Chapter 44 - Return -

12.3K 372 34
                                    

Tintin's point of view

"Oh Bes, babantayan na kita ah," sabi ko habang tinitignan ko siyang mag-ayos. Nakauwi na kami galing ospital at ngayon na ulit siya papasok. Nagpupumilit na kasi kaya wala na rin kaming nagawa. Haay. Ang kulit-kulit talaga niya. Nakakalurkey!

"Tin, hindi na ako bata,'no?" napairap naman ako. Hindi bata? Anong tingin niya sa sarili niya? Sobrang lakas para pigilan yung bruhang Monica na 'yon?

"Duh? Bessie? Hindi mo parin alam kung susugurin ka na naman nung bruh na 'yon! Malay mo naman baka this time, tuluyan ka na niya! Ay nako!" sarcastic kong sabi. Minsan talaga 'tong si Sapphire, kahit matalino, hindi nagcoconclude ng pyutyur niya. Haaay. Kumukulot yung buhok ko sa kanya niya e.

"Hindi naman siguro. Feeling ko naman patatahimikin na niya ako. Hindi pa ba sapat yung pagkacoma ko ng dalawang buwan?" sabi niya habang naglalagay ng clip sa buhok niya.

Napataas ang magandang kilay ko, "Bes, para sabihin ko sa'yo, feeling mo lang 'yon. Saka, alam mo, ang taong 'yon, hindi titigil hangga't hindi niya nakukuha 'yung gusto niya. Ay, mali, bruha pala. Bruhang kabayo! Harhar!"

Binato naman niya ako ng hairbrush. Tinamaan naman ako sa mukha. Masakit yun. Ang bigat kaya nun. Yung maganda kong mukha! Noo!

"Aray ko bes! Ramdam ko yung love mo sa'kin! I lab you too ha? Labyu too! Aww." inis kong sigaw habang hawak-hawak ko yung mukha ko. Feeling ko talaga parang namumula na yung parte ng mukha ko e.

"Ang daldal mong babae ka. Tumahimik ka na nga lang. Malalate ako dahil sa'yo e!" sabi niya at saka sinukbit yung bag niya sa balikat niya.

Napapout naman ako nang wala sa oras. Bakit siya malalate? E, isang oras pa bago magsimula yung klase? Ang labo niya.

Sapphire's Point of view

Ang saya-saya ko ngayong araw na 'to. Babalik na kasi ako sa school. Mwahaha. Ang tagal ko ng hindi nakakatapak dun. Yung classroom, yung grounds, yung sa likod ng gym atsaka syempre yung puno na lagi kong tinatambayan. Namiss kong lahat 'yon!

"Nak, mag-iingat ka na ha?" sabi ni mama sa'kin nang makasalubong ko siya nang bumaba ako. Tumango naman ako sa kanya saka nagthumbs-up pa.

"Hay, Tin, ikaw ng bahala sa kapatid kong 'yan, sayo at sa Five Flames nalang ako hihingi ng security dyan kay Sap," naiiling na sabi naman ni Ate.

"Naman, 'Te Jem. Ako pa ba? Malakas 'ata ako, 'no!" pagmamayabang ni Tin sabay pakita ng kunwariang muscles niya sa braso kahit na wala naman. Hindi tuloy namin napigilang matawa ng konti dahil sa mga kalokohan n'ya.

Wala sa sariling binatukan ko siya. Medyo nagulat rin ako sa ginawa ko pero tinawanan ko nalang din pagkatapos.

Natigil naman kami nang biglang may bumusina sa labas. Napatingin ako kay Mama no'n. Nakita kong ngumiti si Mama at ganun rin si Ate. Bigla naman akong hinila palabas ni Tintin at nakita ko ang kotse na nakasakay ang buong fiveflames.

Uhh..O-kay? Full force talaga ang security nila ha?

