Warning: R-18! Alam kong 'pag may warning mas exciting, hindi ko na kayo pipigilan na basahin dahil alam ko rin na tutuloy at tutuloy kayo kahit sabihin kong skip niyo. Just please hold yourself accountable for your actions, and what's in a book stays in a book. Read at your own risk.
Matapos nang nangyari ng gabi na 'yon, hindi na madalas umuwi si Hunter. He's been avoiding me, kahit sa office. Hindi niya ako binibigyan ng mga gawain at mas pinipili pa niyang ipasa sa administrative secretaries.
T'wing may meet siya, hindi na rin niya ako sinasama.
Palaging si Jock ang umaattend sa mga kailangan ko. Siya pa nga rin ang nag g-grocery, dahil sa t'wing susubukan ko'y pinipigilan niya akong gawin. Ang weird din na si Jock pa ang naglilinis ng buong bahay at minsan naaawa na lang ako sa kaniya kaya ipangluluto ko na lang siya ng meryenda o 'di kaya ay nagpapa deliver ako ng foods for him, like lunch and dinner, kapag hindi ako nakakaluto.
After din ng gabi na 'yon, hindi ko na siya nakausap. It was Tremor who always sent me messages and calls. Minsan lumalabas pa kami to talk. It's been two weeks since then. Hindi ko na rin nakikita si Amari, hindi na siya pumupunta rito o sa office.
Is it because Hunter is living with her?
Sa kaniya ba ito tumutuloy pag hindi umuuwi si Hunter sa bahay?
Siya ba ang katabi niya sa gabi?
Siya ba ang pinupuntahan niya kaya hindi na siya madalas umuwi?
Napaayos ako ng upo matapos tumunganga sa laptop ko at manuod ng movie. Nasa office ako, pero wala talaga aoong ginagawa. Nawala na ang trabaho ko, at parang title na lang ang naiwan sa akin.
Someone entered the office, and my eyes widened when I saw Hunter. Niluluwagan niya ang kaniyang neck tie habang naglalakad patungo sa kaniyang desk.
I badly want to talk to him and ask what the hell is happening? Pero wala akong lakas ng loob, kaya pinili oong tumayo at magtimpla ng kape. After that, I went through his table and put the coffee I had made for him. Dalawa kasi ang tinimpla ko. Napatingin siya roon at mayamaya ay binalik ang tingin sa monitor.
"Are you mad at me? Is this a sign that you want me out of this company?"
"No."
"Then why can't I work?" I am your secretary. Pero bakit iba ang gumagawa ng trabaho ko? Nang trabaho na dapat ay sa 'kin, Hunter." That was the only thing I could do. Pati ba naman 'yon inalis niya sa akin?
"Just stay there until I'm done."
"What? You want me to just sit and relax? Ano pang purpose ng pagiging secretary ko? Hunter naman, I really can't understand you! Hindi ka na hga umuuwi sa bahay—" natigil ako ng sabihin iyon at tumalikod na. Ayokong maiyak. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko at ayoko na no'n.
Papaupo na sana ako ng bigla akong natigilan. Someone wrapped his arms around my body and buried his face in my neck. Banayad siyang humihinga, kabaliktaran ng bagay na nasa dibdib niya. I can feel its fast pace, just like mine. They're beating in sync.
BINABASA MO ANG
Hunter's Wrath (Published)
General FictionDark Series #2: Hunter Once a man of promise and love, Hunter Martinez lost everything the night tragedy struck-and with it, the man he used to be. Grief gave way to fury, and his heart, once tender, turned cold. Now, vengeance is all he knows. His...
