CHAPTER 12

27 5 1
                                    

Pagkauwi namin sa apartment ni secret ay agad kaming nag chika. Marami daw kasi siyang pasalubong na tea. Ako naman na dakilang chismosa ay sobrang excited na. Nag stay muna ako sa room niya dahil magkalapit lang naman ang room namin.

"Alam mo may sasabihin ako sayo Psy" panimula niya, hindi mapakali ang kaniyang mukha

"Ano yun" sabi ko

"Kasi nakita ko doon Ang kapatid ni Arythm, ewan ko basta ng makita ko siya I feel something between us. Alam kong mali pero Hindi na siya mawala sa isipan ko" Sabi niya at niyakap ang unan na hawak niya.

Nagulat naman ako sa aking narinig. Sa dinamiraming pwede siyang ma Inlove sa kapatid pa ni Arythm.

"Pero ikakasal ako sa lalaking hindi ko gusto Psy, ayaw kong dumalo sa kasalan, pero magagalit naman sa akin si dad" she sound so sad

Parang bigla akong nawalan ng ma ipapayo sa kanya. Para akong nalutang dahil sa iniisip ko Ang maaaring mangyari kung magkatuluyan man sila ng kapatid ni Arythm. Paano pag nalaman niya ito. I know they already healed. Pero once Arythm knows it, siya pa rin ang mas masasaktan.

"Ahhh, siguro making ka nalang muna sa daddy mo, o pwede din magmakaawa ka sa daddy mo," payo ko sa kanya

"Baka maiintindihan ka naman niya Secret, daddy mo pa rin yan at isang anak ka lang" Saad ko pa

"I know but, I don't want to disappoint him. Naka set na ang kasal namin Psy. After Grand Ball yata ang kasalan, syempre invited ka" Sabi niya

Bakas parin sa mukha na ang pagjalungkot. Kung may maitutulong lang sana ako. Bakit kaya ganoon ang mga daddy nila. Naalala ko tuloy Ang daddy kong kinamumuhian ko na naman ngayon. Ewan ba naman ako dito sa Pilipinas at na block pa niya ang aking account sa Facebook. Still Secret is greatful dahil buo pa ang kaniyang pamilya. Nakakainggit din ang kaniyang pamuuhay, ang yaman niya pa.  Natapos na ang aming chismis at marami pa akong narinig sa kanya na mga ginawa niya sa probinsya. Bumalik na ako sa aking room after.

Sa kalagitnaan ng gabi, hindi pa rin ako makatulog. I'm thinking of Eosh, they say if a person can't sleep someone is thinking about him/her. Kung ganun iniisip niya rin kaya ako? Kanina pa ako hindi makatulog, this is the first time na nag ka ganito ako. Bumangon na lang ako at dumungay sa aking bintana. I love the clamness in the middle of the night. Maglakad lakad kaya ako sa labas wala naman sigurong bad guys. Sinuot ko muna ang jacket ko bago lumabas, kumatok pa ako sa room ni secret, mahimbing na yata ang kaniyang pagtulog dahil hindi niya marinig ang pagkatok ko. Bumaba na ako sa hagdan. Sa aking paglakad may lalaking nagmamasid sa gate.

Myghad magnanakaw...

He's wearing a cap, black jacket and black pants. Napahakbang na lamang ako pabalik sa taas Ng tumingin sa akin ang lalaki. Agad kong ni lock ang aking pinto. Naging mabilis ang pagtibok ng aking puso sa mga oras na 'to. Paano kung makapasok siya at may patalim siyang dala. Ng maalala kong bukas pa pala ang bintana ko, agad akong tumakbo at isinara 'to, pero bago yun ay nanilay nilay muna ako baka nasa paligid lang siya. Hindi naman siya si Eosh dahil matangkad si Eosh, Isa pa mag papaalam naman siya if ever pupunta siya o mag bubusina sa labas. Nag eexist pa pala ang mga mad guys hayst......

Kinaumagahan, parang kulang pa ang aking tulog pero may class kami. Nagulat na lamang ako na malapit na mag eight o'clock. Hindi ko man lang narinig ang alarm ko, ugh crazy alarm. Tumayo na ako at dumiretso sa banyo. Ang lamig ng water, ay oo nga pala ber months na kaya malamig. Mabuti na lang at pwede ma adjust yung shower, yayamanin talaga ang apartment ni Rosa. Nag palit na lang ako ng uniform at hindi na naka pag ayos sa mukha. Paglabas ko ay siya rin paglabas ni secret.

"Goodmorning Psy, di ka naka pag ayos?" tanong niya

Napansin niya rin pala, ugh ang haggard ko na at mukhang stress.

One Step Closer (COMPLETED)Where stories live. Discover now