I didn't leave. Umalis ako sa kwarto niya, pero hindi sa bahay. Kahit anong sabihin niya, hindi ako aalis basta.
I don't know where this stubbornness came from. Pero nagsisimula na akong mawalan ng pakialam sa nakaraan. Hunter needs me. Iyon ang nakikita ko. I have to stay, for him to get better. I need to persuade him. He needs to see it again. Hindi ako makakapayag na tuluyan siyang mawalan ng ganang ayusin ang sarili niya.
Kinabukasan ay hinintay ko siyang gumising. Katatapos ko lang magluto ng almusal. Mayamaya lang ay nakarinig na ako ng mga yapak. Tahimik kong sinalubong si Hunt at marahan siyang hinawakan sa braso upang alalayan.
Naramdaman ko ang panandalian niyang paninigas at halatang nagulat.
"Dim..."
"Mananatili ako Hunt."
He tried to shove my hands away from guiding him, but I didn't let him succeed. Hindi na siya pumalag pa at tahimik na lang na hinayaan ako.
He didn't dare to talk to me. Tahimik siyang kumain, at bukod sa bulag na nga siya at hindi niya ako nakikita. Itinuturing pa niyang hangin ang aking presensya. Hinayaan ko na lang din, ang mahala ay huwag na niya ako ipagtulakan paalis. Matapos kumain ay pinili kong maghugas muna ng mga pinagkainan bago naglinis ng bahay.
Dumating muli si Zyc at natitiyak kong may seryoso silang pinaguusapan tungkol sa negosyo kaya ng matapos ay pinili ko na lang magbasa ng magazine.
Nang paalis na si Zyc ay huminto ito ulit tila may naalalang isang bagay na dapat niyang sabihin.
"Dumating na ang divorce papers... Nakay Hunter, na. Hindi ko na sasabihing pakawalan mo si Hunter at hindi ko rin sasabihin na huwag kang pumirma. Ang mabibigay ko lang sa 'yo na advice, gawin mo kung ano sa tingin mo ang makakabuti para sa inyong dalawa." hinayaan kong umalis si Zyc. Tahimik akong naiwan habang nakaupo roon at pinoproseso ang sinabi nito. I played with my fingers and felt something inside me. It was like something was squeezing my heart. Painful.
I took a deep breath. Bumuga ako ng hangin habang nakatingala sa kisame at nakatulala.
Paano kung ayaw ko?
Tumunog ang phone ko at nakita ang pangalan ni Tremor. I remembered our memories together over the last four years. Naalala ko noong tanungin niya ako if pwede na kami and I told him na manatili muna kaming magkaibigan habang hindi pa ako tapos sa mga dapat kong gawin dito.
But now, I am ready to marry him, to give him a chance. Pero pakiramdam ko, may kung anong pumipigil pa sa akin. I closed my eyes, and later on, found myself falling into oblivion.
Naalimpungatan lang ako ng makarinig ng mga yapak. When I opened my eyes, I saw Hunt passing by. Sinundan ko lang siya ng tingin, hindi ako kumilos o humabol. Tila nawalan ako ng gana at lakas na tumayo o kausapin siya. Natitiyak kong perma ko na lang ang kulang. Tuluyan na akong makakalaya sa kaniya.
I already have Tremor. Ano pa ba ang iniisip ko? Ready na akong magpakasal ulit. He's just waiting for me. Pinikit ko ng mariin ang mga mata at tahimik na lumabas ng living room. I decided to talk to Hunt ng makita kong may kausap siyang, bisita.
BINABASA MO ANG
Hunter's Wrath (Published)
General FictionDark Series #2: Hunter Once a man of promise and love, Hunter Martinez lost everything the night tragedy struck-and with it, the man he used to be. Grief gave way to fury, and his heart, once tender, turned cold. Now, vengeance is all he knows. His...
