chapter 35

1 1 0
                                    

" Hoi anyare sayo kanina? " Tanong ko Kay gello

Magkatabi kaming naka upo habang nakasandal sa malaking Puno dito sa green garden

Dito namin naisipan tumambay walo para sa free time namin

Hayyy mami-miss ko to

" Wala " tanging sagot niya

Wala dito Sina Kyla at Ralph andon sa canteen sila nalang daw bibili ng makakain

Sina Matthew at ricel naman pinatawag ni sir Casio di ko alam Kung bakit

At si Helen at Kian ayon naghahabulan na parang bata

" Anong Wala eh bigla bigla ka nalang nag wa-walk out " nakanguso Kong sambit sa kanya

" Napaka manhid mo talaga " he murmured ngunit di ko maintindihan

" Ha? " Tanong ko sa kanya

" Wala " sabay lihis ng tingin sa akin

Ano ba kasing problema niya aishhh nakakairita

Gutom na ako, asan na ba sila?

Tumayo ako at pinagpagan Ang palda ko

" Saan ka pupunta? " Tanong ni gello sa akin

" Sundan ko lang sila Kyla at Ralph Ang bagal nagugutom na ako " paalam ko sa kanila Saka naglakad na palayo

Dadaan nalang ako sa lumang faculty room para mas madali akong makarating sa canteen

Habang naglalakad ako sa may lumang faculty room ay nakita Kong naka bukas Ang pinto nito

Mahigpit na ipinagbabawal ng haramyez university Ang basta-bastang pagbukas ng pinto dito

Bali-balita dati na may pagpatay Ang nangyayari dito Kaya ipinasara at gumawa nalang ng bagong faculty room

Ngunit ayon naman sa Iba Hindi naman daw totoo yon at Ang totoong storya sa likod nito ay dahil masyado na itong luma para sa mga guro Kaya pinasara at pinagawan ng bago Kaya Ang nangyari naging tambakan na ito ng mga sirang upuan, lamesa at Kung ano ano pang mga sira

Nakakatakot minsan dumaan dito pero Wala akong Choice nagugutom na ako

Magpapatuloy na Sana ako sa paglalakad ng may marinig akong parang natumba na upuan

Baka nga siguro may pumapasok dito, pero sino?

Dahil na Rin sa curious napag isipan Kong silipin Ang loob

Silip lang di ako papasok

Pagka dungaw na pagka dungaw ko palang ng aking ulo ay may isang pwersa Ang humablot sa aking at tinakpan Ang aking bibig gamit Ang isang panyo

Pinipilit Kong maka Wala ngunit masyadong malakas Ang nakahawak at nararamdaman kong parang nahihilo ako at inaantok

Pinipilit Kong labanan Ang antok ngunit parang nawalan ng lakas Ang buong katawan ko at bumigay hangang sa binuhat niya ako bridal style

Ngunit bago pa tumiklop Ang talukap ng aking mata ay nagawa ko pang silipin Kung sino Ang taong bumuhat sa akin

" Anong ginagawa mo..."

*********

Kyla POV

" Andaya mo talaga sabi mo Wala nang fries! " Inis Kong bulyaw Kay Ralph

" Wala na nga " inosente naman niyang sagot

Binatukan ko siya Kaya halos matapon na yung mga pagkain na dala niya

CHASING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon