CHAPTER 24

34 2 1
                                    

LEYN POV

"anak ito pa isama mo na dyan!."sambit ni mama pagkatapos nya akong baonan ng isang kare-kare, nilutoan nya pa kase ako, ang sabi ko naman wag na dahil mapapagod lang sya, may bilihan naman ng pagkain sa loob ng stunyhurt eh!.

mabilis kong inayos ang buhok ko pagkatapos kong magbihis ng uniform..

nilagay ko na ang baon kung pinadala saken ni mama,pinabaonan nya rin ako ng tubig, hindi ko na matanggihan ang mama ko dahil pagagalitan lang nya ako, at sasabihing matigas na ang ulo ko at kaya ko na ang buto ko! kaya maaari na akong mag asawa.

BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

nag paalam na ako kay mama na aalis na at baka malate pa ako ng school, kaya mabilis akong humalik at yumakap sakanya.
si papa ay minsan lang umuwi ng bahay yun dahil katuwang yun ng tatay ni cams sa trabaho, napakadami ba namang pasanin ng tatay nya.

speaking of cams

mahigit two months na syang tulog at nakaratay sa higaan...two months na walang ligo, two months na walang sipilyo!

ang babaeng yun hindi parin bumabangon :(

araw araw kong dinarasal na sana ay magising sya maraming nag aantay sa kanya.

araw araw pag uuwi ako galing school ay dumidiretso ako ng bahay nila chinicheck ko kung humihinga pa ba sya! JOKE syempre buhay pa naman para nga lang patay. BWHAHAHAAHA

nag decide kase si tito na iuwi nalang si cams dahil hindi nya masyadong matutukan kapag nasa hospital pa ito, masyado syang busy at minsan nya lang maasikaso si cams, nag hire na lang sya ng dalawang nurse na mag aalaga sakanya at mag titingin tingin habang wala ako. si doc riguer naman patuloy parin ang pag tingin sa kalagayan nya at may isang doctor pa ang tumitingin sakanya si doctora angel! inaantay nalang talaga namin syang magising. yung apartment na tinutuluyan namin ni cams ay sariling bahay nya yun! binili nya yun noong bumukod sya sa kadahilanang galit sya sa tatay nya, ngayon nalang ulit kame tumira dito dahil nandito sya.

syempre kung nasaan sya palagi din naman akong nandoon.

pero minsan umuuwi parin ako dun sa apartment namin kumukuha ng damit, at iba pang pangangailangan.

tsaka araw araw akong excited na umuwi dito, iniisip na baka gising na sya inaantay nya rin akong umuwi, tapos.....tapos tsaka ko lang ulit marerealize na ganun parin ang sitwasyon nya, maputla may benda ang ulo, nakaratay parin at wala pa ring malay.

walang palya ang pag babantay ko sakanya, kahit hudas ako at mabunganga mahal ko sya,mas okay lang na tahimik sya buong mag araw kaysa yung makikita ko sya sa ganitong sitwasyon.

isang buwan simula ng magbago ang lahat, tuwing pumapasok ako ng stunyhurt hindi na ako nakakaramdam ng pang aapi at pangungutya ng kapwa ko...pag dumadaan ako sila na mismo gumigilid.

ayon naman talaga ang goal namin ni cams ang makatapos ng hindi nasasali sa kahit na anong gulo at makatapos ng walang tinatapakang tao, tinapakang tae lang. BWAHAHAHAHHA

wala naman talaga akong sasakyan, ang sasakyang ginagamit ko ay kay cams talaga, ibinigay nya sa akin ito noong nakaraang birthday ko regalo ba! noong nakaraang linggo ko lang nagamit ulit dahil pinaayos ko ito apat na buwan bago ko ulit nagamit.

mabilis akong pinagbuksan ng gate ni manong guard hehehehe close na kame kilala nya na kase ako e.

mabilis akong nag park dahil pakiramdam ko malalate ako kahit hindi naman trapic papunta dito.

gusto ko kaseng umuwi ng maaga, ganun kase yun pag gusto mong umuwi ng maaga dapat pumasok ka rin ng maaga.

BWAHAHAHAHAHAHAHA! joke!

LOVE IN THE MOONLIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon