chapter 48

0 0 0
                                    

Akala ko madali lang Ang lahat kapag nakita ko na si mama, kapag nasagot na lahat ng mga tanong ko

Ngunit nagkamali ako....Hindi madali Ang lahat, akala ko Yung pag alis lang ni mama Ang problema ko, Hindi pala.

Dahil sa oras na ito di ko alam Kung hihinga pa o Hindi na, dahil habang naka tingin sila sa akin ay may pagdadalawang isip na makikita sa Mukha nila.

" Sino ako? Anong totoo Kong pagkatao? " Tanong ko sa kanila, tumikhim Ang babae na katabi ni Felix tiningnan ko siya ngunit ibinalik din kaagad Ang tingin Kay mama

" Sagutin niyo ako " Ani ko, dinig ko Ang pag tikhim ni tita Gabby
" Straight forward I see " Ani ni tita Gabby binaling ko Ang tingin sa kanya
" Bakit? Diba sinabi niyong magtanong ako, Yan Ang tanong ko sagutin niyo " sumbat ko sa kanila

Tahimik sila at para bang walang balak na sagutin ako, nag-init Ang ulo ko sa mga kilos nila. Naikuyom ko Ang aking kamao at pilit pinipigilan na magwala

" Sagutin niyo ko " nagtitimpi kong tanong, ngunit di ako nakatanggap ng kahit na anong sagot. Tiningnan ko sila Isa Isa at pawang silang lahat ay naka Yuko maliban Kay mama at papa

Ang lakas ng loob nilang sabihin na pwede na akong magtanong ngunit di nila ako sinasagot!

" Bat di niyo ako sinasagot? Naging pipi na ba kayo?! " Galit Kong tanong sa kanila, hinawakan ni kuya josh Ang kamay ko na nakakuyom sa ibabaw ng mesa
" Sabihin niyo nga sa akin masyado bang mahirap Ang tanong ko? " Mahinahon Kong tanong
" Sige I will make it easy, Sino si lyra? Anong connect ko Kay lyra? " Tanong ko na nagtitimpi

" Rhian " tawag sa akin ng aking ama
Tiningnan ko siya ng Galit na tingin
" Di niyo Rin iyan masagot? " Tanong ko nagsimula ng magliyab Ang Galit sa loob ko, di ko na mahawakan Ang aking Galit at tinampal ko Ang mesa na naglikha ng malakas na ingay.

Tumayo ako ng biglaan na naglikha din malakas na ingay galing sa upuan
" Bigla nalang bang nawalan kayo ng Boses?! Gaano ba kahirap sabihin Ang totoo sakin! Hanggang kailan niyo ko gawing tanga! Pati sa sarili Kong pagkatao di ko alam! " Sigaw ko sa kanila, nakatingin silang lahat sa akin

" Anak makinig ka " panimula ni mama na ngayon ay nakatayo na Rin
" Ano?! Sabihin niyo na! " Sigaw ko dahil sa Galit
" Rhian anak Hindi ko alam Kung saan magsisimula " naiiyak niyang sambit, napabuga nalang ako ng hangin sa kawalan
" Ngunit anak sasabihin ko Ang tungkol sa buhay mo " aniya napatingin ako sa kanya
" Basta ipangako mo na pakinggan mo lahat ng sasabihin ko wag na wag Kang mangunguna hmmm " tugon niya nakatitig lang ako sa kanya

" Ate " tawag ni tita Gabby, tiningnan ko siya at kaagad ding binaling Ang tingin Kay mama
" Rhian Ang totoo, Hindi talaga Rhian Ang pangalan mo " naiiyak niyang sambit, naghihintay ako sa susunod niyang sasabihin

" Hindi talaga Rhian Jimenez Ang pangalan mo " si Tito Ronald na Ang nagpatuloy ng sinasabi ni mama Kaya sa kanya ko binaling Ang aking tingin

" Ng malaman namin na Ikaw Ang pakay ng mga kalaban binago kaagad ng mama mo Ang pangalan upang di ka nila matukoy " pagpapaliwanag pa ni tito nasa kanya lang Ang lahat ng atensyon ko

" Hindi Rhian Ang pangalan at lalong Hindi Jimenez Ang apilyedo mo kundi Ikaw si lyra Maia tolentino " sa pag bigkas ng pangalan na iyon galing sa bibig ni Tito Ronald ay nawalan ako ng lakas

Ewan pero malakas Ang Tama nito sa akin, sa sobrang lakas ay napaupo ako pabalik sa upuan, sinubukan akong lapitan ni mama ngunit pinigilan siya ni Felix
" Ang tatay mo ay si Leonardo tolentino na namatay sa car accident na Hindi naman talaga accident yon ay kagagawan ng mga kalaban " pagpapaliwanag pa ni tita Gabby

Ngunit di iyon Ang naging laman ng utak ko, kundi Ang pagka bunyag ng tunay Kong pangalan, masakit sa parte ko na nabuhay akong Mali Ang pangalan pero ang mas masakit tinago iyon ng pamilya ko.

