Chapter 49 -Revealed-

12.8K 349 132
                                    

Hello! Iistorbohin ko ulit yung notification n'yo! Hahaha! Sinipag akong mag-update kaya 'eto na. 

Enjoy Reading!

Sapphire's point of view


Nagising ako nang makarinig ako ng malakas na kalabog ng pinto. Nanlalabo pa ang paningin ko dahil sa biglang pagdilat nang bigla  kong maalala ang nangyari sa'min kanina.

"Arghh.." mahina akong napadaing ng maramdaman ko ang sakit ng katawan ko. Pasimple kong iginala ang paningin ko nang makita ko ang isang tao na nakatutok ang baril kay Ace.

"What the..No!" napalingon sa'kin ang taong iyon nang makilala ko kung sino 'yon.

"A-anong ginagawa mo dito? D-diba nasa ibang bansa ka?" nagtataka kong tanong.  Nangilabot ako ng tumawa siya. Napakunot-noo ako dahil hindi naman siya ganyan tumawa. A-anong nangyayari? Lumipat ang tingin ko sa hawak niyang baril na ngayon ay nakababa na.

"B-bakit..bakit may hawak ka niyan? K-kailan ka pa natutong humawak at gumamit niyan?" Umigting ang kaba ko dahil parang ibang-iba siya ngayon. Parang hindi siya ang kaharap ko.

"Hi..little sis.

"Ate..tulungan mo kami! Nakidnap kami, ate! Tulungan mo kaming makatakas!" naiiyak kong sigaw pero nasuklian lang 'yon ng isang ngiti..nakakatakot na ngiti.

"A-ate?" 

"Sorry Sap pero hindi ko gagawin 'yan." inikot-ikot niya ang baril na hawak niya. Napalunok nalang ako ng bigla niya 'yong itinutok sa'kin. Bigla akong namutla dahil halos nakatapat ang baril sa ulo ko. 

Umupo siya sa bangko na nasa harapan namin. Sinulyapan ko si Ace ng makita kong wala pa siyang malay. Nangingiligid na ang luha ko dahil sa takot at pagkalito kung bakit nagagawa 'to ni Ate Jem sa'kin -- sa amin. 

"Anong..anong ibig sabihin nito, Ate Jem?!" hindi ko mapigilang mapasigaw pero nagulat akong ng bigla siyang nagpaputok ng baril habang nakatutok ito sa itaas. Halos mapasigaw ako dahil sa ginawa n'ya kaya tuluyan na akong napaiyak.

"Sapphire..Sapphire..Sapphire.."

"Tumigil ka na. Itigil mo na 'yan, ate! Bi-bitawan mo 'yang baril!"

Nagpaputok muli siya ng baril pero this time malapit na sa pwesto ko kaya napasigaw ko ulit ako saka umiyak nang umiyak. "Pwede ba? Tumahimik ka!"

"Ate.."

"H'wag mo akong tatawaging ate. Hindi naman tayo magkadugo! Tumahimik ka nga!" napatingin ako sa pwesto niya nang marinig ko 'yon. Napailing ako saka muling nagsalita, "Anong ibig mong sabihin d'yan? Magkapatid tayo, ate Jem! Magkadugo tayo!" 

"Mariah..Mariah Chen is my name.."

"A-ano?"

"Hindi tayo magkadugo, my dear little sis. Ampon ako ng mga magulang mo, naiintindihan mo ba?! Ampon ako!" 

"Hindi! Hindi totoo 'yan!"

"Shut the f-ck up!"

Tinignan ko siya pero nakita ko lang na para siyang nasisiyahan sa nakikita niya ngayon. Para bang nasisiyahan pa siya na nakikita niya akong ganito. Hindi kami magkadugo? Ampon siya?  Napailing ako at sinubukang alisin ang naiisip kong 'yun.

"Nalaman ko ang lahat 2 years ago. May lumapit sa'king babae noon habang naglalakad ako pauwi ng school at bigla akong niyakap." napakagat labi ako nang magsimula siyang magkwento. 

Jem's point of view

Bumalik sa'kin ang pangyayari ng araw na 'yon..

"S-sino po kayo?"

Innocent meets  Leader [TO BE REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon