MelodyPiece: Hello! Pasensya na kung ngayon lang nakapag update ha? Soooooobrang busy lang kase ako! Lalo na hell week last week! At salamat naman at wala akong bagsak. Im so soooorry sa mga naghintay ng matagal! So eto na ang new update! Enjoy reading! 1st part palang to at maikli lang
-Sapphire's Pov-
-Mendoza's residence-"Saaaaaap!"
"SAAAAAAPHIREEEEEE KLAYNE MENDOZAAAAAA!" rinig kong sigaw ng aking ate na si Ate Jem! Ansaket sa tenga grabe!
"Ano ba ate! Ang ingay mo!" balik kong sigaw. Anong oras na ba at nambubulabog na ang ate ko?!
Sinulyapan ko ang aking alarm clock gamit ang isa kong mata. Nakahiga pa ako at mahimbing na natutulog ng sumigaw si ate.
Sabado naman kase at walang pasok. Kaya oks lang kahit 9:00 pa yan.Time check: 11:32 am
Oh kitams? 11:3...WHAT THE?! 11:32 na?!
napabalikwas ako ng bangon...
Agad agad akong nag ayos ng sarili at nagtungo agad sa sala. At nadatnan kong....may mga maleta? Kanino?
Natanaw ko si Ate na papalabas sa kusina at nakabihis. Teka? Nakabihis?
Hindi nagtagal ay napansin nya din akong nakanganga sa kanya.
"Ate? W-what is the meaning of this?" nagtataka kong tanong habang nakaturo sa mga bagahe na nakaimpake.
Ate Jem smiled bitterly. Kinabahan ako.
"I'm leaving the country. Kinakailangan kong mag aral sa ibang bansa. Dun ko ipagpapatuloy hanggang sa makatapos ako. I'll be staying there for 3 years or more. I'm sorry sis"
"Pardon?" ang tanging nasabi ko.Dumating bigla si mama na galing hardin at mugto ang mata.
"Waah! Jemeiah (pronounced as Jemaya) mag iingat ka dun haaaa?!" wala pa man kami sa airport! Mama talaga. Kung sa bagay, sobrang lapit na naman talaga sa isat isa.
Tumango lang si Ate at napagpasyahan naming ihatid na si Ate sa airport. Hmmm...nakakalungkot shemay!
We bid our goodbyes to each other at tuluyan ng nakaalis si Ate Jem. Hindi narin kami nagtagal ni mama sa airport at napagpasyahan na naming umuwi.
Nakakalungkot talaga at kailangan pang sa ibang bansa si Ate mag aral. Hayy! Kalurkey!
Nakita ko ang phone ko na nakapatong sa study table ko. Kinuha ko ito at pinagmasdan when suddenly a text popped out.
Kumunot ang noo ko ng makitang number lang. What the hell?
From: 09*********
I told you layuan mo sya or else you'll be facing hell and I'll make sure you will be miserable including your friends and loved ones
kinabahan ako bigla para kay Ate. Ewan ko ba at napaparanoid na ako! 3 days...tatlong araw na ako nakakatanggap ng mga threats. Wala akong pinagsasabihan kahit si Tin pa.
Palaisipan pa rin sa akin kung sino ang nagpapadala ng mga ito sa akin. Wala namang may galit sa akin hindi ba? O may naiinsecure sa akin diba? Imposible namang trip lang to.Pero napansin ko lang...Sinong 'sya'? Sino yung taong kailangan kong layuan?
Ugh! Sumasakit ang ulo ko! Aish!
I dialled Tin's number pero hindi nya sinasagot! Ang bruha mukhang busy!
1:00 na ng hapon at tirik na tirik ang araw. Ang init! Shemay!
Napatingin ako sa bahay na katapat ng bahay namin. It was Kiefer's House. Hmm..Kasama nya ba ang mga magulang nya? Ano kayang itsura nila? Panigurado sosyalin sila! Teka nga lang.. bat napunta ang iniisip ko sa lalaking yun?! Aish!
Oo..mahal ko na sya at hindi ko maiwasang maisip na nanliligaw sya sa akin. Pero nahihirapan akong sagutin sya dahil siguradong may masasaktan, at si Ace yun.
Ace was my ex boyfriend at I forgave him pero my feelings for him..wala na. Mukhang kailangan ko ng magdesisyon!
Ang daming gumugulo sa isipan ko.
Yung threats,si Ace at si Kiefer. Hayy!
People are complicated ika nga nila.
Sasabog na ang ulo ko grabe!
*****
Alam kong maikli lang dahil sadyang putol yan. Susubukan kong mag update soon.
BINABASA MO ANG
Innocent meets Leader [TO BE REVISED]
Teen Fiction[WILL UNDERGO MAJOR REVISION] Isang simpleng babae na may tahimik na buhay at nakilala ang limang lalaki na grabe ang kasikatan sa bansa..Ano na lang kaya ang mangyayari sa kanya? Lalo na kung..Nainlove sya sa isa sa mga lalaking minsan na nyang n...