Chapter 45 - Invited -

10.7K 336 42
                                    

Warning: Super short.

Sapphire's point of view

"Monica.." mahinang saad ko. Napakagat labi ako ng makita kong nakangiti siya sa'kin. Ngiting..nakakatakot.

"Ano na naman ba ang habol mo?!" pasigaw na sabi ni Kiefer na ngayon ay nasa tabi ko na pala. Napangiwi si Monica sa naging reaksyon ni Kiefer.

"Ohh, no need to shout, Jaze," itinaas niya ang isang sobreng kulay pula na may halong itim. Napakunot-noo ako, pamilyar sa'kin yung sobre. Saan ko nga ba 'yun nakita?

"You're invited! Congratulations!" nagkatinginan kami ni Kiefer sa sinabi ni Monica. Invited? Saan naman?

"Anong kalokohan naman ang inihanda mo sa'min, ha?" singit ni Rune.

Napasimangot si Monica at napairap bigla, "Look, kung ang tinutukoy mo ay ang pambubugbog ko noon kay Mendoza, para sabihin ko sa'yo, napag-utusan lang ako," napasinghap kami ng harapan n'yang inamin sa'min ang ginawa n'ya.

"S-sino 'yong nag-utos sa'yo?" tanong ni Renz bigla. Napatingin ako lalo kay Monica at inaasahang sasagutin niya ang tanong na 'yon. Hindi ko rin kasi maisip kung sino pa ba ang may galit sa'kin para ipautos sa kanya 'yun.

"Attend my party and I'll tell you everything," yun lang ang sinabi ni Monica bago siya umalis.

Dumaan ang maraming oras pero lutang pa rin ang isip ko. Kahit sa klase, walang pumapasok sa utak ko dahil sa sinabi ni Monica kanina. Nakakainis, kakabalik ko lang pero masyado namang occupied ang utak ko.

Nakasakay lang ako sa kotse ni Kiefer. Nagsolo lang kaming dalawa at pati na rin sila Tintin at Charles. Nagprisinta na din sila na ihatid na kami sa bahay.

Hindi naman malayo ang bahay namin pero mapilit parin sila. Nakatingin lang ako sa bintana nang biglang hawakan ni Kiefer ang kamay ko.

"What's bothering you?"

Napabuntong hininga ako saka umiling, "Wala naman," sabi ko. Naramdaman ko na hinigpitan n'ya ang pagkakahawak sa kamay ko kaya napatingin na ako sa kanya.

Kita ko na nag-aalala siya sa'kin. Biglang huminto ang kotse at napansin kong nasa bahay na pala kami. Hindi ko man lang napansin dahil sa mga isip-isip ko.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang higitin n'ya ulit ako papasok saka niyakap nang mahigpit.

"K-Kiefer.."

"Please let me hug you for a while," sambit n'ya saka ibinaon ang ulo n'ya sa may leeg ko.

Niyakap ko nalang siya pabalik at naramdaman kong humigpit pa lalo ang yakap n'ya sa'kin. Napabuntong hininga ako, hindi ko maiwasang matakot dahil hindi ko rin naman alam kung ano 'yong naghihintay sa'kin sa party na 'yon. Sa susunod na araw na 'yon at gaganapin sa isang hotel na pagmamay-ari ng pamilya nila Monica.

Kumalas na rin kami sa pagkakayakap at marahan akong hinalikan ni Kiefer sa noo.

"Don't attend the party," sabi n'ya.

Umiling ako saka sumagot, "No, I'll attend. Gusto kong malaman ang lahat, Kiefer"

"But.."

"Pupunta ako. Makakasama ka naman diba?"

Nakita kong natigilan s'ya. Then it hit me. Hindi siya makakasama dahil sa trabaho. Dahil busy s'ya.

"I..I'll –" bago n'ya pa matuloy ang sinasabi n'ya, pinigilan ko na. Ngumiti ako sa kanya.

"Okay lang. Kasama ko naman si Tintin. May makakasama naman ako. Alam ko namang busy ka e. Ayos lang," sinabi ko saka ngumiti.

"But Sapphire.."

"Ayos nga lang. Aalis na ako, nagtataka na siguro sila Mama kung bakit ang tagal natin dito. Mag-iingat ka sa pagda-drive mo, ha? Bye," sabi ko saka binuksan na ang pinto saka lumabas.

Paglabas ko ay agad na rin akong pumasok. Nanatili lang ako sa may pinto hanggang sa narinig ko na ulit yung engine nung kotse saka umalis.

Hindi makakasama ang five flames..

Pumunta na ako sa kwarto nang biglang nag-ring ang phone ko. Si Tintin yung tumatawag.

"Hello?"

[Bessie! Huhuhu! Waaaah! Bessie!"

"O-oh? Anong nangyari? Umiiyak ka?"

[Aalis ako, bessie! Huhu! Nagtampo tuloy sa'kin si Cupcake! Huhuhu!]

"Ha? Sa'n punta mo?"

[U.S! May pupuntahan kasi kami nila Mama. Aalis na kami sa susunod na araw! Magtatagal daw kami du'n nang mahigit isang buwan!]

Natigilan ako. Hindi rin makakasama si Tintin sa party.

[Bessie? Nand'yan ka pa ba, Bessie? O-oy, Sapphire?]

"Ha? O-oo. Ano...umm..sige, pag-usapan natin 'yan mamaya. May inuutos kasi si Mama"

[Ha? Ganern? Okie. Mamaya nalang. Bye.]

Nanghihina akong humiga sa kama. Napatingin ako sa kisame ng kwarto ko. Jusko. Mukhang pupunta ako du'n nang mag-isa.




Innocent meets  Leader [TO BE REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon