chapter 51

0 0 0
                                    


Right this moment Halo Halo Ang nararamdaman ko, kaba at pagka excite.

Nakatitig ako sa repleksyon ko sa salamin habang suot Ang dress at sa kamay ko naman Ang toga na susuotin ko mamaya sa graduation, I take a deep breath while scanning my look.

Nabigla ako sa sigaw ni Kyla Kaya muntik ko ng matapon sa kanya Ang dala Kong toga
" Ano ba! " Sigaw ko ngunit Ang Gaga tumawa lang " Omo! Ang ganda!! Ikot ka nga " utos niya Kaya umikot din ako
Pumalakpak siya habang tuwang tuwa akong tinitigan

" Mas lalo siyang magkakagusto sayo niyan " tuwang tuwa niyang Sabi Kaya naguguluhan ko siyang tiningnan
" Sino? " Tanong ko ngunit natahimik siya na para bang may na realize
" A-ah y-yon? Wala yon Ano ka ba Ikaw Kung ano ano na naririnig mo " aniya sabay tawa pa Kaya nakakunot nuo ko siyang tinititigan
" Alam mo Ikaw masyado Ka ng naabnoy Ewan ko sayo " irita Kong sambit sa kanya Kaya tatawa tawa lang siyang umupo sa kama

Nilapag ko sa kama saglit Ang toga para ayusin Ang buhok ko
" Hayyyy finally ito na nga graduate na Tayo " aniya habang maayos inilatag Ang toga ko sa kama
" Tayong apat merong academic awards alam mo napaka saya ko habang kinuwento ko Kay eomma at appa na graduate na nga Tayo " pagkukwento niya sa akin at lumapit para siya na Ang mag ayos ng buhok ko hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya.

" Pero sino Ang pupunta sa stage para sa awards mo uuwi ba sila tita at Tito? " Tanong ko sa kanya ngunit nakangiti lang siyang umiling iling
" Ha? Edi sino Ang lalakad sayo sa stage? " Tanong ko, tinigil niya Ang pag ayos ng buhok ko at tumingin sa akin sa salamin
" Kayo, ok lang naman siguro sa inyo " nakangiti niyang sambit, imbes na pakitaan siya ng awa ay ngumiti ako ng malawak, ayaw na ayaw niya Ang kinakaawaan siya, ayaw na ayaw niya Makita Ang mga tao sa paligid niya na na-aawa sa kanya
" Oo naman! " Maligaya Kong sagot tumawa siya Saka bumalik sa kanyang ginagawa

In how many years naming pagkakaibigan kilalang Kilala ko na sila Hindi lang sa pangalan nila kundi sa mga galaw nila, base Kay Kyla palatawa yan, magaling magpasaya ng tao, kapag Galit Yan nanahimik pero kapag napupuno masakit magsalita, kapag naman nalulungkot siya ngumingiti pero Kita mo Yung lungkot sa mga mata niya, minsan ko na Rin naririnig si Kyla sa kwarto niya na umiiyak ngunit kinabukasan sobrang sigla niya na para bang di namin ma reach Yung kasiglahan niya, don ko napansin na Yung pinapakita niya kaninang Umaga lahat ng yon may kwento. At ito na nga Ang kwento di makakauwi Ang magulang niya sa importanteng araw ng buhay niya bilang estudyante.

Pagkatapos naming mag ayos ay nagsi babaan na kami dala Ang toga na don nalang namin susuotin pag nasa school na kami, nasa Sala kami habang nagpupurihan sa mga dress na suot namin
" Oy teka syempre di mawawala Ang selfie! " Sigaw ni ricel Kaya nagtake kami ng selfie para sa aming apat
" Teka let's take a wonderful picture with
My polaroid " imporma ko sa kanila at nagtake kami ng apat na take para Isa Isa kami ng kopya ng pictures.
" Let's hold this forever, a great memories " nakangiting Ani ni helen habang nakatitig sa picture Kaya napagaya naman kaming tatlo sa kanya

" Malapit na Ang time Dali alis na Tayo baka malate  Tayo sa graduation natin " Aya ni Kyla Kaya nagsitanguhan naman kami at pinulot na Ang kanya kanyang toga at gamit.

Habang nag lo-lock ng pinto si ricel ay dumiretso naman sa garahe si Kyla para ilabas na Yung dapat naming sakyan papuntang school
" Pupunta ba si tita mamaya? " Tanong ni helen sakin
" Ewan ko, Ikaw? Sino pupunta sayo " tanong ko naman pabalik sa kanya
" Hmmm si pinsan lang " sagot naman niya
" Si Zion? Bakit? " Tanong ko
" Busy sila mama at papa they're out of Town again " walang gana niyang sagot
Kaya napaisip ako maybe si kuya lang din Ang pupunta mamaya o baka Wala ngang pupunta

Habang bumabyahe kami ay iniisip ko Kung sino Ang pupunta sa stage para sa awards ko, di ko nasabi Kay kuya josh na graduation namin ngayon di ko pa Kasi siya kayang eh contact Ewan ko pero parang sinasabi ng sarili ko na di naman ito masyadong importante Kaya di ko nalang sasabihin.

CHASING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon