CHAPTER 13

34 7 3
                                    

Nagpunta na kami sa mansyon ng Lola ni Eosh. Napakaluma na pero sobrang laki naman ng lugar. Marking mga halaman na tanim ang kaniyang lola, halos buong lugar ay puno ng iba't-ibang klase ng bulaklak, kaya pala magaling si Eosh pagdating sa mga bulaklak, siguro sa Lola niya na mana.

May nag abang sa amin sa bago kami pumasok sa pinto. Babaeng matalas ang paningin sa akin. She look so beautiful pero mukhang maldita nga lang. Kung ganun may iba pang pinsan si Eosh bukod kay Freya.

"Kuya Eosh, maligayang pagbalik,  why you here? At nagdala ka pa talaga ng girls?" Pagbati niya kay Eosh

"So cheap naman nila" Saad pa niya

Napatingin ako kay  secret, dahil alam kong maiinis siya lalo na't sinabihan kami na cheap Ng malditang babae 'to. Secret look likes she's going to slap the girl or to punch her. Support naman ako if ever pero pamilya ni Eosh si malditang girl.

"O Sophie kamusta ka na? Gumanda ka pero 'di tumangkad" pang aasar niya


Nagtinginan na naman kami ni secret at alam ko na pinipigil niya ang kaniyang pagtawa. Maganda nga siya pero pandak nga lang, pero bata pa naman siya kung titingnan.

"Kuya naman, I'm just fifteen years old, tatangkad pa kaya ako" pagmamaldita niyang pagkasabi

What? She's fifteen years old. Akala ko magkalapit lang kami ng edad pero bata pa pala siya.




"Where's Lola?" He asked

"Nasa likod siya and she's planting a flowers, everyday nalang talaga siya nagtatanim, baka mapuno niya na ang buong bahay" sagot niya

"Pero bakit naka uniform kayo? Don't tell me you escape at your school kuya?" Pang uusisa niya


"It's not what you think, wala kaming pasok, at hindi namin nalaman." Sabi ni Eosh

Pumasok na kami sa mansyon at ang mga gamit ay puro antiko. May nakasabit naman na malaking frame sa wall ng mansyon, isang dalagang babae ang nasa litrato, sobrang ganda niya at napaka perfect ng kaniyang mukha.

"Eosh who's that?" Sabi ko sabay turo sa picture frame

"That's Lola Criselda, ang ganda niya diba" he said

"Mas maganda parin naman ako" singit ni Sophie

May pagkahawig nga Ang mukha niya sa Lola nila. Kaya siguro dito siya nakatira dahil magkamukha sila ng Lola niya.

"Hindi ka nag iisa pinaka maganda ako" Sabi naman ni secret

Agad ko nanna siyang siniko. Nasa mansyon kami ng may-ari, kailangan namin mag bait baitan lalo na sa pandak na babaeng si Sophie.

"Pigilan mo yang pang gigigil mo" bulong ko sa kanya

"Pinag uusapan niyo ba ako? Sorry Ang ganda ko kasi, pasensya na" Sabi niya sabay flip ng hair niya

"Gusto ko yang sabunutan, pandak na yan" galit na sabi ni Secret


Sinamahan kami ni Sophie pumunta sa likod kung saan naroroon ang kanilang Lola. Akala ko ay mas magagandang bulaklak na ang nasa harap. Mas marami pa pala dito, at sobrang gaganda pa, may mga Rosas daisy, sunflower at iba pa. Nakikita ko na rin ang mga tanim na strawberry, sobrang lawak ng pinag tataniman ng tanim ni Lola Criselda. Napakaputi ng kaniyang balat at puti rin ang kaniyang buhok. Napakaganda nga niya.

"Diyan na kayo, cheaps" Sabi ni Sophie at umalis na

Mabuti naman at mapapanatag na ang aming kalooban ni Secret, wala ng maldita na pandak. Nagmano si Eosh sa kaniyang lola. Medyo may kalayuan siya sa amin dahil pinuntahan niya talaga ang kaniyang lola. What a good apo naman.

One Step Closer (COMPLETED)Where stories live. Discover now