Trigger Warning: R*pe
Please be advised that the content of this chapter is quite sensitive, skip if you cannot read sensitive content.
"Hunt!" Ngumiti ako ng makita siya.
Her smile, her sweet and genuine smile, delves into my heart.
Tumakbo siya palapit sa akin at mabilis akong niyakap. Kauuwi niya lang from Russia, kung saan isinagawa ang photo shoot nila. Mabilis ko siyang sinalubong nang yakap at hinalikan sa noo. These past few weeks have become so tiring for me. At pakiramdam ko, nakahinga at nawala ang pagod ko nang sandaling mayakap ko siya.
Amber is a wonderful woman. Simula noong makilala ko siya mga bata pa lang kami, I promised myself... siya lang ang babaeng mamahalin at pakakasalan ko. Kahit kailan, hindi ko siya niloko. Hindi ako nangbabae...wala akong ibang ginawa kundi magtrabaho at alagaan siya.
I love her so damn much. I love her more than I love what I have. Pinilit kong palaguin ang negosyo ni dad na unti-unti nang lumulubog, inayos ko ang sarili ko dahil iniisip ko ng mga sandaling kasama ko si Amber, para sa amin 'yon, para sa kinabukasan namin, para sa pamilyang bubuuin namin.
Gusto kong maging tamang tao para sa kaniya, kahit alam kong wala pang kasiguraduhan kung kami na ba talaga.
I was twenty-three when I proposed to her. Ka t-twenty niya lang at kasagsagan ng career niya at pag-aaral. Kinabahan ako noon pero... nang sagutin niya ako ng oo, pakiramdam ko... I considered her the most important thing in her life.
Ipinaramdam niya sa akin na mas mahal niya ako ng higit kaysa sa mga bagay na mayroon siya.
"I love you so much, Hunt. So damn much! Makakaya ko namang pagsabayin lahat e, para sa 'yo. I can study and be a model while being your wife." ang mga kislap sa mga mata niya... ang kasiyahan na kahit kailan hinding hindi ko magagawang burahin...ang mga ngiting iningatan ko sa loob ng maraming taon, simula pa no'ng mga bata pa lang kami.
She's my life... my everything.
Kapag nawala siya sa akin, alam kong kahit nabubuhay ako...ang bagay sa dibdib ko, unti-unti nang mawawalan ng buhay. Para na lang akong sisidlan na walang laman pero patuloy na nag e-exist sa mundong 'to.
Kung mayroon man akong kinatatakutan noon, 'yon ay ang mawala siya sa akin.
Amber was there. Naroroon siya no'ng mga panahong nagsisimula pa lang ako. From my failures to my successes, she was a part of them. Na pakiramdam ko, hindi kompleto ang mga pinagdaanan ko kung wala siya roon.
"Hunt! I have good news!" I was in the middle of a meeting when she called me. I excused myself to put her first, and answer the call. Based on her voice, umabot sa akin ang saya na nararamdaman niya.
"What is it?"
"Umuwi ka ng maaga, hihintayin kita sa bahay, ipapakita ko na rin sa 'yo." ngumiti ako, at ang ngiti na 'yon, hindi kailanman nawala hanggang sa umuwi ako.
BINABASA MO ANG
Hunter's Wrath (Published)
General FictionDark Series #2: Hunter Once a man of promise and love, Hunter Martinez lost everything the night tragedy struck-and with it, the man he used to be. Grief gave way to fury, and his heart, once tender, turned cold. Now, vengeance is all he knows. His...