Napailing nalang ako at medyo matawa-tawa pa. Ang kukulit kasi nila kahit na ang ga-gwapo nilang tignan kahit sa simpleng uniform. Kitang-kita ko na nag-aaway na naman si Steve at Renz. Ang sama naman ng tingin ni Rune dun sa dalawa. Pailing-iling nalang si Charles na nasa harapan at si Kiefer..si Kiefer na nakatingin sa'kin at nakangiti.

Bigla naman akong sinundot ni Tin sa tagiliran at inasar-asar, "Ayiee. Nagkatititigan sila, kinikilig ka. Ayiee. Forever na ituu!"

Napailing na lang din ako saka binangga siya ng balikat. Lumapit ako sa kotse saka sumakay,

"Let's gooo!" sabay na sigaw ni Steve at Renz.

Pagdating sa school, kitang-kita ko na pinagtitinginan kami ng mga schoolmates ko. Hindi rin maiwasan ang mga bulungan nila tungkol sa'kin.

"Wow, tagal n'yang nawala,ah"

"Oh, nagising na pala siya. Teka, sigurado ba siyang kaya na niyang pumasok?"

"Mabubuwisit na naman si Monica n'yan. Pa'no, andyan na ulit siya, ang laki kasi ng insecurities niya kay Sap"

"Full support ang fiveflames! Yiee. Ang gwapo ni Rune!"

"Tsk. Kasama na naman niya yung Fiveflames. Ano bang gayuma n'ya?"

"Todo-alala daw ang fiveflames pati ang bestfriend niya, lalo na si Jaze nu'n diba?"

"Yep, ang swerte talaga"

Pumunta nalang kami sa room namin. Pagpasok, natigil ang lahat ng classmates ko sa kani-kanilang ginagawa. Wala pa yung teacher namin pero maingay lang talaga sila.

Nanlalaki ang mga mata nila habang papunta na ako sa upuan ko. Napangiti ako. Namiss kong umupo dito.

"Wow, welcome back, Klayne!"

"Whaa! Namiss ka namin, Sap!"

Ilan na sabi ng mga kaklase ko. Napangiti tuloy ako. Ang babait talaga ng classmate ko sa'kin.

Puro pa 'Welcome back greetings' ang sinasabi nila sa'kin. Pati nga teachers ko ganun na rin e. Hahaha. Nakakatuwa.

Natapos ang first three subjects at ngayon, break na. Magkakasama na ulit kami ng fiveflames kasama na si Tin. Nagku-kwentuhan lang kami tungkol sa pagbabalik ko.

"Grabe, ang saya-saya ko talaga ngayon kasi kahit papa'no, may nakamiss sa'kin bukod sa inyo!" nakangiti kong sabi sa kanila. Ngumiti rin sila pabalik at nagulat nalang ako nang akbayan ako ni Kiefer saka bumulong,

"But still, I am the only one who missed you very much. More than anyone else," bulong niya. Namula ang mukha ko pero mas namula 'yon ng halikan niya ako sa pisngi. Jusko, Kiefer, baka bigla nalang ulit ako isugod sa ospital 'pag hinimatay ako sa kilig.

Ayan tuloy, inasar-asar nila kami. Kesho daw, ang cheesy daw namin. Ang lakas daw bumanat. O kaya, sobrang sweet namin kaya nakakalanggam na.

Humirit pa nga si Steve na wala daw forever e. Haha. Hindi naman siya bitter nu'n 'no?

Napatigil kami ng biglang may pumalakpak. Napatingin kami sa harapan namin at biglang nagkaroon ng nakakabinging katahimikan.

"So, nakasurvive ka pa pala 'no? Ang tigas mo naman pala talaga!"
"Monica.."

**

Waah! Hello~ Sana nagustuhan nyo/mo ang chapter na 'to. Thank you po sa lahat ng time na binigay nyo para basahin ang story na 'to. Konting kembot nalang at epilogue na. Mga 5 chapters pa. Ganern. Siguro? xD

Innocent meets  Leader [TO BE REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon