Chapter 22

58K 1K 125
                                        

"Madilim na sa labas."


Nilingon ko si Tremor na sinusuot ang kaniyang coat. Binalik ko ang tingin sa laptop ko at pinagpatuloy ang ginagawa nang maramdaman ko ang presensiya n'ya sa likuran ko. He reached for my cheek and kissed me before he watched what I was doing.


"Matagal ka pa ba? Baka nahihintay na 'yong mag-asawa." I narrowed my eyes first before I paused what I was doing and planned to continue it when we got home.


"Fine, are you sure darating sila? Ayaw kong maghintay."


"Yeah, kakatawag ko lang at naroroon na sila... kanina pa nila tayo hinihintay." tumango ako at tumayo na bago inayos ang mga gamit. Sabay kaming lumabas ni Tremor sa building hanggang sa marating namin ang parking lot kung nasaan ang kaniyang kotse.


"Kailan mo balak na lumabas sa harap ng camera?"


"I still have plans. Hindi nila dapat malaman na maayos ang buhay ko. I want to surprise them." ngumisi ako sa naisip. No one knows that I am okay. Walang nakakaalam ng kalagayan ko. Lahat ng tao rito sa kompanya ni Tremor ang alam ay nagtratrabaho lang ako para rito. Walang nakakaalam that I am more than just his employee.


"Paano ang kapatid mo?" natahimik ako. Nagkausap na kami ni Damon, we're fine. Ibinigay niya sa akin ang mansion kung saan kasalukuyan akong tumitira at ganoon din si Tremor. Next month, ay plano namin mag migrate sa US for some reason.


Nakarating kami sa lugar kung saan kami may kikitain na mag-asawa. Matunog akong naglakad papasok. I wore a gothic top with steampunk gears that went well with my all-black body-hugging dress and high heels. Naka sunglasses din ako kahit gabi for some reason. Kaagad naming nakita ang mag-asawa bago bumaba ang tingin ko sa karga ng babae. Pansamantala akong nahinto... ngunit kaagad ding huminga at pinalakas ang sarili.


"Sila na 'yon, Dimmy." tumango ako at nauna ng umupo habang nakatitig naman sa akin ang ginang.


"Let's make this fast. Nag-order na ba kayo? Bago kayo umalis after ng pag-uusap natin, mag-dinner muna kayo." Napapasulyap ako sa batang inosenteng nakatitig sa akin. Nagkatinginan naman ang mag-asawa bago tumango.


"Maraming maraming salamat po sa inyo ma'am." I gave them a small smile. Pinagsalikop ko ang aking kamay at masinsinan silang tiningnan.


"Siguro naman ay nasabi na sa inyo ni Tremor ang ilang mga bagay na gusto kong malaman niyo, at sana'y malinaw iyon." tumango sila bilang pagsangayon at pagkumpirma na naintindihan nila. I flicked my tongue inside.


"Malinaw din sa inyo, na kapag nasa akin na siya, wala na kayong magiging habol. No matter what happens, the rights you have as her biological parents will vanish. I will have the full rights to her, bibihisan ko siya, ibibigay ko ang pangalan ko, aalagaan, pag-aaralin at ituturing ko siyang anak. Ang kapalit, hindi na kayo kailanman magpapakita sa akin... at tulad ng ipinangako ko, ibibigay ko pera... halagang naaayon sa napagkasunduan." nagkatinginan silang mag-asawa at ganoon din kami ni Tremor. He nodded at me and smiled a little as I nodded my head and faced the couple again. Marahan silang tumango at muling tiningnan ang kanilang anak ng maluhaluha. There's something inside me that crumpled. But I understand their situation, kaya nagawa nila ito. Hindi naman sila nagkamali ng pinili dahil tulad ng sinabi at ipinangako ko, aalagaan ko siya at ituturing kong tunay na anak. I won't let anyone harm her. I will treat her like a princess. She deserves it.

Hunter's Wrath (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon