chapter 56

0 0 0
                                    

Masaya kaming gumising sa umagang ito, dahil nga ngayon mag sisimula Ang
Masayang araw namin sa bakasyong ito

Kaso nga lang bigla akong nairita ng may gusto silang pasuotin sa akin
" Ito nga dapat suotin mo beh, Wala namang ibang makakakita sayo sa labas Tayo Tayo lang eh " pangungulit ni helen sa akin
" Ayaw ko nga Yan pwede na tong t-shirt tsaka itong short " pagmamatigas ko
" No! Hindi ka namin palalabasin dito pag di mo sinuot Yan " Kung patigasan ng ulo isalang niyo Kaming apat

" Yoko nga, tsaka tingnan niyo nga yang ipapasuot niyo sa akin halos gusto niyo na akong pahubarin " Ani ko
" Judger ka! Swimsuit to beh ignorante ka lang " Saad ni ricel sa akin
" Ah Basta ayoko! Kahit na Ano pa Yan pasuotin niyo ako ng kahit ano wag lang yang swimsuit na Yan! " Pagmamatigas ko talaga

Napabuntong hininga silang tatlo sabay sabay
" Ganito nalang ito nalang simpleng bra tsaka underwear lang to " sabay pakita ni Kyla sa akin Ang isang bra then underwear na kulay black

" Tapos patungan mo nito " sabay bigay din sakin ni helen ng isang white see through cardigan, medyo napanatag Ang kaluluwa ko sa gusto nilang ipasuot sa akin " ok na? " Tanong ni ricel
" Sige na nga labas na kayo! " Pagpapaalis ko sa kanila, napasuntok sila sa kawalan na para bang nanalo sila sa isang kaso

Mga sira!

Helen's POV

Nakaupo Kaming tatlo dito sa kama dahil hinihintay namin si Rhian na lumabas suot Yung binigay namin sa kanya

Napaka ignorante sa mga swimwear, lagi siyang ganiyan pahirapan pasuotin ng bikini, buti na nga lang napapayag namin siya ngayon
" Ang tagal naman ng Gaga " Ani ni ricel
Habang may ka text sa selpon niya
" Ngeee miss mo Lang si Matthew eh " panunukso ni Kyla Kaya natawa ako
" Konti " pabebeng Ani ni ricel Kaya nandidiri ko siyang tiningnan

" Ampanget mong ma Inlove " diritsahang Ani ko
" Inggit ka lang dahil Wala ka pang nabingwit na sayo akala ko ba matinik ka parang humina yata Ang power mo beh " panunukso ni ricel sakin, I just raised my real and precious kilay
" Duhhh I'm just taking a rest nakakapagod mag laro Kasi eh " I said she then laugh
" Bitch " aniya Kaya natawa ako

Natural na sa Amin Ang mga ganito, Kung sa iba masasaktan sila pag ginaganyan ng Kaibigan nila kami Hindi natural lang Yan sa amin

Nakuha ni Rhian Ang atensyon namin ng magsalita siya
" Ah guys " tawag pansin niya napabaling naman kami sa kanya
" Hot momma " bulalas ni ricel
" Ang init Rhian " puri naman ni Kyla

She's definitely gorgeous and hot wearing this bikini na pinatungan niya ng cardigan na binigay namin sa kanya
She put her hair into a messy bun, nababagay din sa kanya Ang kulay ng bikini sa kulay ng kanyang skin

" Sabi ko sayo dapat nag t-shirt nalang ako tsaka short " pagrereklamo niya
" Shut up let's go you look fine and sexy be confidence " Sabi ko sabay ayos ng cardigan niya kahit maayos naman na

" Be a seducing woman right now rhian " I encourage her to gain more confidence
" Sira " at tinawanan ako

Rhian's pov

Habang naglalakad kami pababa upang lumabas para mag swimming na ay na co-conscious ako sa suot ko lalo na ng Makita ko ng nasa labas na Ang boys

Hindi ako sanay na naka balandra Yung skins ko

Ng tuluyan na kaming Maka labas ng pintuan ng bahay ay sumalubong sa amin Ang hangin at Ang sikat ng araw na dumadapo sa balat  namin

Ng ilang hakbang nalang kami sa kinaruruonan ng mga boys ay kaagad ng tumakbo si ricel patungo ni Matthew at kaagad naman siyang binuhat ni Matthew pataas at inikot ikot sa ere

" Ano ba naman tong nakikita ko magkaka sore eyes yata ako nito " parinig ni Kyla Kaya natawa kami
" Ehehey Tama na nga Yan " suway ni helen
" What the hell dude "kantyaw ng boys Kay Matthew

Tumawa lang si Matthew Yung tawang nang-iinggit

" Rhian " biglang bulong ni helen sa akin, liningon ko siya at may ngininguso siya Kaya sinundan ko ito, nakita ko si gello na nakatitig sa akin kaagad Kong inalis Ang tingin sa kanya
" Kanina pa Yan nakatingin sayo Ang sama ng tingin sayo " Aniya
" Hayaan mo naiinitan lang Yan " ako na Ang naghanap ng reason para di nila ma misinterpret si gello

Bat naman Kasi nakatitig

" Oo naiinitan dahil sayo Ang hot mo Kasi " kantyaw niya sa akin
" Yakkk tumigil ka nga " inis Kong Ani dahil sinusundot sundot niya tagiliran ko
" Ito lang Ang masasabi ko beh huwag ka ng manhid shuta ka Kaya mahina love life mo Kasi manhid ka " inis niyang Ani Saka umalis

Sinundan ko siya ng tingin, ano ba Kasi Ang sinasabi niya, Kung sinabi niya lang ng diritso sakin magkakaintindihan Sana kami kaso Ang labo niya, malabo pa sa blurred

Kanya kanya na ng partner dahil sasakay kami sa isang yatch para dalhin kami sa parte ng malalim, sinasakay na namin sa yate Ang lahat ng mga pagkain tsaka na Rin kami lumarga

Ang ganda ng araw ngayon bagay na bagay sa bakasyon namin, habang nakaupo ako dito sa gilid nakatanaw sa kawalan ng may naramdaman akong umupo sa tabi ko nilingon ko ito at nakita na si gello lang pala
" Hi " nakangiti Kong bati sa kanya he just smile at me and nod
" Bakit ganyan suot mo? " Diritsahang tanong niya, nagulat ako sa tanong niya at kaagad napatingin sa aking suot

" Bakit? Pangit ba? " Conscious Kong tanong " no " maikli niyang sagot, napatingin ako sa kanya at naikunot
Ang nuo " it's just that, You're too exposing much of your skin, i...kinda don't like that " hirap na hirap siyang sabihin iyon, naguguluhan ako sa sinasabi niya at Ang kinikilos niya

" M-may cardigan naman ako eh " I reasoned out, he sighed and stand up upang pumasok sa pinaka loob ng yate,

Bat siya nag walk out---

Bumalik siya may dalang isang puting t-shirt tsaka niya inilahad sa akin
" H-ha? " Nauutal Kong tanong
" Wear that " utos niya na nakatingin naman sa malayo
" I don't want you to exposed so much skin, especially ngayon may mga lalaki Kang kasama " he said, di ko gets Ang sinasabi niya
" Kaibigan lang naman natin sila--- " naputol Ang dapat Kung sabihin ng magsalita siya
" I don't want your reasons, wear it or baka naman gusto mo ako Ang magsusuot sayo nito " Saad niya
" Akin na nga Yan " kunwaring naiinis ako, Saka kinuha Ang t-shirt na puti tinanggal Ang cardigan na suot at sinuot ko ito sa harap niya

Ang laki sa akin, Tama lang na natakpan Ang bikini ko
" Ok na? Napapalagay na ba iyang kaluluwa mo? " tanong ko sa kanya with a sarcastic tone
" Well...thank you...im having a hard time to control today and it's because of you " he said at ramdam na ramdam ko pa talaga Ang paghihirap sa boses niya.

Umalis siya at pumasok sa loob ng yate Kung saan nagmamaniho si Kian

Hard time daw? Ano bang ginawa ko?

_________________________

CHASING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon