Nag iimpake ako ngayon ng aking mga gamit dahil lilipat na ako ng apartment ayaw ko na makasama ang babaeng nanloko sa akin at tinuring ko na kaibigan. Isa siya sa aking pinagkakatiwalaan pero nagawa pa rin niya sa akin yun.
"O...Psychia saan ka pupunta?" She asked with a lower voice
"Lilipat na ako ng apartment, ayaw ko makakita ng fake bestfriend," Sabi ko at patuloy na sa aking paglalakad hawak ang aking bagahe
"Psy wait, hindi na talaga kita maintindihan, you've change a lot since na amnesia si Eosh, tapos ano pa ang sinasabi mo sa akin, ganun na ba ako kasama sa'yo?" Napahinto ako at napalingon sa kaniya
"Alam mo secret akala ko talaga matalik kitang kaibigan eh, pero bakit mo nagawa sa akin yun, nagsabwatan pa kayo para lang makagawa ng maling bagay, hindi ko inakalang magagawa mo 'yun, ang pagkakakilala ko mabait ka pero hindi pala." Sabi ko
She run towards me and give me a hugged. Wala akong magawa kundi ang kumawala sa kaniyang pagkayakap.
"Why didn't you listen to me Psy, wala akong alam sa pinagsasabi mo." she kneel on the ground. Tiningnan ko lamang siya sa kaniyang mata at tumalikod.
This was the worst part of my life, breaking and ending our friendship. It's not just for myself but for the sake of our both self. As I am walking away I can't help but to let my tears flow......
Nakarating na ako ngayon sa bago kong tutuluyan. Mabuti naman at malayo na ako sa dati, I want to have a new chapter of my life with my ownself...... Naglalakad ako papasok sa gate when Theo block on my way. Ano naman kaya ang ginagawa niya dito. Sinusundan niya ba ako?
"Psy what are you doing here?" He asked at kinuha ang dala kong bagahe
"Heyy stop, kaya ko na yan, dito na ako titira," sagot ko sa kanya at inagaw ang bagahe ko. "Ikaw ano'ng ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko sa kaniya
"No," he said and laugh "sa akin ang apartment na 'to pinama na ni daddy sa akin" Sabi niya sabay ngiti
What siya ang may ari ng apartment na 'to? Kung nalaman ko lang sana ay hindi na lang ako lumipat pa dito sana sa iba nalang ako na apartment. I don't want to see him everyday lalo na't may paghanga ako sa kaniya, ayaw kong dumating sa point na mahuhulog ako sa kaniya. Pero wala naman akong malilipatan dito nalang muna ako.
"Ahh" tipid kong pagsabi at pumasok na sa gate
"Wait Psy, nasa kabila lang yung bahay namin you can visit there anytime," he said
So malapit lang ang bahay nila dito? Alam kong mali ang gagawin ko but I think I'll use Theo para na makita ko si Eosh.
"Ako na magdadala kasi" pag agaw niya sa bagahe ko. Wala na akong magawa dahil nauna na siya sa akin parang siya pa ang nakakaalam kong saan ang aking kwarto. Mabuti nalang at may bakante pang kwarto sa apartment nila. Nakarating kami sa third floor and the scenery is so good to my eyes. Napahinto ako at napatitig sa mga taniman.
"Like the view?" He asked at tumabi sa akin
"Yes" tipid kong sagot
"Well syempre ako ang pumili ng lugar na 'to I'm just 14 years old ng simulang ipatayo 'to," Saad niya
Naalala ko na naman ang aking nakaraan, minsan tumatakas kami sa bahay ni kuya at pumupunta sa taniman ng palay, kahit malayo ay palagi kaming pumupunta not to play but to paint, kuya loves to paint scenery, nakahiligan ko na rin 'to noong bata pa ako pero nahinto ko dahil sa pag aaral. I badly miss my kuya. Pumasok na ako sa loob at iniwan sa labas si Theo.