-Sapphire's Pov-
-3 days after-"Omo! Is this trueeeee?!"
"Kyaaah!! Nakakainis yang Mendoza na yan! Ang landi!"
"IKR! She's so....ugh! Malandi talaga!"
"Like duh? Ang panget nya kayaaa!"
"Yes.Yes. Ang sakit sa mata ng face nya! Omygosh lang!"
Ano na naman ba?! Laman na naman ako ng balita sa campus? Ano naman ang ginawa ko?
Agad akong naglakad papuntang room. Nakakainis lang! Yung feeling na pagtapak mo sa open field ng school ay ikaw agad yung pinaguusapan hanggang hallway?! Oh dibaaa?! Imbyerna. Bwisit! Sensya na kung medyo maldita ang ugali ko ah? Red days! Arrgghh!
Dahil sa naiinis ako ay di na ako dumaan sa locker ko. Wala naman akong kukunin dun.
"Tss...The landi queen is here na! Look oh!"
"Tch. Porket nawala lang si Monica sya na yung pumalit!"
"That girl! Nakakainis! Lande!"
"Suitor na nga nya si Fafa Ace pati sa Fafa Kiefer tapos may bago na naman! Three timer!"
"Nasa dugo na nila siguro! Pati siguro yung kapatid nya at yung nanay nya malandi rin!"
Dun na ako napatigil sa paglalakad. Ayos lang sakin na lait laitin nila ako pero wag lang nila idadamay ang family ko.Napatigil naman sila pagpyestahan yung buhay ko. Tinignan ko sila ng masama at akmang magmamaldita na ako ng may sumigaw.
"Saaaaaaaaaaaapp!!!!!! I MICH YOUUU BERY MATS!" The one and only, Renz of F.F. Tumatakbo ang five flames na pinangungunahan ni Renz at yayakapin na sana ako ng may sumigaw ulit.
"Oh sh*t! Ang eardrums ko! Ingaaaaay!!" sabi ni Steve habang hawak ang parehong tenga. Napatigil naman si Renz dahil dun.
"Ano? Yung eardrums mo maingay? Aba! hanep tol!" inosenteng sabi naman ni Renz.
"Ay tanga." bulong naman ni Rune. Tinignan naman ng masama ni Renz si Rune pero tinignan naman din ni Rune ng masama si Renz kaya nagiwas sya ng tingin. hahaha.
"Omo! Ang five flames! Kyaaaah!"
"I love you Steve!"
"Marry me Renz!"
"OMG! You're so cool Rune!"
"Charles! My labs! My future husband!"
"Kiefer! Anakan mo ko!"
Tinignan ko ng masama yung nagsabi nun kay Kiefer. Aba. Aba. Ang chaka neto. Landeeeee!!!
"BESSSSSSSSIIIIEEEEEEEE!!!" Uhhh...Yumanig ang mundo ko. Bessie? Sya lang naman ang tumatawag nyan sa akin eh.
"Oh Tin! Yumanig mundo ko!" pabiro kong sabi. Inirapan lang ako at dumiretso kay Charles at kiniss sa cheeks. Ugh. Lab birds. Nagulat naman ako ng may umakbay sa akin. Wow ha? Lakas maka akbay ng lalaking ito.
"Yow Jaze! Whazzup! May mallshow tayo mamaya!" sabi ni Renz. Tumango lang si Kiefer at agad akong hinila palayo sa kanila.
"San mo ko dadalhin?" tanong ko. Nginitian lang nya ako at inakbayan. Napangiti lang ako. Napansin kong papalabas na kami ng school.
"Oy.Oy.Oy! San mo ko dadalhin? Aba! May klase ako. Ayokong malate!" nakakunot noo kong sabi. Tumawa lang sya at lalong hinigpitan ang pagkaka akbay sa akin.
"Heaven" bulong nya sa tenga ko at inihipan. Nag init naman ang mukha ko dahil dun. Goosebumps!
