Chapter 24

55.2K 985 93
                                        

"Dumating na ang lunch na in-order ko Mr. Martinez." Naagaw ko ang atensyon niya pagkabalik ko mula sa pagtanggap ng inorder kong pagkain.


"Ilagay mo na lang sa mesa, kain ka muna." Abala pa rin ito sa pakikinig sa kung ano ang nasa earbuds niya. Umiling na lang ako at inilagay sa harapan niya ang pagkain na inihanda ko na. Bakit feeling ko personal nurse ako?! Nakakainis.


Pinipigilan ko ang sarili kong gumawa ng masamang kilos, pumunta ako sa upuan ko sa harap niya at nagsimulang kumain. Maya't maya ay napapasulyap ako sa kanya at nakita ko kung kailan niya sinimulan na ilipat ang pagkain pero hindi niya ito tinitingnan kaya nung hinuhukay niya ang kutsara ay tantiya kong hindi niya ito makuha kaya palihim ko itong ginalaw para matamaan ang kamay niya. Workaholic ngunit hindi pumapasok sa kanyang opisina.


The fuck?!


Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Maya-maya ay kumuha ulit siya ng pagkain ng hindi tumitingin dahil busy pa rin siya sa pinakikinggan niya, at literal na nahihirapan ako sa kanya. Anong trip ng taong 'to ngayon?


"Kumain ka muna, makakapaghintay ang pinakikinggan mo." Asar ko sa kanya, huli na para bawiin ko ang sinabi ko. Agad siyang lumingon sa direksyon ko pero nilagpasan ako ng tingin niya. May kung anong kumirot sa puso ko nang makita ko kung gaano kawala ang mga mata niya. Nanginginig ang kamay ko, at sa hindi malamang dahilan naiinis talaga ako.


Malayo ito sa inaasahan ko. Hindi dapat ganito, hindi ko plano, wala sa isip ko. Pakiramdam ko, ang napakahabang planong binuo ko ay binalewala lang sa hindi maipaliwanag na dahilan. Napansin kong huminga siya ng malalim, bago tumigil sa kanyang ginagawa at tinanggal ang earbuds na suot niya. He took his spoon and started to eat silently. Wala akong nagawa kundi umiwas ng tingin at ituloy ang pagkain, medyo nahihiya pa rin ako sa ginawa ko kanina.


"Why don't you just come into your office? If you stay dito, baka pagdudahan lang ng mga empleyado mo, lalo na ng mga board members, ang kakayahan mong mag-manage ng kumpanya mo." Hindi niya ako pinansin na ikinainis ko.


Maya-maya ay tumigil din siya sa pagkain at marahang inabot ang basong nilagyan ko ng tubig. Pagkatapos niyang inumin ang tubig niya ay may inilabas siya, uminom din siya bago ibinalik ang atensyon sa narinig niya kanina. Humigpit ang hawak ko sa kutsara at tuluyan na akong nawalan ng gana.


Sakto namang tumawag si Tremor kaya sa wakas ay ibinaba ko na ang kutsara at huminto sa pagkain. Anong sasabihin nito?


"Tumawag ka?"


"I'm just wondering if you want to talk to Diana? Inaayos ko ang mga gamit niya at mga papel, pupunta ng America."


"Mamaya, sabihin mo sa anak ko na hintayin mo ako.. sandali na lang." Hindi ko sinasadyang nasulyapan si Hunter at napansin kong parang natigilan siya, ngunit ilang sandali lang ay bumalik na siya sa kanyang ginagawa. Pagkatapos ng pagbaba ng tawag ay hindi na ako bumalik sa pagkain at pinili kong titigan si Hunter. Sinusubukang suriin ang bawat reaksyon na gagawin niya, ngunit nabigo ako nang nanatiling blangko ang kanyang mukha. Hindi ko maintindihan kung bakit? Hindi ko rin maintindihan ang inis na nararamdaman ko for what.

Hunter's Wrath (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon