cameron pov❤
rinig na rinig ang malakas na pag tawa ni leyn, paminsan minsan ang sarap mang asar ng lalakeng may sapak sa utak, magkita lang kame pakiramdam nya ay parati syang sinusundan.....napangiti ako ng maisip ko ang eksena nya kanina sa elevator kalalakeng tao eskandaloso.
pababa palang ako ng hagdan ng biglang tumawag sa akin si mark
napahinto ako at tsaka ko sinagot ang tawag nya."oh?" malumanay kong sambit.
"kumain kana?" tanong nya kaya ay napataas ang kilay ko,tumawag sya para sabihing kumain nako? napabuntong hininga ako at sinagot nalang ang tanong nya.
"where are u? busy?" singhal ko habang papunta na akong elevator.
"may pinapagawa sa akin ang daddy mo, tinawagan lang kita baka kako nagpapalipas ka ng gutom." hindi na ako nagulat dahil bukod kay leyn at kay dad sya talaga ang pinaka maaalahanin.
marami pa syang tinanong ngunit ang utak ko ay umiikot lamang kay kenight hindi kase maialis sa utak ko ang eksena nya sa elevator.
ibinaba ko na ang tawag nya ng makarating ako ng parking lot papunta palang ako ng sasakyan ng makaamoy ako ng kakaibang amoy.
hindi ako maaring magkamali dahil alam ko kung anong klaseng amoy yun mabilis ako nawala sa katinuan at hinanap kung saan ng gagaling ang amoy nayun, nag paikot ikot ako sa loob ng parking lot nainis ako ng nawala bigla ang amoy nayun.
namalayan ko nalang ang sarili kong nag dadrive papuntang sementeryo.
napadaan ako sa isang tindahan at bumili ng isang balot ng kandila.
nang makarating ako agad kong sinindihan lahat at humiga sa tabi nya.
kitang kita ko ang isang napakalaking bituin na kumikinang kaya agad kong sinulyapan ang puntod na katabi ko
at muling ibinalik ang tingin sa langit."akala ko kaya ako bumalik dito para maging maayos ako, para tanggapin ang mga bagay na hindi ko matanggap noon." sambit ko at hindi naalis ang paningin ko sa bituin na kumikinang.
"hindi ganun kadaling tumanggap ng taong nawala lalo't na't alam nating yung taong yun ang mas higit na magtatagal sa buhay natin." garalgal kong singhal.
"hindi ka ba nasasaktan?....hindi ka ba nalulungkot dyan? yung taong gusto mong makasama ay wala dyan sa lugar kung nasaan ka ngayon."
"kase kong ako tatanungin mo sobra akong malulungkot." mabilis na nag unahan ang mga luha ko kaya ay pinunasan ko ito.
"malungkot dyan wala ang nanay mo dyan, wala kame nila leyn at mark wala ang ate mo, ang tanging kasama mo lang ay ang nanay ko."
"minsan iniisip ko gusto kitang sundan gusto kong pumunta dyan kaso....paano si churlz? paano ang tatay ko?" napangisi ako sa naisip ko.
"alam mo ba yung sinabi kong lahat ng lugar na pupuntahan mo ay pupuntahan ko rin." tumulo ang luha ko ng maalala ko iyon sabay ko ito nilingon.
"bakit pumunta ka sa lugar na alam mong hinding hindi ko kayang puntahan?" tsaka nag unahan ang mga luha ko sa pagtulo at mabilis ko namang pinahiran.
"alam na alam mong hindi magagamitan ng kahit na anong kayamanan kung nasaan ka ngayon," muling ibinalik ko ang paningin sa langit.
"si churlz may sakit....mahina ang puso ng kapatid ko, masyado pa syang bata para maranasan yon."
"hindi ako pwedeng makaramdam ng kahit na anong pagsuko at pagod sa katawan, dahil yun ang parating pinaaalala mo." napangiti ako ng maalala ko ang mga ilang beses na pagkakamali ko at parati nyang itinatama para sa akin.
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE MOONLIGHT
Ficção Adolescente"Ayuko ng ma-attach sa isang tao dahil sigurado akong iiwan din nila ako kapag dumating ang panahon watching them as they leave me just breaks my heart into pieces" 'Love in the moonlight'