Chapter 28- Ace vs Kiefer-

17K 520 16
                                    

-Sapphire's POV-
(Same Day)

"Uy! Patabi ah?"

"Like duh~ Ano pang magagawa ko eh nakaupo ka na! Isip naman!"

"Ang sungit"

"Tss..Narinig ko yun! Ikaw Ace manahimik ka!"

Ang kulit kulit ng lalaking to! Nakakaloka! Di na nagbago he's still the Ace I used to know. Napangiti naman ako sa naisip ko na hindi sya nagbago despite of our break up scenes.

"Uyy! Nakangiti! Anong problema ha? Naiisip mo ko? Oh wag munang kiligin mamaya na lang yan! Tuloy mo lang pag iisi----Aray ha!" ayan nabatukan ko..Ang hangin na nga dito makikisali pa sya. Loko talaga.

"Bat ka nambabatok bigla? Tuloy mo na ulit yung pag iisip tung---Aray! Nakakadalawa ka na ha!" reklamador hahaha!

"Ang feeling mo! Umayos ayos ka ah? Kundi matatamaan ka sakin! Gusto mo ng isa pang pambabatok?"

"To naman! Biro lang! Baka matanggal na ulo ko nyan! Sayang mukha ko!" biro nya. Psh mahangin talaga.

"Di naman sayang yan! Wala namang mukha eh!" sabi ko.

"Nagkaulo pa ako noh? Kung wala pala akong mukha! Isip naman!" at talagang ginaya pa yung line ko kanina ah?  Ang kulit talaga

"Eh san mo ilalagay yung utak mo kung wala kang ulo? Sa paa ganon?" sarkastiko kong sabi.

"Awts! Oo nga no? Ay nga pala! May ibibigay ako sayo?" ano naman iyon?

"At talagang 'di ka sigurado noh?" sabi ko..Minsan di ko talaga maintindihan tong lalaking to. Di nga bipolar baliw naman! Jusko!

"Ah baka naiwan ko sa bahay? Kaya di ako sigurado?"

"Alam mo ikaw? Paasa ka! Ano ba kasi yon?" curious na tanong ko. Kasi naman sasabihin pero di sigurado kung nadala? Seriously?!

"Ok na yung paasa sa bagay kesa naman yung pa fall ng puso" seryoso nyang sabi na ikinatahimik ko naman. Yeah may point sya. Mabuti na nga yon. Hayy.

"Che! Alam mo ikaw Ace! Kanina ka pa ah! Isa pang panggugulo sa kin at talagang isusugod ka sa ospital ng wala sa oras!" pagbabanta ko. Andaming cheche bureche naman kasi ng lalaking to eh! Promise pepektusan ko na to!

"Eto oh" rinig kong sabi nya kaya napatingin naman ako sa kanya at "Whoa, san mo nakuha yan?" di ko na mapigilang sabi. Kasi naman bigyan ba naman ako ng white rose? taray at may hershey's pang chocolate. "I told you, I'm courting you diba? Paulit ulit lang Sapphire?"

Okay na eh! Kikiligin na sana ako eh! May kasama pa kasing pambabara -.-

"tara na? Hatid na kita sa classroom mo Hon" Hon our endearment before. Dinaanan ko lang saglit yung locker ko para ilagay yung chocolate. Hawak ko parin yung rosas na bigay nya sakin di ko lang talaga maiwasang pagmasdan. Alam nya talaga kung ano ang mga bagay na gusto ko..At ang isa dun ay ang white rose.

***
-Lunchtime-
-Cafeteria-
-Sapphire's POV-

"Uy Ace! Treat mo ko today!" sigaw ko kay Ace. Sya naman napangiti na lang ilang taon ko na rin hindi nakikita ang mga ngiti nyang yan.

"Oh? tulala ka na naman sa kagwapuhan ko..Hayaan mo bibigyan kita ng picture ko para kahit sa gabi ay mapagma----Aray! Strike 3!" Huh? ano daw?

"Strike 3?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman sya at akmang magsasalita, ng biglang----

"Kyaaaaah!! Ayan na sila!"

"Waaah! Bes! Ano pantay ba yung blush on ko?"

"Shet! Yung lipstick ko! Dali nag fade yung lipstick ko! kelangan mag retouch!"

"Omygoshie! Papalapit na sila!"

"Waaah! Ang pogi talaga nila! Waaah! tumawag na kayo ng ambulansya at feel ko ng mahihimatay na ako!"

"Kyaaaah~!"

Ilan sa mga sigawan ng mga babae dito sa cafeteria.Tss..Makikita ko na naman ang pagmumukha nila lalo na NYA! "May problema ba?" tanong ni Ace. May dala na syang tray ng food namin. Umiling na lang ako bilang sagot. Mula sa aking peripheral vision ko ay nakita kong nakatingin sya sa pwesto namin at sa akin pa!

Kumakain na rin sila at ayun parang nagbabarahan na naman ang apat na myembro ng five flames.

Ilang saglit pa ay natapos na rin kaming kumain ni Ace kaya naman napagdesisyunan na namin na umalis na at pumunta sa mga klase.

-Ace POV-

Pagkatapos kong ihatid si Sapphire sa klase ay agad akong nagpunta sa garden. Alam kong sumusunod sya..Yung leader ng sikat na boy group ngayon sa bansa na Five Flames.

Tumigil na ako sa paglalakad at alam kong tumigil na rin sya.

"Anong kelangan mo?" casual kong tanong.

"Ikaw..Ikaw ang kelangan ko..Sino ka? at kaano ano mo si Sapphire?" cool nyang sabi. Di ko akalaing ganto ang tipo na nagustuhan ni Sapphire tsk.

"I'm his suitor kaya wag kang didikit sa kanya" pagbabanta ko na ikinunot ng noo nya.

"You are only a suitor not her boyfriend..Kaya back off at wag kang mambanta ng ganyan" malamig nyang sabi. Tinignan ko sya ng masama at nakita kong pasipol sipol lang ang lalaking kaharap ko.

"Ikaw? Sino ka ba?" tanong ko

"Your mortal enemy.." this time yung noo ko naman ang kumunot. Mortal enemy? Tanga ba to?

"I am going to court the girl you are courting right now" sabi nya saka alis..Ano? liligawan nya? Eh sira ulo pala sya eh..May fiance na sya pero kung totoo man iyon then isa lang ang masasabi ko...

May the best man win

----------------

Okay! Past 1:00 na ng madaling araw pero eto ako at nag uupdate parin.

Eto na yung UD ko at sana magustuhan nyo..

Sagad na ang mga brain cells ko dito. Pilit ko na lang tinapos ang chapter na ito.
Mag cocomeback rin ang five flames...Malapit na. At makikilala na rin natin ang fiance ni Kiefer sa mga susunod pang chapters..Abangan nyo yan

*yawwwn*

Good night/good morning na din!

Bago ko malimutan si Ace yung nasa pic. Gwapo nuh?

Innocent meets  Leader [TO BE REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon