chapter 9

3 3 0
                                    


Naka uwi na ako galing hospital and okay na ako, maliban lang sa tatlo Kung mga praning na Kaibigan, paano ba naman sinusundan ako Kung saan ako pumupunta

Excuse din ako sa school nanghihiram nalang ako ng notes nila Helen para naman pagdating ng finals ay may masagot ako

Kating kati na akong Makita si Hailey
Di ko talaga sinabi sa kanila Kung ano Ang totoong nangyari.

Nasa Sala kami ngayon nanood ng Mr. Bean
Ewan ko sa Kyla na ito Ang hilig hilig ng mga ganito Kung di naman Mr. Bean eh pororo
At Kung ano ano pang movie na pang bata

" Ano ba naman yan kyla! " Bored na sigaw ni ricel yeah she's bored lahat kami dito bored maliban Kay Kyla na nasisiyahan sa pinapanuod,
" Akin na nga yang remote maghanap Tayo ng something wild, something hot " Sabi ni helen at sabay silang naghagikhikan ni ricel

Ewan ko ba Kung inosente lang ba talaga ako or sadyang di ko lang gets, tiningnan ko sila ng nagtataka na tingin
" Lah feeling inosente teh? " Panunukso ni helen
" Ano ba! Eh sa Hindi ko nga alam! "
" Sex mov--- arayyy parang tanga naman oh " pagalit na hasik ni ricel dahil binato ko siya ng throw pillow at sapol sa mukha
" Yang mahalay na bunganga mo " inirapan ko siya

" Ayyy may chika pala kami sayo Rhian "
Pagsingit ni Kyla
" Ano naman? " Tanong ko sa kanya
" Kasi kanina si Hailey nakita namin magkasama na naman sila ni gello " Yung Boses niya habang sinasabi niya iyon ay parang nagsusumbong
" Ay oo nga kanina halos buong maghapon magkasama sila, may mga rumors nga na kumakalat sa university nanliligaw daw si gello Kay Hailey? " Nakiki-usyusong sabat ni ricel
" Tsk buhay ng tao pinapakialaman niyo, oh eh ano ngayon Kung nagliligawan sila uunlad ba Tayo? Yayaman ba Tayo? Uunlad ba Ang sambayanang pilipino? Gaganda ka ba? Magkakaroon ka ba ng power? Hindi Kaya tigil tigilan nyo yang mga pakiki-alam nyo sa buhay ng may buhay Sabi nga nila mind your own business " naiinis na lintaya ko, nakakainis lang sa Hindi malamang dahilan ano bang nangyayari bat naiirita ako?

" Galit na Galit teh?  ikalma mo atay mo "
Inirapan ko lang siya at pumunta ng kusina para kumuha ng yakult pero ng pagbukas ko Wala na akong makitang yakult, naubos na? Bibili nalang siguro ako sa labas
Kaya umakyat ako sa taas para Kunin Ang wallet at phone ko tsaka jacket na Rin Kasi malamig na sa labas

" Oh saan ka? " Tanong ni ricel
" Sa labas lang bibili ng yakult naubus na eh, babalik ako ka agad " pag pa alam ko sa kanila
" Yeah right Rhian is not Rhian without yakult, go balik ka agad ah " kumaway lang ako tsaka na lumabas, malapit lang naman Yung store dito Kaya don nalang ako

Habang naglalakad ako napatingin ako sa taas Ang daming butuin, they look so beautiful tapos Yung moon pa Ang ganda!
Pumasok ako sa store at bumili ng yakult
Nagbayad at lumabas na

Di ko pa bet Ang umuwi, daan muna Kaya ako sa park, Yun nga Ang ginawa ko
Umupo kaagad ako sa duyan at uminom sa yakult ko,
Medyo matao ngayon may mag jowa na naupo sa gilid, may mga nag s-skate tapos may mga batang naghahabulan
Nakita Kong may nadapa na bata umiyak ito Kaya nilapitan siya ng nanay niya at pinatahan

How I wish maranasan ko Ang ganyan, how I wish na andito si mama, Sana kompleto kami, edi Sana di masama Ang loob ko Kay papa, edi Sana di ako natutulog ng new year dahil Wala akong pamilya na maka celebrate,

Last year umuwi si ricel sa London dahil don nakatira Ang whole family niya siya lang Ang andito, si Helen naman lumabas ng bansa with her family, si Kyla umuwi ng Korea
Ako nalang Ang natira walang kasama Helen invite me to come with her pero umayaw ako Kasi nga baka masira ko Yung family bonding nila sinabi ko nalang na pupunta ako ng Australia at makiki new year with dad and kuya pero Hindi nasa bahay lang ako nagkulong at natulog buong new year

I hope I can find my mom as soon as possible, as soon as my 1 year End
Oh god please help me
Naka tingala ako habang nanghihingi ng tulong
Ng naramdaman ko na may umupo sa Katabing duyan ko nilingon ko ito and to my surprise it was gello who was looking at me intently
At heto na naman Ang puso ko humuhataw na naman sa pag kabog
Naka hoodie siya ng black at naka jogging pants nagka titigan kami
Sobrang awkward Kaya binaling ko sa iba Ang tingin ko

" Why are you here? Gabi na ah? "
Tanong niya
" Ahmm bumili lang ako nito " sambit ko sabay wagayway ng dala Kong yakult
" Gusto mo? " Pag aaya ko
Umiling lang siya
" Ikaw anong ginagawa mo dito? Gabi na ah? " Panggagaya ko sa tanong niya kanina
" Nagpapahangin lang, but then I saw you, how are you? " Tanong niya sa akin
" I'm ok na, siguro pwede na akong pumasok bukas " sagot ko naman habang Ang tingin ko ay nasa mga batang naglalaro kasama ng Magulang nila

Tuwing Gabi dito maraming namamasyal lalo na Ang mga bata pinapasyal sila ng Magulang nila
" Ang ganda nilang tingnan noh, makikita mo talagang happy family sila " nakangiting sambit ko
" Alam mo nangarap akong magka ganyan " kwento ko sa kanya, Hindi ako pala kwento lalo na sa taong di ko kilala pero heto gusto Kong mag kwento Kay gello Ewan ko ba

" Bakit naman? Don't you have your family? " Tanong niya sa akin
" Yes I have my family, I have my father pero di naman kami in good terms, I have my brother but he's busy tapos minsan di kami nagkakaintindihan "
Pagkukwento ko
" How about your mother? " Tanong niya

Tumingin ako sa kanya at ngumiti
" I don't know where is my mother right now, when I was a kid umalis siya nangakong babalikan niya kami, but dumating Ang buwan araw at naging taon di siya bumalik, alam mo yon nakakapagtaka lang na di man lang hinanap ni dad si mommy, at si kuya parang Wala sa kanya Ang pag alis ni mommy, parang ako lang Yung nasaktan sa pag alis ni mommy,
That's why ngayong malaki na ako ayokong mag tiwala, Kasi nung nagtiwala ako sa sinasabi ni mommy na babalik siya nasaktan lang ako, Kaya ayoko sa mga salitang pangako Kasi the last time I check Yung taong nangako sa akin di niya tinupad,
Pero alam mo Yung nakakatawa kahit gaano ako kagalit ni mommy sa pag iwan at sa di pag tupad ng pangako niya pinahanap ko parin siya, gusto ko parin siyang Makita, gusto ko parin maramdaman Ang yakap niya " naka yukong pagkukwento ko
Naramdaman ko nalang na umiyak na pala ako,Kaya Dali Dali ko itong pinahid
" Ayyy ano ba Yan napaka drama " natatawang sambit ko

Habang pinupunasan ko Ang mga luha ko nakita ko si gello sa harap ko naka lahad Ang kamay, Ewan ko pero kusa ko nalang inabot yon, pagka abot ko non pinatayo niya ako at yinakap nagulat ako sa ginawa niya
" You don't need to smile when you know your in pain " pagsalita niya habang naka yakap sa akin, at parang gartilyo ito na bigla nalang kinalabit dahil Doon na bumuhos Ang emosyon na pinigil -pigilan ko
" Hindi mo kailangan magpanggap na ok ka lang Kung alam mo naman na Hindi ka ok,
Hindi mo kailangan tumawa Kung Ang kinakailangan mo ay Ang umiyak, Hindi mo kailangan itago Ang sakit alam mo Kung anong kailangan, Ang ilabas," sambit niya habang hinahagod Ang aking likuran animong pinapatahan ako pero mas lalo lang lumabas lahat ng emosyon ko
" Di ako maka paniwalang sa mga ngiti na pinapakita mo sa mga taong naka paligid sayo ay kaakibat Don Ang sakit  " pinakawalan niya ako at hinarap inayos niya Ang takas Kung buhok at ini-ipit sa likod ng aking Tenga habang humi-hikbi ako
" Kung patuloy Kang manirahan sa nakaraan, patuloy ka paring maka ramdam ng sakit hayaan mong maka alis ka sa nakaraan at harapin Ang kasalukuyan
Magtiwala ka ulit "
Pagpapatahan niya sa akin habang pinapatuyo Ang aking luha

_______________________________

CHASING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon