"Tito Hunt!" Napasilip ako mula sa kusina. I was cooking for our lunch ng marinig si Dian na tawagin si Hunter.
Mukhang nariyan nanaman ito. Ilang Linggo na rin siyang bumibisita rito. Halos nakasanayan ko na lang. Mag l-limang buwan na rin ang tiyan ko. At ilang buwan na rin siyang namamalagi rito, may mga dalang prutas at bulaklak. Palagi rin siyang may pasalubong kay Dian at madalas itong kakwentuhan.
Minsan ko siyang sinuway kasi madalas din niyang i-spoil si Dian pero hindi siya nagpapatinag.
"Kumusta ang preggy mong mommy?"
"Oh, she's good, tito! Minsan ang sungit niya po sa akin." Nagsumbong pa!
Tinapos ko ang pagluluto at saka lumabas, nakapamewang akong humarap kay Hunter at tinaasan ito ng kilay.
"Nandito ka nanaman? 'Di ba sabi ko ayoko na makita pagmumukha mo?"
"Bakit ba? Hindi naman ako pangit."
"Ang dami mong wrinkles, mayroon ka na ring white hair. Ang panget mo na Hunter." sa totoo lang wala pa naman. Nasa 40 na ang edad niya pero ang hitsura niya, mukha pa rin siyang nasa 30 lang. He's still handsome. Isa pa, maganda pa rin ang built ng katawan niya. Kung tutuusin papasa pa siyang modelo. Mas mature na nga lang s'yang tingnan at mas mukha na siyang pamilyado. Hindi tulad dati. But that suits him well.
"Panget ba ako, Dian?" Tanong nito kay Dian habang kunot ang noo. Mukhang naniwala.
"No! Ang gwapo niyo kaya! Paglaki ko, gusto ko makapangasawa ng kasing gwapo niyo!" Ayan nanaman siya. Ngumising aso naman si Hunter. Masyadong bumilib sa sinabi ng anak niya, masyadong madaling bolahin. Uto-uto.
"Huwag kang magpauto, bolera 'yan."
"Pinaglilihihan mo lang ako, alam ko."
"Che! Lumayas ka na nga. Kakain na kami."
"Hindi mo man lang ba ako aalokin? Ang sama mo sa akin Dimaria, kailan ka pa naging ganyan?"
"Naiirita kasi ako sa pagmumukha mo!"
"Gwapo kasi ako."
"Ang tanda mo na wala ka pa ring pinagkatandaan."
"Mayroon naman, nalaman ko na gwapo pala talaga ako mula noon hanggang ngayon." Kagigil siya.
Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na sa kusina pero ramdam kong nakasunod siya. Bakit ba rito ito namamalagi? Hindi ba siya busy? Siraulong 'to.
Kumain kaming tatlo ng magkakasabay at buong oras na kumakain kami silang dalawa ni Dian ang magkachismisan. Hindi ako sumasali dahil naiirita ako kay Hunter. Kinahapunan ay nagpaalam na rin naman ito. Si Dian ang naghatid sa kaniya sa labas habang pinanonood ko lang naman sila.
BINABASA MO ANG
Hunter's Wrath (Published)
General FictionDark Series #2: Hunter Once a man of promise and love, Hunter Martinez lost everything the night tragedy struck-and with it, the man he used to be. Grief gave way to fury, and his heart, once tender, turned cold. Now, vengeance is all he knows. His...
