Sapphire's point of view
"I can't."
Natulala nalang ako nang marinig ko ang mga salitang binitawan n'ya. Ano bang sinasabi mo,Ace?
Hindi ko na maramdaman yung init dito sa loob. Hindi ko alam. Ano bang nangyayari sa'min? Bakit kailangan naming maranasan pa 'to? Bakit..Bakit nangyayari sa'min 'to ngayon? Bakit?
"Ba...bawiin mo. B-bawiin mo 'yung sinabi mo, Ace! Bawiin mo! Bawiin mo! Hindi! Hindi ko matatanggap ang sagot mong 'yan! H-hindi.."
Tinignan niya ulit ako. Lumalabo ang paningin ko pero kahit ganun, nakita ko ang paggalaw ng mga labi niya na para bang may sinasabi sa hangin.
Isang salita...
Isang salita na nagpakabog ng puso ko sa kaba.
Isang salita na....
ayokong marinig mula sa kanya.
"Farewell."
Nabigla ako ng bigla nalang siya nawalan ng malay. Nataranta ako. Parang binuhusan ako nang napakalamig na tubig. Hindi ko alam ang iisipin ko. Hindi ko na alam. Hindi ko alam kung nawalan lang talaga siya ng malay o baka naman...o baka naman....
"No..No.." wala sa sariling bulong ko.
He is still alive right? Buhay pa siya diba?
Pinagmasdan ko ang kabuuan niyang itsura. Hindi ko alam pero puro negative thoughts na ang naiisip ko.
Pulang-pula na ang shirt niya. Puro pasa. Puro sugat. Malalang-malala siya. Matinding bugbog ang inabot niya. Hinang-hina ang itsura niya.
"No, you're not dead..Y-you're not d-dead..N-no.." Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto saka napangiti nang mapait.
"I never thought na sa ganitong paraan ako mawawala." matapos kong sabihin yun, ay hindi ko na alam pa ang nangyari.
Kiefer's point of view
"Oh my gosh! The factory is on fire! Oh my gosh! Oh my gosh!" napatakip ng bibig si Eliza. Nakita ko ngang nasusunog yung factory na tinutukoy ni Eliza.
Wala sa sariling napamura ako. I dialed Rune's number after I saw the burning abandoned factory.
[Jaze—]
"Tumawag ka ng tulong! Nasusunog yung factory! Damn!"
[What?!]
"Just call the nearest fire station and an ambulance! We need to save Sapphire! Hurry!" agad kong pinatay ang call at wala sa sariling napahilamos nalang ako ng mukha. Sobrang kaba ang nararamdaman ko. What the hell.
"Oh my gosh! Jaze! Jaze! Do you think they are...still alive?" asked Eliza.
"Of course! They are still alive! Just shut up, Eliza! We're going to save them!" mabilis kong pinark agad ang kotse at saka lumabas.
"What?! Are you serious?! No! Hindi mo sila ililigtas Jaze! You will stay here with me! Just wait for —"
"Do you think I will just stay here?! I'm going to save them! Hindi ko kayang hintayin ang tulong nila!"
"No Jaze! No!" biglang hinigit ni Eliza yung braso ko kaya napatigil ako sa pagtatangkang pumasok sa factory.
"Let me go, Eliza." tinignan ko siya sa mata. Nakita kong nangingiligid ang luha niya. Bigla akong huminahon saka siya tuluyang hinarap.
"Stay here. Hintayin mo nalang sila Renz dito. Papasukin ko ang factory."
"Pero malaki na ang apoy—"
BINABASA MO ANG
Innocent meets Leader [TO BE REVISED]
Jugendliteratur[WILL UNDERGO MAJOR REVISION] Isang simpleng babae na may tahimik na buhay at nakilala ang limang lalaki na grabe ang kasikatan sa bansa..Ano na lang kaya ang mangyayari sa kanya? Lalo na kung..Nainlove sya sa isa sa mga lalaking minsan na nyang n...