"Y-YOU! AALIS NA AKO! A-ANONG P-PINAGSASABI MO HA?!" pagtatapang-tapangan ko pero deep inside konti na lang at maloloka na ako. Promise.
"Bakit? Ano bang iniisip mo? Totoo naman ah? Sa heaven tayo pupunta" nakangisi nyang sabi kaya binatukan ko sya. "Aray!" inda nya.
"Isa pa talaga Kiefer Jaze Montecruz at talagang sisipain kita palayo sa akin." sabay tingin ko sa kanya ng masama. Tinaasan nya lang ako ng kilay sabay sabing
"Ang brutal." kaya hinampas ko sya ng libro. Mukhang nasaktan naman sya doon. Wala akong pake. Ininis nya ako. Sensitive ako ngayon. Hmp.
Hinila naman nya ako at pumunta sa may photo-shop. Tapat lang iyon ng school. Anong gagawin namin dito? Pumasok kami at nagpaset na ng photos. Habang inaayos yung set-up ay panay tingin yung babae sa kasama ko. Ang sarap dukutan ng eyeballs. Buti na lang at mukhang walang pakialam etong lalaking to kundi nako! Ililibing ko sila ng buhay. Makita nila.
Nung ready na ay nagpicture na kami. Nagsuot pa nga kami ng pikachu bonet eh! Nag pose ako ng mga cute wacky at nung nasa huling shot na ay nagpose ako ng 'nagulat expression' samantalang si Kiefer ay kiniss ako cheeks at hindi sya nakatingin sa camera kaya ayun. Lumabas sa picture na parang nagulat ako dahil sa kiss sa cheeks ni Kiefer. Nanlalaki pamo ang mga mata ko nun. Ayan. Ang cute nung result!
"Nice..I like this pic. I'll keep it" tuwang tuwang sabi ni Kiefer. Asus! Natural cute yan dahil kasama mo ko eh. Hehehehe.
Tinignan ko yung relo ko ng makita kong 8:15 na. Literal na nanlaki ang mga mata ko.
"OMAYGAD! LATE NA KO NG 15 MINS!" sigaw ko sabay takbo at iniwan nalang si Kiefer na kakamot kamot pa ng ulo. Aish! kasalanan ng lalaking yun eh! Late na tuloy ako!
Agad agad akong dumiretso sa locker ko para kunin yung mga books na gagamitin ng may nahulog. Mga black envelopes na may red na red na ribbon. Kinuha ko iyon at binasa dahilan para manlaki at matakot.
Pumasok ako sa klase pero parang wala naman akong naintindihan dahil lutang ako. Natapos din ang klase ng ganun ang set up. Walang maintindihan. Nagtaka narin ang five flames at si Tintin dahil sa bigla biglang pag iiba ng kilos ko. Iniisip ko pa rin yung black envelopes na yun.
'Sapphire Klayne Mendoza you'll be dead soon.'
It is written using red ink at may kasamang picture ko na nakangiti na may guhit na malaking eks na sinulat gamit ang red ink.
It's scary lalo na nakaemphasize pa ang word na DEAD. Those letters...
Those are.....Death Threats right?~~~~~~~~~~~
Halaaaa...Konti na lang at matatapos na to. Ano kaya ang mangyayari? Sino yung nagpadala ng threats? Mamamatay kaya si Sapphire? Nasan na si Ace? Eh si Monica? Si Eliza naman bakit di na nagpaparamdam? Mapoprotektahan kaya ni Kiefer si Sap? Happy ending ba?Update for this Saturday.
BINABASA MO ANG
Innocent meets Leader [TO BE REVISED]
Teen Fiction[WILL UNDERGO MAJOR REVISION] Isang simpleng babae na may tahimik na buhay at nakilala ang limang lalaki na grabe ang kasikatan sa bansa..Ano na lang kaya ang mangyayari sa kanya? Lalo na kung..Nainlove sya sa isa sa mga lalaking minsan na nyang n...