CHAPTER 7

64 12 13
                                    

Pagababa ko sa apartment ay nagulat ako dahil nakaabang na si Eosh sa gate habang nakatukod ang kaniyang siko sa sasakyan niya. Hahakabang pa sana ako ng paatras pero bigla siyang tumingin sa akin, para akong nahuli ng sniper gun dahil bigla na lamang akong na freeze. He's holding a one sunflower with a ribbon on it.
Humakbang na lang ako papalabas sa gate and also he keep on taking a step towards me.

Huyy...

"Goodmorning Psy," pagbati niya

"Sabay ka na sa akin" dagdag pa niya

And here I am the girl with a long hair kung tawagin, haba naman ng hair ko. Pero kulot ako yawa....

"Ahh eh-" natigil ako sa aking pagsasalita

"Ihhh ohh uhhh?" Singit niya

Parang tanga pero natawa naman ako dahil dinugtungan niya. Bukod sa gwapo, mabait, funny din pala siya. Ahhh mine na talaga kita, pero papahirapan muna kita. Hindi ako pwedeng maging easy to get like secret DUHHHH ...

"Baliw" hinampas ko ang kaniyang braso

"Ako na rin ang bag mo Psy, ako na magdadala baka mag ka muscle ka, your sexy body will be broken" Sabi niya sabay kuha ng bag ko at binigay sa akin ang kaniyang hawak hawak na sunflower

"Anong gagawin ko dito, tatanim" Sabi ko sa kanya, inamoy ko pa ang sunflower pero wala pala itong amoy

Saan niya kaya pinitas ang sunflower na 'to parang fresh pa eh.

"Lagay natin sa vase, bibili Tayo mamaya after school" sagot niya

"Hala huwag na" napailing ako

"Sakay na" binuksan niya ang unahang pinto ng sasakyan at inalok ako

Agad naman akong sumakay sa kaniyang magarbong kotse, hayst I miss my kuyas car. Kung sana lang talaga. Hindi ko na dapat ito inaalala eh, baka mamaya madatnan ko na naman ang aking sarili na umiiyak.
Ibenta ko kayo kotse ni kuya pero baka multohin niya ako. Magpapaturo na lang ako kay Eosh kapag free time para hindi na ako magpapahatid nakakahiya naman kasi.

"Kamusta tulog mo?" Panimula niya

"Ewan tulog ako eh" sagot ko naman

Tumawa naman siya.Tama naman ako eh paano ko naman malalaman dahil tulog ako. Pero ang cute niya kapag tumatawa, ang hirap pigilan sumigaw, hindi na ako mapakali gusto ko na talaga sumigaw.

"Eosh" tawag ko sa kanya sabay pag ayos ayos ko ng aking buhok

"Bakit" he responded

"Pwedeng sumigaw?" I asked

"Yes you can" sagot niya sabay tawa ng malakas

"AHHHHHHHH!"

At nakasigaw na nga ako dahil sa kilig tapos, tatawa na naman siya, ayaw ko na, napapangiti na ako ni Eosh. Pero hindi ibig sabihin nito sinasagot ko na siya.

"Bakit ka pala sumigaw?" He asked

"Wala lang, gusto ko lang na I test ang aking boses" pagsinungaling ko

Napaka sinungaling ko talagang babae. Pero atleast maganda naman at magkakaroon ng gwapong boyfriend soon. Hintayin lang nila. At ang swerte ni Eosh sa akin.

Halos lahat ay napatingin sa sasakyan ni Eosh, papasok pa lamang kami sa campus. Natatakot akong lumabas baka anong lumabas sa mga bunganga na mga marites out there. Baka may tumahol.

Naunang lumabas si Eosh mula sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Nagpalipas pa ako ng ilang segundo bago ako lumabas. Grabe para akong artista dahil ang daming mga nakatingin. Kinuha ko na lang ang plastic na nakita ko sa likod at sinuot sa ulo ko. Pero magmukha akong tanga kaya huwag na lang.

One Step Closer (COMPLETED)Where stories live. Discover now