Chapter 48 -Truth-

11K 319 50
                                    

Hello! Here's the new update! Enjoy Reading.

Nga pala, sa mga gusto akong makausap/makachat/makahalubilo pwede n'yo naman akong i-add sa facebook. Nasa message board ko yung link or you can just simply search me, Kim Wp. Yung profile nun ay yung profile ko rito sa wattpad. Sa mga gusto lang naman. Gusto ko lang kayong makilala. HAHAHA. Charot. 

-Sapphire's Point of view-

Mabigat ang paghinga ko habang akay-akay ko sa balikat si Ace. Mabagal ang paglakad namin dahil narin pagod at panginginig ng mga tuhod ko. Pilit naming iniiwasan na may makakita sa'min. Hindi ko naman kasi akalaing malaki ang abandoned factory na 'to.

"Hindi mo naman kasi kailangang g-gawin 'to," bulong ni Ace.

"Shut up. Kailangan. I want you to live!" naiinis na bulong ko pabalik. Napapakagat labi nalang ako para pigilang umiyak dahil puno na ng dugo ang damit n'ya. Magulo na rin ang buhok niya at puno na rin ng pasa ang buong katawan niya, karamihan sa mukha.

Napakunot-noo ko ng mapansin ko na may mga tuyong dugo na sa damit niya. Yung iba, halatang sariwa pero may mga natuyo na. Napaisip ako kung matagal na ba siya sa ganyang lagay.

"How long.."

"K-kung gaano na ako katagal sa k-kondisyon na ...'to?" dahan-dahan akong tumango.

"T-three days.." nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Tatlong araw? Pero..bakit? Paano?

Nagtago kami sa mga nakatambak na machine dito at dahan-dahan kong inupo si Ace. Marami akong nakitang bantay kaya kinakailangan naming mag-ingat at magtago talaga. Tinignan ko lang si Ace na nakahawak sa tagiliran niya habang  nakapikit ang mga mata. Napansin ko na rin ang mabibigat niyang paghinga.

"Ace, don't leave us. K-kakayanin mo 'to..kakayanin natin 'to.." garagal kong sabi. Tumango siya. Kahit papano naramdaman ko na parang nabunutan ako ng maliit na tinik sa dibdib nung tumango siya.

"I suffered for three days...I thought...I-I thought I could stop t-them."
huminga siya ng malalim saka pinagpatuloy ang pagsasalita.

"I want you to be safe. S-sinabi ko ng h'wag ka ng tumuloy p-pero tumuloy ka parin."

"Because I want to know kung ano ang totoong dahilan kung bakit ginawa sa'kin yun ni Monica..Because I want to know kung sino ang nag-utos sa kanya..Because I want to know the truth." nakayuko kong sabi.

"Okay..Okay. F-fine..We need to escape," tumango ako saka siya tinulungang tumayo. Sinilip ko muna yung mga bantay pero nagtaka ako ng makita kong isa-isa silang umalis.

"Huh?"

"Why? May problema ba?"

"Isa-isang nagsisi-alisan yung mga bantay, Ace." sagot ko.

Sinilip ko ulit sila one time pero nagulat nalang ako ng may nagtakip sa bibig ko ng panyo.

"Shit. Sapphire! Aww!"

Sinubukan kong pumalag at kumawala pero biglang nalang nagdilim ang paningin ko. Huli ko nalang nakita na nakahiga na si Ace sa sahig at walang malay.

"Hindi mo ko pwedeng takasan, Sap. Hindi."

Third person's point of view

"Are you serious?!"napaawang ang bibig ni Kiefer matapos n'yang marinig  ang sinabi ni Eliza. 

"You don't know? So you mean, hindi rin alam nung Sapphire na 'yon? Tss." may halong pagkairita ang boses ni Eliza ng banggitin niya ang pangalan ng babaeng naging dahilan kaya nasira ang relasyon nila ni Kiefer noon. 

Innocent meets  Leader [TO BE REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon