Chapter 39 -Who-

11.9K 370 108
                                    

-Kiefer's Pov-

Mahigpit kong hinahawakan ang kamay ni Sapphire. Dalawang linggo na simula noong maging ganito si Sapphire,hindi ko pa rin matanggap na ganito siya.

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Napaka peaceful nitong tignan. Her face is like a sleeping angel. Hindi ko na namalayan na tumutulo na naman ang mga luha ko. My heart has been shattered into pieces whenever I saw her like this.

Please wake up, Sap. Wake up, my angel. Please.

Bumalik ang takot ko noong maalala ko ang nangyari sa kanya 2 weeks ago. Natakot ako na baka mangyari sa kanya ulit 'yon.

Nagulat kami noong tumigil sa pagtibok ang puso niya. Nataranta kaming lahat. Renz and Steve called the doctors immediately. Sapphire's bestfriend and Mom were crying like there is no tomorrow.

Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya habang patuloy na bumabagsak ang mga luha ko.

"H-hey. Don't leave me. Please fight." bulong ko sa tenga niya. Pinalabas din kaming lahat ng mga doktor kaya wala akong nagawa kundi bitawan ang siya.

Nagulat kaming lahat noong biglang may lumabas na bula sa bibig niya at lalong lumakas ang tunog ng monitor. Naalerto kaming lahat pero noong nakita kong sinusubukan ng i-revive si Sapphire.

Hindi ko alam pero kusa na lang gumalaw ang katawan ko at pumasok sa loob. Pilit nila akong pinapalabas pero mahigpit kong hinawakan ang mga kamay niya saka bumulong sa tenga niya.
"Please. Don't leave me, Sapphire. I'll be here...waiting for you to wake up. I'm not going to leave you...Please, calm down" hindi ko alam kung narinig niya ako pero..natuwa ako noong bumalik ang tibok ng puso niya saka idineklara ng mga doktor na stable na siya.

"Kiefer.." napalingon ako sa pinto ng bumukas iyon at iniluwal ang isang babae na medyo hawig kay Sapphire.

"I'm Jem, Sapphire's sister" pinunasan ko muna ang mga luha ko saka ngumiti sa kanya.

"Hello po" bati ko saka ngumiti ng mapait. Nginitian niya naman ako pabalik at pinagmasdan ang kapatid niya.

"Kamusta siya?"

"Stable naman daw po siya kaya lang hindi namin alam kung kailan siya gigising" malungkot kong sagot.

Tumango-tango pa siya kahit nakikita kong nangingiligid na ang mga luha niya. "Ganon ba? Alam mo bang kaalis ko lang ng bansa ng mangyari sa kanya ito? Umalis lang ako saglit may nangyari na sa kanya" sabi ng Ate niya. Bigla na lang bumuhos ang mga luha niya habang hinahaplos ang pisngi ng babaeng mahal ko.

"I'm sorry"

"H-ha? Bakit ka nagso-sorry, Kiefer?" takhang tanong niya. Muli kong tinignan ang natutulog niyang mukha. I smiled. A bitter one. Tinignan ko ang ate ni Sapphire at kitang-kita ko ang mugto niyang mga mata.

"Wala ako nung sinasaktan siya. Kung nandun lang sana ako sa tabi niya edi sana...wala siya sa ganyang kalagayan. Siguro kung nandoon ako para mailigtas siya, wala siyang iniindang sakit ngayon. I'm useless.Really. I can't protect the girl I love" mahina kong sabi pero alam kong narinig niya iyon. Napayuko ako dahil ayokong makita ang magiging reaksyon ng ate niya. Sinisisi ko ang sarili ko dahil wala ako noong binubugbog siya. Wala ako at nasa trabaho. I'm enjoying while she is suffering. I'm f*cking useless..Dammit.

Nakaramdam ako ng pagtapik sa balikat ko at iniangat ko ang tingin ko. Nakita ko ang ate niya na..nakangiti. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang inaasal niya. She chuckled and smiled at me. A genuine one.

"Hindi nga nagkamali ang kapatid ko sa'yo. Kitang-kita ko ang pagmamahal mo sa kanya. You love her so much and I know na...My sister loves you more than anyone. Hindi niya lang maexpress ng mabuti dahil siguro sa nakaraan niya kay Ace. I know she's afraid na ipamukha sa iyo na mahal ka niya dahil baka masaktan din siya ulit sa huli. She loved Ace but she loves you now and forever. You're the present. Sana 'wag ng maging choosy yung kapatid ko at hindi ka pa sagutin kundi ako na mismo ang gagawa ng paraan para matagal siyang humiga at matulog sa higaan niyang yan." matawa-tawang sabi ng Ate niya. Natawa din ako. Medyo nabawasan na rin yung lungkot na pumapaibabaw sa amin.

Innocent meets  Leader [TO BE REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon