Chapter 6

53.7K 1.2K 65
                                        

Nakarating kami sa company niya at halos pagtinginan kami ng mga naroroon. Mabilis na umugong ang usapan tungkol sa amin na pinili ko na lang na huwag nang pansinin. I'm sure may mga pictures and rumours tungkol sa amin ang kakalat sa social media, pero dahil wala akong hilig sa pagkakaroon ng IG, Twitter at Facebook, ay hindi ko rin iyon makikita, if Kimmy won't tell me.


"Don't mind them." naramdaman ko ang paghawak ni Hunter sa kamay ko kaya agad niyang naagaw ang attention ko.


"They are spreading rumors..."


"Which is true," he cut me off.


Hindi na ako nagsalita pa at nagpadala na lang sa kaniya hanggang sa opisina niya. After we get there, he and I talk about the contract and my photoshoot. Marami kaming napag-usapan about sa trabaho and during lunch, nagpadala na lang siya ng kakainin namin sa loob ng office niya. Nakahinga pa ako ng maluwag ng makitang meat iyon. Hindi pa naman ako naka dala ng doses of epinephrine.


"Magana ka namang kumain ngayon, hindi ko ba nagustuhan ang luto ko kagabi?" Nahinto ako sa panguya sa sinabi niya.


It wasn't my intention to make him feel that way, I was about to tell him the truth when we heard footsteps. Hindi na namin napansin na bumukas na pala ang pinto ng opisina niya at pumasok doon si, Amarinth?


I swallowed hard when I felt a lump in my throat, seeing Amari walk confidently towards my husband.


Walang pag d-dalawang isip na tinawid niya ang distansya nila ni Hunter at hinalikan ito sa labi, which made Hunter flinch and push her away a little. Mukhang hindi siya galit pero mukha ring hindi niya nagustuhan ang ginawa ng babae. Nangilid bigla ang luha ko sa nakita but I try to hold it back.


"Amari, I have a wife."


Kung wala, okay lang?


Gusto ko matawa. Baka na-misinterpret ko lang ang sinabi niya.


"Oh c'mon hon! Kailan mo ba siya sineryoso? She's just the highest paid model in the world, and I am sure naman na hindi lang ikaw ang naging lalaki sa buhay niya so why bother?" What?!


Okay, I have flirted with guys before. Pero kakaibang tono at kahulugan ang nabakas ko sa sinabi niya.


"Amari..." nagbabantang suway ni Hunter sa babae. Amari rolled her eyes and folded her arms over her chest.


"I need us to talk right now, Hunter."


Nagalangan pa si Hunter at napalingon sa akin, I wanted to shake my head and tell him to finish our lunch without leaving me, but he didn't see it through my eyes and stood. Huli na ng ma-realize kong, nakalabas na sila ng opisina patungo sa kung saan para mag-usap. Nawalan ako ng ganang kumain at tinabi na lang ang mga iyon.


I waited for them to come back, especially Hunter, but ended up seeing Vincyl enter the office, shocked to see me.

Hunter's Wrath (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon