I walked out after I heard that. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero pinili ko munang umalis.
I chose to see Damon.
"What brought you here?" he creased his brows, ngunit hindi niya maitatago ang pagaalala sa mukha niya.
I hugged him too tight. Wala akong pakialam kung malaman niya. I just want a hug from him and I know magiging okay din ako.
"Dimmy..."
"Why do we have to love someone who can't even love us back? Who can't even make us feel worthy of love; who can't even take care of us; who can't give us the best treatment?" My voice cracked.
"Is he hurting you?" madilim ang boses niya ng sabihin iyon kaya umiling ako.
"No, no. Don't mind me." shit! Baka madulas ako.
"I'll be in Singapore for two days." I nodded my head in response. Gusto ko sana sumama kaso ay may pasok at trabaho ako kaya huwag na lang.
Sinulit ko lang ang mga oras na iyon na kausap siya at pinili ko na ring bumalik sa opisina. Good thing hindi ko naabutan si Hunter, because he's probably in a meeting right now.
I choose to work overtime, wala akong ganang umuwi kaya noong uuwi na siya ay mas pinili kong ituon ang sarili sa trabaho. Hindi naman siya nagsalita o kahit ang kausapin ako tungkol sa trabaho. Umalis siya ng tila wala lang ako. Na wala siyang pakialam kung doon man ako matulog.
I was so busy that I didn't notice the time. Tumayo ako to stretch my neck and arms. Minasahe ko rin ang parteng balikat at likod ng leeg ko bago tumungo sa mini kitchen to make myself a coffee. Matapos magtimpla ay bumalik ako sa table at tinuon muli ang attention sa trabaho.
Nang makaramdam ng pangangalay ay sumandal muna ako saglit at pumikit. I gasp for air and cage it inside my mouth before breathing it out. I opened my eyes and blinked twice. Bumalik ako sa harap ng PC bago napatingin sa oras, only to see that it was already ten. Kumakalam na rin ang tiyan ko dahil hindi pa ako nag d-dinner.
Pinili ko na lang na umuwi na ng mga oras na 'yon, I stood up and fixed my things. Naihulog ko pa ang pen ko kaya kaagad kong pinulot ngunit nahinto ako ng sa tabi ng pen ay pares ng sapatos ang nakita ko. Kaagad akong nag-angat ng tingin only to see Hunter standing beside my table.
He was simply wearing a plain gray shirt, a cap, and black jeans paired with his white shoes.
"What are you doing here?" I asked. Bumaling akong muli sa gamit at pinagpatuloy muli ang pag-aayos.
"Because my wife wasn't home yet." I want to laugh. He's playing again. Alam kong tanga ako, pero alam ko namang laro nanaman ito. Humarap ako sa kaniya matapos isakbat sa balikat ko ang shoulder bag ko.
"Oh, I thought you were with Amari right now? Bakit hindi siya ang pinuntahan mo?"
BINABASA MO ANG
Hunter's Wrath (Published)
General FictionDark Series #2: Hunter Once a man of promise and love, Hunter Martinez lost everything the night tragedy struck-and with it, the man he used to be. Grief gave way to fury, and his heart, once tender, turned cold. Now, vengeance is all he knows. His...
