagis sa akin.

"t-tangina! c-cams napuruhan ka!" pag aalalang sambit ni leyn at nag sisigaw na ang dalawa upang humingi na ng tulong.

inilibot ko ang mga mata ko kung saan man galing iyon ngunit hindi ko masyadong matukoy dahil napapalibutan na kame ng mga studyante,  lahat na ng studyante ay nag papanic narin ng makitang duguan ako.

"c-cams d-dadalhin kita sa H-hospital!!!......" kinakabahang sambit ni leyn hinahawakan nya ang ulo ko kung saan ako tinamaan at kitang kita kong nanginginig sya.

bigla akong nanghina ng madapuan ng mata ko ang suot ko na halos puro narin dugo, tatayo na sana ako ng biglang may pwumersa sa kamay ko upang makuha nya ang lakas ko, nagtama ang mga mata naming dalawa... nabigla ako sa ginawa nya at pati ang mga studyanteng nandito.

LOVE IN THE MOONLIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon