Chapter 19

48K 951 182
                                        

Ilang araw pa lang na wala si Hunter ay sobrang dami nang pumapasok sa isip ko. Isama pa ang paglala ng nararamdaman ko. Madalas akong mahilo, at magsuka. Nawawalan na rin ako ng gana sa pagkain at madalas ko pang nasisigawan si Lester na kaagad ko namang pinagsisisihan after.


"Maybe you need some fresh air. May gusto ka bang puntahan? Pwede kitang samahan." If only Kimmy or Tremor were here.


"Pwede ba tayong magpahangin? Kahit d'yan lang sa may papalabas ng Village."


"Sure..." Tahimik kaming lumabas at nagpasyang maglakad-lakad. It's already afternoon, at malapit nang lumubog ang araw.


It feels nice to walk in silence. Wala naman din sigurong balak magsalita si Lester kung hindi ako magtatanong sa kaniya, he really respect my silence and what I want. Sinubukan kong tawagan ulit si Lucifer, pero hindi pa rin siya sumasagot. Marami siguro siyang inaasikaso o baka...bigla akong kinabahan.


Sana naman wala siyang problemang kinakaharap sa ngayon.


"Nagtratrabaho ka sa organization ni Hunter hindi ba?"


"Oo, bakit miss?" napayuko ako sa dinadaanan namin at pinanood ang mga paa kong marahang humahakbang.


"Makakaya mo bang alamin ang lokasyon ng isang tao? Kung asaan siya? Anong ginagawa niya?"


"Hindi ko kaya 'yan dahil wala akong masyadong alam sa computer pero 'yong kasamahan ko...magaling."


"Pwede ba akong humingi ng pabor?" napahinto siya at gano'n din ako. Marahan ko siyang tiningnan at mataman lang siyang nakatitig sa akin.


"Ano 'yon miss?"


"May isang tao akong gustong malaman kung nasaan, Tremor ang pangalan niya...Tremor Gyne David."


"Tremor?" kumunot ang noo niya at tila may naalala kaya napakunot din ang noo ko.


"Bakit?"


"Sa pagkakaalam ko nakausap siya ni Hunter... hindi ba siya 'yong modelo?"


"O-Oo..." bigla akong kinabahan.


"Bago siya umalis ay nag-usap sila ni Hunter. Wala akong alam kung ano ang pinag-usapan nila, pero matapos 'yon ay napanood ko ang balita at nalamang umalis na siya sa trabaho...at wala na rin siya rito sa bansa." I swallowed hard.


So Hunter has something to do with Tremor's disappearance?


"Wala ba siyang ginawa kay Tremor?" umiling si Lester.


"Wala naman, nag-usap lang sila." Ano kaya ang sinabi niya kay Tremor para umalis ito? Even Kimmy has not contacted me these past few days.


What the hell is happening?


"Miss? Bakit hindi mo na lang siya iwan? Ginagago ka na niya. Kahit boss ko si Hunter, hindi ko na gusto ang mga ginagawa niya ngayon. Malaki na ang ipinagbago niya kung hindi lang malaki ang utang na loob ng pamilya ko sa kaniya ay matagal na rin akong umalis bilang tauhan niya."

Hunter's Wrath (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon