"Wala akong balak gawin na kahit na ano, Shane. Hunter and I are good friends. Nakikita ko naman na masaya na si Hunter sa inyo at mahal ka niya." Yumuko siya at ngumiti.
"Can we cook together? You know, gusto pa kitang makilala. I think we can be good friends too. I would really love to be your friend." Ngumiti ako at tumango.
"Sure!" Sa pagkakatanda ko na nasabi sa akin ni Tremor parang kapatid na rin ang turing niya rito simula bata pa sila, dahil minsan daw itong tumira sa kanila. I don't know why? Siguro busy ang parents ni Shane.
She's kind. Ramdam na ramdam ko ang sincerity sa paraan ng pananalita at kilos niya. We cook together, habang sige ang kwento niya sa akin. Mabuti na lang ay hindi na tungkol kay Hunter. She was talking about random stuff, reminiscing about her childhood, pati mga kaibigan niya noon nakwento na niya, habang nakikinig naman ako kasi wala naman ako masasabi sa kaniya tungkol sa childhood ko. Hindi naman naging maganda ang experience ko noon. Minsan sumasagot naman ako sa kaniya or may itatanong hanggang sa mas humaba ang topic naming dalawa.
"I learned how to cook because of my mom. Pinilit ko siyang turuan ako, kasi sabi ko magkakaasawa pa ako." Natatawnag sabi niya habang sineserve namin ang niluto.
"Can we invite Hunter and Harsh? Pauwi na pala sila." Bigla niyang tanong habang nakatingin sa phone at nag t-type. Nagdalawang isip pa ako pero ayoko namang madismaya siya.
"O-Oo naman." kabado ako matapos 'yong sabihin. Okay lang naman, we're all friends. Pero isipin ko pa lang ang mukha ni Hunter, naiirita na ako.
Hindi nagtagal dumating na ang mag-ama. Harshley approached me and gave me a hug, hinanap agad nito sa akin si Dian pero sabi ko'y naka'y Tita Kimmy. Hunter gave me a smile, and I just rolled my eyes at him.
Si Shane na ang nag arrange ng hapag, pinaupo na rin niya si Shane until we're all set.
"Niluto namin 'yan, nag-request ako kay Dimaria if pwede kami magluto together and I realized masyadong marami para sa aming dalawa so I asked you two to come here."
"It looks delicious, mommy." Inosenteng sabi ni Harsh at halatang excited pang kumain.
"Thank you baby, result 'yan ng collab namin ng tita Dimaria mo." She pinched her daughter's cheek na magana namang kumakain. Tahimik si Hunter na nagmamasid at minsan ay sumusulyap ito sa akin kaya nagtatama ang paningin namin, kaagaad naman akong umiiwas at lumilingon sa mag-ina niya.
Matapos kumain ay nagpresenta si Hunter, na s'ya na lang ang maghuhugas. While Shane and I left the kitchen.
Hindi maubos-ubos ang kwento sa akin ni Shane, habang si Harshley naman ay abala sa pagtitingin-tingin ng mga gamit sa bahay. It was all like that, until Hunter walked out of the kitchen. Nilapitan niya kaming dalawa. From staring at me, his eyes drifted to his wife... Shane.
"Are you tired?"
"I'm fine..."
"Maybe we should go home, nang makapagpahinga ka na?" Shane bowed her head before she looked at me.
BINABASA MO ANG
Hunter's Wrath (Published)
General FictionDark Series #2: Hunter Once a man of promise and love, Hunter Martinez lost everything the night tragedy struck-and with it, the man he used to be. Grief gave way to fury, and his heart, once tender, turned cold. Now, vengeance is all he knows. His...
