Chapter 29

48.2K 922 100
                                        

Tulala akong umuwi. Dala ko pa ang kotse ni Hunter.



I was still shocked, and my mind was bombarded by assumptions. How did it happen? Why is he blind? Gaano na katagal? Anong nangyari? My curiosity is killing me!


Umuwi ako sa mansion, still has no news about Damon and what's happening in his life. Kahit ang matulog ay hindi ko nagawa ng kabing 'yon. He fired me. Hindi man niya sinabing tinatanggal na niya ako sa pagiging assistant, sinabi naman niya na wala ng rason para magtrabaho pa ako sa kaniya.


I was having a mystery with Hunter, and I was trying to find pieces of the puzzle to solve it for him. What exactly happened?


Did he?


No. It's impossible. He still has his eyes intact and the same color. Hindi pwedeng siya ang donor ko. Kinabukasan ay tila wala akong ganang kumilos sa kinahihigaan ko.


It was just a matter of minutes when my phone vibrated and I saw Tremor's name as the caller.


Mariin akong pumikit at sinagot iyon.


"Tremor... "


"Are you okay?"


"Hmmm... Bakit napatawag ka? Si Diana?"


"She's still asleep, but she's looking for you... Are you sure? Ayaw mo pa talagang sumunod. I am telling you, Dim, wala rin mangyayari sa gusto mo." Alam ko. Alam ko na.


"Alam mo ba ang nangyari sa kaniya?" biglang natahimik sa kabila.


"Nabalitaan ko lang na nabulag siya pero hindi ko alam kung bakit at paano, gusto kong sabihin sa 'yo, but I don't think you'll listen, kaya hinayaan ko na lang na baka, sooner or later ikaw mismo ang makadiskubre."


Naikuyom ko ang kamao at sa hindi malamang dahilan ay bumuhos muli ang mga luha ko. I shouldn't feel this. I hate him. Marami akong naranasang masakit dahil sa kaniya, pinagbayaran ko ang mga bagay na hindi ko ginawa na kahit pa ginusto ko 'yon. Wala akong idea kung bakit galit na galit si Hunter sa amin lalo na sa kapatid ko, but what he did... Walang kapatawaran 'yon. Hinding hindi ko siya makakayang patawarin.


Pero... Hindi ko rin naman gustong maranasan niya ang ganito.


This is worse than what I wanted for him to suffer. Gusto ko siyang magdusa hindi sa ganitong paraan. Kung ako na ilang buwan lang nakaranas ng mawalan ng paningin ay halos ipagdasal ko na lang na mawala... Paano pa kaya siya?


How did he manage to adjust? How did he manage to cope?


Paano niya nagagawang gumising sa umaga at ma r-realize na hindi tulad ng dati ang buhay niya?


My tears flooded my eyes and my face. Wala na akong naintindihan sa mga sinasabi ni Tremor. Nagpaalam siya na may dadaluhang meeting na wala siyang ibang nakuhang sagot mula sa akin kundi ang tanging pagsabi ko ng 'sige'.

Hunter's Wrath (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon