Kinaumagahan, hindi ako nakabangon dahil mabigat ang aking pakiramdam, mainit din ang aking katawan, masakit ang ulo ko na para bang babasag sa sobrang sakit. Sinubukan kong tumayo pero natumba lamang ako sa sahig. Hindi ko rin makuha ang aking cellphone dahil nasa bag ko 'to na nakapatong sa couch. Gumapang na lang ako hanggang sa makuha ko ang aking bag, kaagad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Theo. Napasandal na lang ako sa couch habang hinihintay na sagutin niya ang aking tawag.
"Hello, Psy may kailangan ka ba?" He asked
"T-theo, p-please puntahan m-mo ako dito," Sabi ko habang nangangatal ang aking boses
"Okay I'm on my way." He said
Maayos pa naman ang aking pakiramdam kagabi. Napikit ko na lamang ang aking mata upang 'di maramdaman ang sakit ng aking ulo...... Napanaginipan ko ang araw ng aking kaarawan sa aming bahay.
"Psy, may pasulubong ako sayo," Sabi niya at lumapit sa aking gawi
"Wow, kuya thank you." Sabi ko sabay halik sa kaniyang pisnge
"O, kakain na tayo, Tara na." masigalang pagsabi ni mommy
Pumunta na kami sa dining area where my friend and family are waiting, nakita ko kong gaano pa sila kasaya.
Happy birthday to you
Happy birthday, happy birthday
Happy birthday Psychia.....
"Now blow the candle Psy, but make a wish first" Sabi ni tita habang hawak ang cake
I wish that my family will be completed..
Kay gandang pagmasdan ang kanilang mga ngiti sa labi, miss na miss ko na ang dating sila, si kuya, si mommy at ang aking pamilya, noong araw din na 'yon ay ang araw na na aksidente sila tita, ang mga anak niya at ang asawa niya, dahil nakasakay lamang sila sa SUV.
Pagmulat ko ng aking mga mata ay siya ring pagtulo ng aking mga luha sa aking pisnge. I missed them so much, my family..
"Heyy Psychia," rinig kong boses ni Theo, pinunasan niya ang aking luha gamit ang kaniyang palad. He carry me at dinala sa aking kwarto
"I bought you a medicine," saad pa niya
"M-maraming Salamat Theo." Sabi ko sa kanya at hinawakan ang kaniyang braso. Ngumiti lang siya sa akin. Aalis pa sana siya subalit hinawakan ko muli ang kaniyang kamay, " don't leave me, Theo, dito ka lang" Sabi ko
"Hindi kita iiwan Psy, andito lang ako palagi okay? Kaya magpahinga ka na para maging maayos ka na." Tugon niya
Uminom muna ako ng gamot bago magpahinga, hindi ako natulog dahil natatakot ako baka mapanaginipan ko naman ang aking pamilya. It just makes my memories freshen from my past. Nakatulog naman si Theo na naka upo sa couch, gusto ko sana siyang lapitan at bigyan ng unan pero hindi ko pa kaya na tumayo.
I'm thinking of Eosh right now, kamusta kaya siya ngayong araw? I wish he would think of me. Hindi ko pa man masigurado but I have a guts that he started to remember me.... Malapit na ang finals at malapit na rin ang kasal nila Nicolaevna at Eosh. Paano kong hindi niya ako maalala? Kung ganun ay papakawalan ko na siya at iapapaubaya. Hindi ko mapigilan ang aking pag iyak sa bawat oras na iniisip ko ang kasal nila.
"O, Psychia kakagising mo lang, bakit ka na naman umiiyak," lumapit siya sa akin at pinunasan na naman ang Ng luha ko.
"Wala lang Theo, masakit lang yung mata," nangangatal kong pagkasabi