" Nung nasa 5 taong gulang ka sila namatay, namatay sila sa car accident habang bumabyahe pauwi galing states, at yun Ang Plano ng mga kalaban, ngunit akala nila ay makukuha na nila Ang yaman ng tolentino sa pamamagitan ng pag patay ngunit Nagkakamali sila dahil ayon sa last will and testament ng dalawang matanda ay makukuha lahat ng Mana sa apo na ipapanganak ng August which is Ikaw rhian I mean lyra " pagpapaliwanag ni tita Gabby

Nakuha Ang atensyon ko sa sinabi nila, bakit may pagpatay para sa kayamanan

" May I ask? Sino Ang tinutukoy niyong kalaban?? " Tanong ni kuya josh, yon din Ang tanong ko
" Ang nakakatandang kapatid ni  Leonardo tolentino  gahaman siya sa Pera, akala niya walang makakakuha at makaka-agaw ng mana dahil buong akala niya siya lang Ang mapapamanahan dahil ayaw tumanggap Ang daddy mo ng kahit anong yaman galing sa Lolo at Lola mo  " pagpapatuloy ni mama

" Nung ipinanganak ka nuong august 11 don siya mas nabulabog ng malaman niyang 2 bahay at lupa lang Ang makukuha niya sa mana dahil halos lahat ng Ari-arian ng grandma at grandpa mo ay sayo lahat ipinangalan, nung na aksidente Ang papa mo at namatay sayo din ipinangalan Ang kompanya na bigay ng Lolo sa daddy mo kahit di nito alam. ngayon ay si Tito Ronald muna Ang pansamantalang CEO ng kompanya dahil Wala ka pa sa right age kapag pwede ka na ay maari ka ng umupo bilang CEO ng kompanya. " Mahaba habang paliwanag ni mama

Napatanga ako ganon kalaki?!, Di ko alam Kong matutuwa ba ako dahil may magandang trabaho ng naghihintay sa akin o magagalit dahil bakit binigyan ako ng malaking paghihirap ng Lolo at Lola ko.

" Anak kumikilos na sila ngayong alam na nila Kung sino talaga si lyra " naiiyak niyang sambit sa akin
" Alam ko Ang mga kasalanan ko handa akong bumawi sayo anak Basta sumama ka lang samin "pagmamakaawa niya pa

Binalingan ko si kuya na nasa gilid ko
" Ibig sabihin Hindi ko kapatid si kuya josh? " Tanong ko, napatingin sa akin si kuya josh natahimik sila ulit

Binalingan ko sila ng tingin Saka nagtatakang tiningnan sila
" Hindi, anak niya siya sa una niyang asawa " pagpapaliwanag ni mama sabay turo Kay daddy na naka upo lang at tahimik na naka tingin sa akin
" Nagkakilala kami nung tumakas Tayo sa bahay Ng mga tolentino nakita niya ako sa daan at tinulungan na magtago, he even help me to change your name and surname, from lyra Maia tolentino to Rhian Jimenez " aniya pa at mas lalo akong nanghina

All this time walang saysay Ang Galit ko sa kanya bagkos ay dapat magpa salamat pa, binalingan ko ng tingin si kuya josh nginitian niya ako at umupo sa bakanteng upuan paharap sa akin
" Alam ko, pasensya na at di ko nasabi sayo, pasensya na at di ako naging maayos na kuya sayo, di ko alam na nasasaktan ka na pala habang patuloy kitang pinoprotektahan, patawarin mo si kuya " he said while cupping my face

Di ko alam na umiiyak na pala ako ng naramdaman ko Ang likido na tumutulo sa pisngi ko
" I'm sorry, I'm harsh to you, I disrespect you and I'm being rude to you everytime I'm mad " paghihingi ko ng paumanhin
At naiyuko na lamang Ang aking ulo

He hugged me and even kissed my head
I felt very lucky to have him as my brother. Kahit di ko siya totoong kuya ay ramdam ko Ang totoong pagmamahal niya kahit na minsan nakakairita siya at nakakainis di siya nagkulang sa pagmamahal niya

Naramdaman Kong may humahaplos sa likod ko tiningnan ko Kung sino at nakita ko si mama, bumitaw ako sa pagkakayakap at tiningnan si mama
" Anak " naiiyak niyang tawag at akmang yayakapin ako ngunit agad akong tumayo

Kahit na may mga explanation na siyang nilalapag di ko parin siya mapatawad sa lahat ng ganon kadali, nandito parin Ang Galit sa puso ko.

" Hindi madaling magpatawad ma lalo na't masakit Ang dinulot mo sa akin. Give me some time to think all of it " Ani ko habang patuloy sa pagtulo Ang luha ko sa pisngi

Tiningnan ko silang lahat at dumapo Ang tingin ko Kay Felix.
Ngayon ko lang naintindihan Ang lahat na Hindi coincidence Ang pagkikita namin kundi isang Plano

Ka ano- ano ko Kaya siya sa buhay ko

" Ikaw " tawag ko Kay Felix, napatingin siya sa akin at Kita ko sa mga mata niya Ang awa

Putanginang awa Yan

" Anong papel mo bakit ka andito? " Tanong ko at mukhang na offend siya at Ang babae sa gilid niya sa sinabi ko dahil nagiba Ang titig nila.

___________________________

CHASING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon