-Sapphire's pov-
"Hindi ka parin pwedeng pumasok! Don't be so silly, Sapphire!" napasimangot ako sa sagot ni Kiefer sa'kin.
"Ehhh, naman oh, bakit ba ha? Hayaan mo na ako! Please?"
"NO." seryoso niyang sagot.
"Edi wag! Tss!" tanging sabi ko nalang saka humarap sa kabilang side ng kama. Kanina pa kami nagtatalo kung papasok na ba ako sa susunod na linggo. Kanina ko pa nga pinipilit 'yang si Kiefer pero ayaw niya pa rin!Tss.
He sighed and hold my hand, "Sap, baka kasi mabinat ka. One week of rest isn't enough to heal you. Huwag ka na ngang makulit. Stay ka nalang please?" narinig kong sabi niya. Nakaharap parin ako sa kabilang side ng kama at hindi siya pinapansin. Tss. Masyado ng matagal ang two months ko dito. Marami na rin akong kailangan habulin sa lessons! Bakit hindi niya maintindihan 'yon?
"Are you mad at me?" narinig kong tanong niya. Para namang lumambot ang puso ko sa tono ng boses niya. Ramdam ko na malungkot 'yon.
Hinarap ko siya. Nakita kong nakangiti siya ng pilit sa'kin at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko. Hindi ko alam kung papaano niya ginawa sa'kin 'to at bigla ko siyang niyakap.
"I'm sorry. Hindi naman ako galit sa'yo. Pero kasi gusto ko na talagang pumasok next week. Payagan mo na ako please?" sabi ko. Yakap-yakap ko parin siya habang sinasabi ko 'yan.
"Sapphire.."
"Sige na kasi pleaseeee? Andyan naman kayong five flames at si Tintin para alalayan ako diba? Ano? Pumayag ka na ha?"
He sighed saka gumanti sa pagkakayakap sa'kin, "Okay fine. Payag na ako." Para namang nagningning ang mata ko sa narinig ko.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya pero yung mga kamay ko ay nasa batok niya. Hindi ko mapigilang mapangiti sa narinig ko.
"Ano ulit?" nakangiti kong tanong. Ngumiti din si Kiefer saka ako hinalikan sa noo.
"I said you can go to school next week, but please let me go with you while you're in school. Ayoko ng maulit pa sa'yo yung nangyari dati," sabi niya. Tumango ako saka siya niyakap ulit. Hindi ko pa napigilang halikan siya sa pisngi sa sobrang tuwa ko.
"Bakit sa cheeks lang?"
"Okay na 'yan! Thank you, Kiefer!" malambing kong sabi. Narinig ko ang pag-chuckle niya at sobrang namiss ko 'yon. Naramdaman ko na marahan niyang hinahagod ang buhok ko saka ako hinalikan sa noo. Hindi ko tuloy mapigilan na kiligin ako. Haay.
"Ay, Ooops. Naglalambingan pala sila. Tara five flames! Uwi!"
"Ha? Talaga? Anong ginagawa?"
"Nagyayakapan"
"Weh? Ang tindi rin talaga nito ni Jaze no? Galawang hokage"
"Sira ka, Renz! Isa siyang tunay na hokage!"
"Ang ingay nyong dalawa. Manahimik kayo"
"Let Kiefer handle them, Rune. Siguradong babatukan na naman niya 'yang dalawang 'yan!
Kanina ko pa pinipigilan ang tawa ko dahil sa five flames. Nakuha pang pag-usapan si Kiefer sa labas ng pinto. Ayan tuloy naglalabas na siya ng dark aura habang nakatingin ng masama dun sa pinto. Hokage daw? Hokage nga ba?
"Done talking?" sabi ni Kiefer sabay bukas ng pinto. Tuluyan na akong natawa nh makita ko ang reaksyon ni Steve at Renz. Hahaha.
"Ah.Eh. Wa-wala kang narinig diba,Jaze?" nauutal na sabi ni Steve habang nakatingin kay Kiefer.
"Meron," sagot ni Kiefer habang matalim na tumingin sa kanya. Kitang-kita ko na napalunok si Steve bigla.
Hinawakan naman ni Renz si Steve sa balikat sabay singit sa usapan, "Ahh..Jaze, wa-wala 'yon. Huwag mong intindihin 'yon. He-he-he"
"Sus, nagpapalusot pa"
"Hindi kakagat si Jaze d'yan" pang-iinis pa nila Rune at Charles na nanonood lang kila Kiefer.
Masama paring tinititigan ni Kiefer yung dalawa nang biglang dumating si Tintin.
"Anong ginagawa n'yo?"
"Oh, hey," sabi ni Charles at agad inakbayan ang best friend ko. Isa ring hokage si Charles e. Hahaha.
Natigil naman na yung ginagawa ni Kiefer kay Renz saka pumasok nalang sa kwarto. Matawa-tawa ko pa nga silang sinalubong dahil parang nabunutan ng tinik ang mukha nung dalawa e. Hahaha."Bessieee! I mish you!" agad akong sinalubong ng yakap ni Tintin at inabot naman niya sa'kin yung mga dala niyang mga pasalubong.
Ganun din naman ang five flames na inilapag lang din sa table ang mga dala nilang bulaklak.
"Bes, ano? papasok ka na ba?" biglang tanong ni Tintin sa'kin. Napatingin ako kay Kiefer na ngumiti sa'kin at tumango.
Napangiti ako saka sumagot, "Yep! Papasok na ako next week. Magaling na rin naman na ako" sagot ko.
"Talaga? Nice! Makakasama na ulit kita magcutting niyan! Yehey!" sinamaan ko siya ng tingin ng marinig ko 'yon. Ngumiti lang si Tin sa'kin saka nagpeace sign. Grabe 'tong babaeng 'to. Cutting talaga ang inatupag! Psh.
"Sap, wag mo sanang mamasamain pero paano kung makabangga mo ulit 'yung kaaway mo?" nakatanggap naman agad ng isang napakalakas na batok si Renz kay Steve.
"Ang tanga mo talaga! Dapat di mo na tinanong 'yon!" bulong ni Steve. Ngumiti nalang ako saka sumagot,
"Babantayan naman daw ako ni Kiefer e. May tiwala naman ako sa kanya," sagot ko.
"Ayiee..Ikaw bes ah!" pang-aasar ni Tintin. Napailing nalang ako saka siya pabirong inirapan. Abg lakas mang-alaska ni Tin pero napaka cheesy naman nila pag kasama niya si Charles. Haay..
"Bes, tutal papasok ka na rin, sino ba yung gumawa niyan sa'yo?" alam kong nagdadalawang isip kanina pa si Tintin na tanungin yan.
Nagkaroon ng tensyon sa kwarto, lahat sila alam kong inaabangan yung sasabihin ko kaya naman huminga muna ako ng malalim bago sumagot.
"Si..Mo-monica at yung mga ka-kasama niya"
"Shit"
"I knew it!"
"Sabi na nga ba at may kinalaman 'yang babaeng 'yan!"
"What the."
Napatingin ako kay Kiefer na napakagat labi nalang at nakayukom na yung mga kamay. Alam kong galit na siya. Actually, baka silang lahat.
Si Tintin na nakayuko nalang at bigla-bigla akong niyakap. Hindi ko alam kung bakit pero napaiyak nalang ako ng maalala ko ang pinaggagawa ni Monica sa'kin.
Hindi ko alam kung ano 'yong kinaiinisan niya sa'kin at dumating sa ganung punto.
"Don't worry, bes. She'll pay for this" bulong sa'kin ni Tin saka lalong hinigpitan ang yakap niya sa'kin.
--
It's been a long time! I know medyo lame to. Anyway, once na matapos ang MIML. Isusunod ko na yung OL tapos irerevise ko 'to. Thank you!
BINABASA MO ANG
Innocent meets Leader [TO BE REVISED]
Teen Fiction[WILL UNDERGO MAJOR REVISION] Isang simpleng babae na may tahimik na buhay at nakilala ang limang lalaki na grabe ang kasikatan sa bansa..Ano na lang kaya ang mangyayari sa kanya? Lalo na kung..Nainlove sya sa isa sa mga lalaking minsan na nyang n...