Trigger warning: Self-harm
I woke up with swollen eyes and body pain. Para akong binugbog, from my throbbing head to my wrist and legs. Nakatulog ako kakaiyak na hindi ko na alam ang pagbuhat sa akin ni Hunter papaso, tanging natatandaan ko na lang ay noong maalimpungatan ako sa paglapag niya sa akin sa kama, after that ay muli na ulit akong nakatulog.
"Miss..." Nilingon ko ang nagsalita and I found Jock serving a bowl of soup, a glass of milk, and sliced fruits.
"Jock, why?" hindi ko matuloy ang pagtanong dahil nakakapagtaka ang ginagawa niya. We're not close, madalas lamang siyang utusan ni Hunter to pick me or send me. He used to drive a car for me, pero never kami nagkakwentuhan.
"Kumain na po kayo Miss, hindi pa kayo nakapag dinner." Ilag ang mga mata niya pero hindi ko na lang masyadong pinansin. When I remembered what happened last night, kaagad na nanginginig ang katawan ko sa takot.
"Where's your boss? Umuwi ba siya kagabi?" Natigilan siya saglit bago tumango.
"Nasa library, po si boss," Tumango naman ako at marahang tumungo sa mesa para kumain. Akala ko'y aalis na siya pero nanatili siyang nakatayo.
Jock looks like young. Maybe he was just in his late 20s, 27? 28? Parang naghahabulan lang ang edad naming dalawa. Sa lahat din ng tauhan ni Hunter ay siya 'yong pinakabata.
"Who were those filthy goons last night?" I asked him while chewing my food at a slow pace. Wala pa sana siyang balak na magsalita pero nang tingnan ko siya ay kaagad siyang napayuko.
"Tauhan po ng isa sa kalaban namin..."
"So they're here because of Hunter?" Tumango siya bilang sagot kaya muli akong nanahimik. I blink the tears away and continue eating. Nang matapos ay kinuha na niya ang mga kinainan ko para ibaba sa kusina.
Naiwan naman ako sa loob ng kwarto, trying to calm myself, because every time na naalala ko ang nangyari kagabi ay nanginginig ako.
"How are you?" napalingon ako sa nagsalita at napatitig kay Hunter. Walang emosyon itong pumasok habang nakapamulsa at huminto sa gilid ng kama.
"O-Okay lang ako..." He was about to touch me when I moved away, and that shocked him.
"Miss may kai—" hindi natuloy ni Jock ang sasabihin nang makita niya si Hunter.
"Jock, go to my library and wait for me there... may sasabihin ako." Malamig na utos ni Hunter na nanatiling nakatingin sa akin. Kaagad namang sumunod si Jock at walang imik na umalis.
"May pupuntahan ako mamaya, okay lang ba kung iiwan kita ulit dito?" bigla akong kinabahan.
"Andito ba si Jock, hindi mo ba siya paaalisin?" sunod-sunod na tanong ko sa takot na maulit ang nangyari. Napansin ko ang paggalaw ng panga niya. Tila naiinis at nagtitimpi.
BINABASA MO ANG
Hunter's Wrath (Published)
General FictionDark Series #2: Hunter Once a man of promise and love, Hunter Martinez lost everything the night tragedy struck-and with it, the man he used to be. Grief gave way to fury, and his heart, once tender, turned cold. Now, vengeance is all he knows. His...
