Chapter 8

52.9K 1.2K 229
                                        

"You've been so cold to me. Are you okay?" Ramdam ko ang biglaang paninigas ng katawan ko ng marahan akong yakapin ni Hunter mula sa likod.



We're currently on a plane. His private plane. Today is the day that we're flying back to the Philippines. Simula noong umalis siya after tumawag ni Amari ay hindi ko na siya kailanman kinibo. I was always with Kimmy in the morning and afternoon. Noong photoshoots ko naman para sa products niya ay hindi ko rin siya masyadong pinansin at busy din naman siya noon. Tanging si Vincyl lang ang naroroon to monitor. Hindi rin ako masyadong umuuwi sa bahay at ilang beses din akong nakareceive ng calls niya. I stayed with Kimmy and enjoyed the remaining days na magkasama kami. Mabuti na lang at may mini bar siya sa bahay niya dahil kay Tremor. Gabi-gabi kaming umiinom at may isang beses pa na nag drunk call ako kay Hunter at pinagmumura ko kaya kinabukasan noon, naroroon na siya sa labas ng bahay ni Kimmy at galit na galit na sinundo ako pauwi.



Kahit na galit siya noon ay hindi ako nag-sorry. Ni hindi ko nga rin siya masyadong kinausap noon kaya sa huli ay siya rin ang sumubok na aluin ako. Hangga't madalas kong nakikitang magkausap sila on the phone ni Amari. Hinding hindi ako bibigay sa kaniya.



"Wife..." parang kinikilabutan ako sa boses niya. It was too... sweet to be true. Hindi naman siya ganito dati, at hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko mapigilang hindi mahulog. Ang sabi ko pipigilan ko pa, kahit naamin ko na na mahal ko siya. Pero sa ginagawa niya, mas lalong nagiging malabo na para sa akin ang mawala ang nararamdaman na 'to.



"Okay lang, kinakabahan ako. Three years akong hindi nagpakita kay Damon," pasimple akong lumayo sa kaniya. I've tried to ignore him every time he tries to talk to me. Minsan ay tinutulugan ko na lang siya, kahit hindi ko alam kung paano ko nagagawa 'yon.



It took hours before lumapag ang eroplano. At sa mga oras na nasa loob kami, ginawa ko lahat ng makakaya ko para hindi kami magkausap na dalawa.



I don't know if it's still because of my jealousy or because I don't want him to know my feelings. I am not ready to tell him. Natatakot ako. Hindi ko naman ito naramdaman kay Meast. Hindi naman ako natakot na malaman ni Meast na may gusto ako sa kaniya. Mapusok pa nga ako noon at lantaran kong pinapakitang gusto ko siya. Pero ngayon? Everything turns upside down. Nawala 'yong tapang ko.



May pinasundo si Hunter na mga tauhan niya sa amin, halos mapanganga pa ako dahil tatlong kotse ang dumating. May binulong pa ang isang tauhan ni Hunter sa kaniya, matapos nitong bumaba sa pangalawang kotse. Wala akong idea kung ano 'yon at hindi ko na rin napagtuunan dahil iginiya na ako ng driver sa kotse na sasakyan namin ni Hunt.



Mayamaya lang ay sumakay na rin si Hunter sa tabi ko. He looked at me and took my hand, caressing it, habang nakapatong sa hita niya. Nang pasimple ko siyang silipin ay nakasuot na ulit siya ng sunglasses habang nakatingin sa labas ng sasakyan. He's now wearing his black shirt, na naka-tucked in sa kaniyang pants. He had already removed his long coat. Siguro'y inalis niya bago sumalay. Mula sa kaniyang shirt ay nakalabas na ang dog tag necklace niya. I can see his tattoo on his neck, mas kita ko 'yon dahil nakabaling ang mukha niya sa labas. It was a black bird tattoo, tatlong ibon flying, minimal lang 'yon. Sa pagkakaalam ko ay mayroon din siya sa likod ng kaniyang tagiliran. Maliliit na letra ng kaniyang pangalan.

Hunter's Wrath (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon