Matapos ihatid si Tremor at Diana sa airport, ay dumeretso ako sa kompanya ni Hunter para idaan ang mga dokumentong napirmahan niya. Naabutan ko si Mr. Marcy sa opisina niya na kaagad naman akong sinalubong pagkapasok ko, para kunin ang mga dokumento na natitiyak kong naitawag na ni Hunter sa kaniya.
Paalis na sana ito, ng bigla ako nitong pigilan.
"Don't ever do such things, na makakapagpahirap sa kaniya. As much as possible, help him sa mga gawain." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit pakiramdam ko hindi na lang assistant ang trabaho ko? Bukod sa personal nurse? Ano pa ba ang gusto nilang gawin ko? Maging personal maid niya?
Tumango na lang ako at nagpaalam nang aalis. Mabilis lang akong nakarating sa bahay ni Hunter. Tulad nang pagdating ko kahapon ay tahimik at madilim ang buong bahay. Tumungo ako sa home office niya pero hindi ko siya nakita. I put down my things first when I felt my throat going dry. Baka nasa kwarto pa niya siya, or tulog pa...bumaba na muna ako para tumungo sa kusina to get myself a drink.
Pagkapasok ko pa lang ay kaagad ko nang kinapa ang switch to turn the lights on, when something or someone rather bump into me, from behind. Napasinghap pa ako ng mapayakap siya bigla sa bandang tiyan ko, out of shock. What the fuck?
"D-Dimaria?" mabilis kong binuksan ang ilaw ng makabawi at kumawala sa kaniya. Kaagad ko siyang hinarap, ngunit tulad kahapon, nakaharap man siya sa direksyon ko ay lumalagpas pa rin akin ang tingin niya.
"Bakit ba kasi hindi ka nag-iilaw dito sa bahay mo?! Ang dilim tuloy!" bulyaw ko, pansamantalang nakalimutan na naririto ako bilang assistant niya at hindi bisita o kung sino man na may karapatang sigawan o bulyawan siya.
"Sorry..." I was stunned for a moment. Napatitig ako sa kaniya ngunit nanatiling walang emosyon ang mukha niya. He was just wearing a cotton shirt and shorts. Magulo ang buhok ngunit nanunuot sa ilong ko ang panlalaki niyang pabango at natural na amoy ng katawan niya. It was too captivating and addicting. Sobra-sobra ang self control na ginagawa ko upang hindi tuluyang mahulog sa nakakaakit niyang amoy. Goddamit!
"S-Sorry din Mr. Martinez, nagulat lang ako..." kahit na nasabi ko iyon, ay nanatili pa rin ako sa pwesto ko. Hindi ako makakilos at hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya na wala ring ginagawang pagkilos.
"Mauuna na ako sa home office mo, marami pa hong trabaho na naiwan doon," Tumango naman siya at bahagyang gumilid para makadaan ako. Matapos ko siyang lagpasan ay huminto ako hindi kalayuan sa kaniya at lumingon.
Nanatili siyang nakatayo kung nasaan siya kanina at hindi pa rin kumikilos. I find it weird again. Bakit ba kakaiba ang mga inaakto niya simula kahapon? Nakakainis iyon pero nakakaintriga rin. Marami akong nakikitang nagbago sa kaniya, at dahil doon ay naaantala ang pakay ko rito. Mayamaya lang ay naramdaman ko na ang presensya niya. Tahimik siyang naupo at nagsimula nanaman makinig ng kung ano. Hinayaan ko na lang dahil parte pa rin iyon ng trabaho niya bilang CEO, kahit pa naririto siya sa lungga niya.
'Di kalauna'y nakarinig ako ng door bell sa baba. Napansin kong nakuha rin nito ang attention ni Hunter kaya tumayo na ako.
"I'll go check it out," Mahinang sabi ko sapat para marinig niya. Nagmadali akong bumaba at tinungo ang front door. Pagkabukas na pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang isang lalaki na hindi ko kilala.
BINABASA MO ANG
Hunter's Wrath (Published)
General FictionDark Series #2: Hunter Once a man of promise and love, Hunter Martinez lost everything the night tragedy struck-and with it, the man he used to be. Grief gave way to fury, and his heart, once tender, turned cold. Now, vengeance is all he knows. His...
