Chapter 42 -Back-

11.1K 350 16
                                    

Sapphire's Pov

Ilang araw...ilang araw na akong nakakarinig ng mga boses. Mga pamilyar na boses. Hindi ko alam ang nangyayari sa paligid ko pero nitong araw lang ako bumalik sa diwa ko. Siguro dahil nagising narin ako matapos ng ilang araw.

"Kiefer" sambit ko matapos kong makita ang taong pumasok sa pinto ng kwarto. Gulat siyang napatingin sa'kin. Nakanganga siya habang hindi makapaniwalang tinitignan ako.

Nasa ilang minuto na rin akong gising pero walang tao ang kwarto ko nung nagising ako. Alam kong nasa ospital ako dahil una, puro puti. Amoy ospital at yung dextrose at yung machine na nagdedetect ng heartbeat ko.

Mabilis lumapit sa'kin si Kiefer. Nakita ko na nangingiligid na ang luha niya. Gusto kong matawa pero hindi ko magawa. Hindi ko pa magawang magsalita. I smiled at him. Kahit mahaba ang tulog ko, I must admit na namiss ko rin ang taong 'to.

Napansin ko sa kaliwang kamay niya ang isang pendant. Napakunot-noo ako. Pamilyar sa'kin yan. Napangiti naman si Kiefer nang mapansin niya na tinitignan ko ang hawak niya.

"H-hey, I bought this for you" sabi niya. Napangiti ako. Naaalala ko na. Yan yung pendant na nadaanan at gusto ko. Yung sapphire pendant.

Mabilis niyang kinuha yung pendant mula sa box atsaka isinuot sa'kin. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko.Mabilis tumibok ang puso ko. Jusko. Kakagising ko palang ang bilis na ng tibok ng puso ko.

Ngumiti ulit siya sa'kin sa bumulong, "I love you". Naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko.

"You're blushing" sabi niya. Hindi ko alam kung anong trip ng lalaking 'to at iniinis na naman niya ako.

"Ah! I'll call Tita and Tin. Pati na ang five flames," tumango ako. Hinalikan niya muna ako sa noo saka lumabas. Iginala ko ang mata ko sa buong kwarto. Malaki 'to. Nakita ko rin sa isang table ang mga fruits at flowers na dinala nila sa'kin. I wonder kung ilang araw akong nakatulog.

Tinignan ko yung pendant na binigay sa'kin ni Kiefer. Ang ganda talaga nito. Nakakalunod yung kagandahan. Napangiti ako. Ang sweet talaga ng lalaking 'yon.

Ilang saglit pa bumukas na ulit yung pinto at pumasok na ulit si Kiefer. Umupo siya sa kama ko. Sa side saka ako pinagmasdan. Ngumiti siya saka hinalikan ang kamay ko.

"Anong nararamdaman mo?" tanong sa'kin.

Ngumiti lang ako saka bahagyang umiling. Gusto ko sanang tanungin siya kung ilang araw na akong nandito kaya lang ang hirap magsalita.

"Are you sure? Eh, ang ulo mo? Hindi ba kumikirot? Yan ang pinakamalalang injury na nakuha mo. Sino ba 'yong gumawa sa'yo niyan?" unti-unting nawala ang mga ngiti ko. Nakaramdam ako ng takot noong maalala ko ang ginawa sa'kin ng grupo ni Monica.

"H-hey! Shit! May masakit ba sa'yo? Damn! B-bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" nag hi-hysterical na banggit ni Kiefer. Kung wala lang akong nararamdaman o naaalala, baka kanina ko pa pinagtawanan 'yong reaction niya.

"Shit! Are you okay?" frustrated na napahilamos si Kiefer sa mukha niya pero wala siyang nagawa kundi yakapin ako. Nararamdaman ko ang pag-aalala niya sa'kin kaya kahit umiiyak ako, nagawa ko pa ring ngumiti ng kahit kaunti.

"ANAK!"

"SAPPHIRE!"

Napatingin kaming dalawa sa pinto at sabay pumasok si Mama, Tintin at si Ate Jem? Akala ko ba umalis na si ate?

"Oh Gosh! Gising ka na nga, Bestfriend!" sigaw ni Tintin at bigla akong niyakap ng sobrang higpit. Napatingin nalang ako kay Kiefer at nakita ko siyang nakangiti. Hindi ko alam kung bakit pero napangiti nalang din ako saka niyakap pabalik si Tin.

"Anak, jusko. Salamat sa Diyos at gising ka na!" napatingin naman ako kay Mama na ngayon ay teary-eyed na.

Sunod naman akong napatingin kay Ate na ngayon ay nakangiti lang at bahagya pa siyang kumaway sa'kin. Nginitian ko nalang siya pabalik habang hinahagod ko si Tintin. Naramdaman ko kasing umiiyak siya. Ganun na ba ako katagal bago nagising?

"Glad you're awake," nakarinig kami ng pagbukas ng pinto at sinalubong kami ng five flames. Si Rune yung nagsalita.

"Saaaap! We miss you!" bigla naman akong dinamba nila Renz at Steve ng yakap. Medyo napangiwi ako dahil don kaya naman nakatanggap sila ng batok mula sa tatlo at pinakamalakas ang kay Kiefer.

"May nararamdaman ka ba, anak? Teka, tawagin nyo ang doktor!" biglang sabi ni Mama kaya naman bigla nalang lumabas si Ate Jem para tumawag.

Umiling lang ako sa tanong sa'kin ni Mama. Ngayon ko lang din napansin na may dala-dala silang pagkain at mga bulaklak para sa'kin.

Bigla namang pumasok si Ate Jem kasama na 'yong doktor pati na ang ilang nurse. Agad-agad naman nila akong chineck kung maayos na ba ako.

"Good news, maayos na ang lagay ni Ms. Mendoza, gumagaling na rin ang ilang minor injuries na nakuha niya. Pero kinakailangan pa niyang mag-stay dito for atleast 2-3 weeks for observation sa ulo niya. Magsasagawa na rin kami ng ilang tests sa kaniya for her head injury too pero asahan niyong mabilis na siyang makakarecover," sambit ng doktor. Nakahinga naman kami nang maluwag doon pero masiyadong matagal ang 2-3 weeks sa'kin. Boring kaya sa ospital.

Umalis na rin yung doktor matapos akong icheck. Mabilis naman nila akong nilapitan at parang sobrang saya nila sa narinig.

"Narinig mo ba 'yon? Sa wakas, malapit ka ng madischarge! After almost 2 months! Yehey!" natigilan naman ako sa sinabi ni Tintin. Almost 2 months? Ganun ako katagal? Teka, nacomatose ba ako?

"Mabuti na nga 'yon, ngayon, kailangan nalang natin hanapin kung sino ang gumawa niyan kay Sapphire para maparusahan siya ng school," sabi naman ni Rune. Napatingin naman kaming lahat sa kaniya at tinignan naman nila ako pagkatapos.

"Oo nga no? Teka, madali na lang 'yon dahil gising na si Sapphire," sabi naman ni Renz habang nakatingin sa'kin pero agad naman siyang kinontra ni Kiefer. Sa usapan nila, muli akong nakaramdam ng takot kaya naman mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Kiefer na malapit lang sa'kin.

"Please saka nalang natin alamin kung sino 'yong gumawa nito kay Sapphire. She's not comfortable yet para pag-usapan natin 'yan dito mismo sa harapan niya. Tinanong ko na siya kanina pero wala siyang naging sagot at umiyak lang siya ng umiyak. Kagigising niya lang mula sa pagka-coma. Let her rest," mahabang sabi ni Kiefer. Bahagya akong natuwa sa narinig ko. Tama siya, ayoko pang pag-usapan muna 'yon.

"Kiefer's right. Pwedeng natrauma si Sapphire sa nangyari sa kaniya. Saka nalang natin alamin ang may kasalanan," singit naman ni Charles.

Lahat naman sila sumang-ayon at pumayag. Ngumiti nalang ako sa kanila at hinayaan naman nila akong magpahinga.

Muli akong napangiti, It's good to be back. Really

--

Sorry po sa matagal na update. Thank you sa pagbabasa :)

Innocent meets  Leader [TO BE REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon