"Hunter! Shit! Hunter nasaan ka ba?!" I screamed. Nakarinig ako ng kalampag sa itaas, habang ako'y nasa ibaba ng hagdan. Nakakapit ako sa sa rails, habang sapo ang ibaba ng tiyan ko. Waters scattered on the tiled floor.
"F-Fuck what the—" Gulo-gulo ang buhok, habang walang damit pang-itaas na tumakbo si Hunter pababa. I glared at him when I saw the confusion on his face. Tila wala pa ito sa sarili at lumilipad ang isip sa kung saan.
"Shit! Araaay! Ano pa bang ginagawa mo?!"
"B-Bakit...a-anong..." He's panicking. Napatingin siya sa baba at agad na namutla. I badly wanted to laugh, but I stopped myself.
"A-Ano?! Tutunganga ka lang ba d'yan!? Dadalahin mo ba ako sa hospital o hindi?!"
"L-Let's go..." nauna pa siya sa akin kaya napamura ako.
"Hoy! Nauna ka pa?! Buhatin mo ako!" Mukha namang natauhan siya at napabalik. Gustong gusto ko na talaga tumawa kasi wala pa rin siyang damit, kabiyak na tsinelas lang ang suot tapps naka-boxer lang.
"He was about to carry me when I slapped him."
"Gago dadalahin mo ako ng walang gamit na dala!? Saka tingnan mo nga itsura mo? Sure ka pupunta ka ng hospital na ganyan? Gusto mo bang pati patay sa morgue bumangon?" Napakamot siya sa ulo at muli nanamang napamura ng ma-realize na wala nga siyang damit.
"Wait on me, okay? K-kaya mo ba magtiis? Fuck! I can really bring you to the hospital if you want, kahit hubo't hubad pa ako, Dim. If it's too painful... Mas uunahin ko kayo kaysa sa sarili ko." ang natatawa kong sarili ay unti-unting kumalma at na-touch sa sinabi niya. When I'm not giving a response, Ibinaba niya ako saglit at nagmadaling umakyat. Napanguros ako at pinagpawisan.
Hindi pa naman kasi ako manganganak, totoong kabuwanan ko na pero hindi pa ako nakakaramdam. It was just a prank. I was just trying to see if he's ready. Training na rin niya.
It's been months since Shane passed away, and he decided to keep me and Dimaria in his house. Pareho naming iniwan ang mga bahay namin. Ang dahilan niya, so he could look after me, after us. Dahil buntis ako at hindi pwedeng wala kaming ibang kasama sa bahay.
Mayamaya ay nakita ko na siyang nakaayos, bitbit na rin ang bag na naglalaman ng mga gamit. I was playing with my fingers, kinakabahan kung paano magpapaliwanag sa kaniya. Bukas pa ang ilang butones niya, at ang iba'y sa mali pa nakasuot. Mukhang nagmadali talaga ito.
"Are you okay? Sorry medyo natagalan." namumutla pa rin na sabi niya and was about to carry me when I chuckled. Kaagad siyang napahinto at kunot-noong napatingin sa akin. Confused.
Ang mahinang tawa ay unti-unting lumakas. Pakiramdam ko pulang pula na ako samantalang siya, hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit namumula ang mukha niya. Is it anger? Embarrassment? I don't know and deep inside me... Natatakot ako. Baka magalit s'ya.
"S-Sorry... It's a prank!" His lips parted. His confused stares shifted to amused ones as he murmured a curse before brushing his hair.
BINABASA MO ANG
Hunter's Wrath (Published)
General FictionDark Series #2: Hunter Once a man of promise and love, Hunter Martinez lost everything the night tragedy struck-and with it, the man he used to be. Grief gave way to fury, and his heart, once tender, turned cold. Now, vengeance is all he knows. His...
