Chapter 3

62.6K 1.5K 122
                                        

Three years ago, my brother and I reunited after being apart for years. But it didn't last long, when I got into a situation, there was no way out.



"Alright! Let's wrap this up, pips!" mabilis kong kinuha ang robe na inabot sa akin ni Kimmy, my manager at siya ring naging kaibigan ko rito sa Vegas for three years. Iilan lang kaming Filipino ang naririto, 'yong ibang models ay Asian, ang iba from the Middle East, tapos ang kalahati ay puro na taga Western.



"May party mamaya sa unit ni Austine, sama ka?" kinawit ni Kimmy ang kamay sa braso ko habang patungo kami sa dressing room. Natigilan naman ako sa sinabi niya. Gusto ko sana kaso...napalingon ako sa singsing na nasa daliri ko.



"Next time, Kimmy, kailangan kong umuwi ng maaga." she groaned.



"Lagi naman Dimaria, lagi naman. Ano bang mayroon sa bahay mo at tila takot na takot kang hindi 'yon mauwian?" oo nga pala, wala sa kanilang may alam ng totoo. Mabuti nga at hindi nila pinagiisipan ang singsing na suot ko.


"You know naman na bukod sa pagiging modelo, I have another work at night virtually," pagsisinungaling ko. I just don't want Kimmy to think about me. Matagal ko nang pinangako sa sarili ko, that I won't and will never burden people around me with my own problems.


"Oo na sige na, basta sa Saturday labas tayo ah? Kape-kape lang." ngumiti ako.


"Sure," mabilis na akong nagbihis at nagpaalam na rin sa kaniya. Binilinan lang niya ako na may meeting ako with the CEO of the Luxury. Napili kasi akong maging brand ambassador nila. And I will do some photo shoots to be the image of their company and advertise their products. Nakababa na ako ng building nang matanaw ko ang isang kotse na naghihintay. Umaliwalas ang mukha ko sa isiping baka siya 'yon, ngunit agad na napawi iyon ng makita si Robert, my driver. Well, he appointed him to be my driver. I just thought, kahit isang beses lang ay magagawa niya akong sunduin. Tahimik akong sumakay sa kotse at kaagad namang sumunod si Robert.


"Si Hunter?" Robert glances at me using the rear-view mirror.


"Nasa bahay niyo po Miss Dimmy," hindi na ako nagsalita at kinuha na lang ang phone ko. I scrolled it up to nahinto lang sa isang post from Meast. I was following his IG. Isang taon na rin nang makausap ko siya, I told him na huwag sasabihin kay Lucifer kung nasaan ako. I told him that I was doing good and to tell Lucifer too. Ayokong kausapin ang kapatid ko dahil alam kong rurupok ako.


I feel so sorry for Lucifer, but I am doing this for him. For our peace. Nakarating kami sa bahay ng hindi ko namamalayan dahil sa kakatingin ko sa pictures ni Meast na kokonti naman. Madalas IG story lang niya ang tinitingnan ko at nagmimistula na 'yong happy pill ko. I still like him. He knew that. Pero nabalitaan ko na sila na pala ni Val. Wala pang isang taon noong umalis ako. Pero mukhang nagkakalabuan sila kasi umalis si Val para ipagpatuloy ang pag m-modelo.


Kaagad na akong pumasok sa bahay ng hindi na basta-basta kumatok. Kami lang naman ni Hunter ang naririto. Ngunit ang ginagawa kong paghakbang papasok ay agad na natigil. I was stunned and rooted to the same place I was standing. My lips parted as my tears welled up in my eyes. I saw how Hunter kisses the woman, aggresively, kitang-kita ko kung paanong mag espadahan ang mga dila nila... hindi ito ang unang beses kong makita siyang may kahalikan na babae rito pero hindi ko pa rin magawang masanay. Sa loob ng tatlong taon na mag-asawa kami, walang oras na hindi niya ipinaramdam sa akin na asawa lamang niya ako sa papel at may kontrata akong pinermahan.

Hunter's Wrath (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon