chapter 34

1 1 0
                                    

" Juskooo anong nangyari? "
" Grabe si gello na ba talaga?"
" Owemji tingnan mo nga naman akala ko ba di ka ma fa-fall don scammer ka hahaha "

Kaka-pasok ko palang sa gate ay sinalubong na agad nila ako gusto nga daw nilang magkwento ako tungkol don kagabi

Actually kagabi pagkatapos naming kumain saglit ng street foods ay inihatid niya ako pauwi sa Amin

Oo sa Amin

Kinausap niya ako and to my surprise napapayag niya ako na umuwi na Ang totoong Plano naman talaga ay di ako uuwi at sa apartment nalang  mag stay.

" Wala nga aksidente lang na nakita niya ako Kaya ayon " sagot ko sa kanila at umupo na sa upuan ko sumunod naman sila kaagad at di pa nga inilapag Ang bag ay humarap na ulit sila sa akin

" Pero totoo talaga? Kayo na? Or nanliligaw pa? " Ngingiti ngiting tanong ni helen

" Hindi " maikli Kong sagot
" Anong Hindi? " Tanong naman ni ricel
" Hindi as in Hindi nanligaw, Hindi kami "
Sagot ko sa kanila

" Ayyy bat parang may na se-sense akong isang parang panghihinayang " pabiro niyang sambit sa akin

"Ha Hindi ah "sambit ko ka agad
" Oi defensive!! " Pangaasar nila sa akin

Umiling iling lang ako sa kanila parang mga baliw

" Ok class! " Pag agaw ng atensyon ni sir Casio kasama niya Ang 4hb

Kumaway sila sa Amin bumabati, kinawayan din naman namin pabalik ngunit binubunggo ako sa balikat ni helen ng dumaan sa gilid ko si gello, di ko nalang sila pinapansin bagkos ay itinuon ko nalang Ang tingin ko sa harap

" Alright so I would like to congratulate all of you please give a around of applause for you all " sabay panguna ng palakpak at dumagundong na nga Ang palakpakan at syempre Ang mga ingay ng boys

" Ok quiet , today I will announce the students who had a academic awards " naka ngiti si sir Casio habang inaanunsyo ito

May dalawang bond paper siyang kinuha sa Plastic envelope na dala niya siguro dito naka lagay Yung mga awardees

" Ms. Rhian and Mr. Gello can you both put this in the bulletin board na nasa likod ninyo? " pag uutos ni sir Casio sa Amin

" Rhian you're for the girls and gello you're for the boys " tumayo kaagad kami at kinuha Ang result

Sabay kaming naglakad ni gello papuntang bulletin board na nasa likod lang

Pagkatapos Kong mailagay Yung sa girls ay umupo na kaagad ako syempre di mawawala Yung simpleng panunukso ni helen sa akin

" For those students na Hindi nasama sa  mga mabibigyan ng awards still pumunta parin kayo sa graduation and congrats parin dahil you all did great, kahit napaka hirap nyong turuan napaka sakit niyo sa ulo dahil may iba sa inyo na laging late, pero Wala sa inyo Ang maliit Ang score tuwing exam, natapos niyo sa wakas Ang senior high at aabante na kayo wag niyong kalimutan
Na mag aral ng mabuti para maganda Ang kinabukasan ninyo ngunit kailanman huwag kalimutan na ingatan Ang inyong kalusugan, ilang araw nalang at magkaka hiwa-hiwalay na Tayo maraming salamat, muli congratulations sa inyo! " Mahabang pahayag ni sir Casio at nagpalakpakan kaming lahat nakita ko pang nagpupunas ng luha si Kyla Kaya tinawanan pa namin siya

Si sir kapag tingnan mo siya sa panlabas na anyo strikto siya , ngunit kapag tingnan mo siya sa pangloob na anyo mabait at busilak Ang kanyang puso, minsan nakakainis Yung mga policy niya pero sa kabilang Banda matututo ka

" Ok that's all dismissed " sambit ni sir at paglabas niya ay nagsitakbuhan na Ang mga kaklase ko papuntang bulletin board syempre di kami papahuli

CHASING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon