Chapter 13

52.1K 1.1K 289
                                        

"Are you listening to me, Dimmy?" Napaangat ang tingin ko kay Damon. Noon ko lang napansin na kanina pa pala ako nakatulala.


"Sorry," I sighed. Tumango naman siya at kinuha na ang folder na nasa gilid.


"We should go, I'm sure they're already there," tumango na lang ako at sumunod sa kaniya hanggang sa makarating kami sa conference room. I didn't know how I managed to attend the meeting despite being absent-minded.


Pakiramdam ko talaga ay wala akong naintindihan sa pinagusapan, mabuti na lang ay nagawa kong makasagot at makapag bigay ng opinion.


"I bet you didn't hear everything a while ago?"


"I'm sorry," he sighed and hold my shoulder.


"Come to my office. I'll explain everything to you." Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya habang tahimik na pinapagalitan ang sarili ko. Pagkapasok sa opisina niya ay nakahanda na sana kaming mag-usap.


Ngunit...


"Tapos na meeting 'di ba? Bakit andito ka pa?" nagulat ako sa biglaang nagsalita, only to find out it was Katherine. Hindi ko nagustuhan ang tono niya, pero pinili kong huwag na lang patulan.


"Katherine..." suway sa kaniya ni Lucifer na may halong pagbabanta ang boses. Sinamaan niya ng tingin ang kapatid ko at bumaling ulit sa akin.


"What? I am asking..."


"Ah may pag-uusapan lang sana kami ni—" she cut me off.


"I don't care. Ilang oras na kayong magkasama sa meeting niyo hindi niyo pa rin napag-usapan? If it's about business, hindi ba dapat doon pa lang napag-usapan niyo na 'yan? Kailangan may pa sobra talaga? Bakit special ka ba?"


Damn! If it wasn't my brother's fiancée, I would probably curse her now out of impatience and frustration. Pero pinili kong manahimik. Naiintindihan ko naman siya. Sana lang ay may ganyan akong tapang, towards Hunter.


"Katherine!" mas malakas ang boses na suway ni Damon sa kaniya.


"Shut up Damon and make this woman leave!" utos niya, determindadong mapaalis ako.


"Katherine, don't test my patience!"


"Leave this office, tapos na ang meeting niyo."


Damn, wala nang patutunguhan 'to. Siguro kailangan ko na talagang umalis. Akmang paalis na ako nang bigla akong pigilan ni Damon.


"Stay, Dimaria..."


"Make her leave! Bakit ba ayaw mo siyang paalisin?! At bakit hindi ka pa umaalis?!"


Gosh! Bakit ba naiipit ako sa lq ng dalawang 'to, eh may sarili akong problema na dapat unahin.


Hunter's Wrath (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon