CHAPTER 5

82 13 10
                                    

Kasalukuyan kaming nakasakay sa itim na magarbong kotse kasama si secret habang yung Arythm naman ang driver namin. Mabuti na lamang at sa tabi ko naupo si secret baka ma bitter na naman ako if ever sa harap siya naupo with his boyfriend.

Parehos kaming naka ball gown ng kaibigan ko ang kulay lamang ang nag-iba. Itim ang suot ko habang sa kanya naman ay kulay pink, lakas maka barbie, pero bagay naman sa kanya.

Pagdating namin sa gate ay siyang pag abot sa amin ng mask party. Nagustuhan ko ang binigay nang taga bantay dahil kulay itim with matching gold, bagay na bagay sa suot kong ball gown. Pagkapasok pa lamang namin ay parang panalong panalo na kami sa mga mata ng mga tao. Lahat sila ay nakatingin sa aming gawi. Kasabay naman ni secret ang kaniyang boyfriend sa pagrampa sa red carpet, okay lang na ma bitter ako dito basta makakain ako ng lumpia.

Inabitan kami ng waiter ng drinks, hindi ako sanay sa pag iinom, pero hawakan ko nalang 'to hanggang matapos ang party.

"Please welcome our debutante Freya Gonzales"

Napatingin ang lahat sa babaeng nag ngangalang Freya, she is super beautiful, even with her mask party. Bagay na bagay ang kaniyang mala porcelanang balat sa kaniyang kumikinang na kulay gintong damit, the necklace, bracelate and even her heels, it's all gold.

Edi Ikaw na ang gold..

May lumapit sa kaniyang tatlong babaeng mga naka gold din ang suot, bestfriend niya siguro.

"Uyy Psy?" Naramdaman kong pag siko sa akin ni Secret, agad naman akong napatingin sa kanya

"B-Bakit?" Nagtataka kong tanong

"Nakikita mo yan," itinuro niya ng daliri niya ang lalaking nasa hagdan

"Malamang may mata ako" pagtataray ko

"G*ga naman 'to, gusto mo ipa reto kita diyan?"

"Ewan ko sayo, ayaw ko" umiling ako habang siya naman ay kamot kamot ang ulo niya

"O bakit kumakamot ang baby ko, mukha ka ng unggoy niyan" singit ni Arythm na nagpatawa sa akin

Pero nakaka bitter pa rin sila. Isama ba naman ako dito, tapos halos lahat ng bisita may mga kaparehas ako lang siguro ang  walang kaparehas.

Bigla na lamang nagtama ang aming mata ng lalaking naka upo sa hagdan, mabilis kong pinikit ang aking mata at humikab na para bang inaantok, nakatakip parin ako ng aking labi dahil ngumingiti na ako,  nahawa na rin siguro ako sa kaniyang ngiti. 

Nag ikot-ikot ako sa mansyon ng mga Gonzales at sobrang mamahalin ang kanilang gamit, at bilib din ako dahil napayagan siyang mag pa party without her parents, she's lucky.

I'm lucky too, kung buhay pa si kuya. Naalala ko pa ang mga regalo niya sa akin. Importante pala dapat ang mga iyon, pero dahil mabait ako pinamigay ko at ni Isa walang matirang regalo si kuya.

Napaluha na lamang ako sa gilid at may mga kamay na humawak sa aking baewang na aking ikinagulat kaya nasampal ko kaagad siya, ako lamang ang nasaktan dahil naka mask party pala siya. Tngna.....

"Bastos ka ahhh...!!" Sabi ko sa kanya

Bigla niya namang itinaas ang kamay niya na para bang sinasabi niya na hindi siya ganun. He smiled at me.

Punyemas na ngiti yan, bakit ako kinikilig.... Pinigilan ko ang aking sarili na hindi mahawa sa kaniyang ngiti.

"Diyan ka na nga" binangga ko siya sa kaniyang braso at pinaikotan ng mata

Panibagong lalaki na naman ang aking kaharap sa ngayon. Narinig ko ang musika ay para sa mga magka pareha na sumasayaw.

He immediately placed his right hand on my hip, then he grab my right hand and place it on his shoulder. Sa aking pakiramdam ay namumula na ako. Naghawak ang aming kamay at kami ay sumayaw sa musika. Wala na rin akong magagawa dahil baka mapahiya pa siya sa harap nga mga tao. Ang gwapo niya siguro dahil ang bango niya at ang linis ng mga kuko.

One Step Closer (COMPLETED)Where stories live. Discover now