chapter 29

1 1 0
                                    


The exam day went well

Maayos naman Ang ikalawang exam, nakakapagod at nakaka stress buti nalang talaga at nag rereview kami tuwing Gabi,

And finally! Amoy ko na Ang simoy ng graduating students! Kalahati sakin excited and kalahati din sakin malungkot.

Andito lang ako sa bahay dahil weekend, yess sobrang Dali ng paglipas ng araw
Ako lang mag-isa sa bahay dahil lumabas Ang tatlo kasama Ang 4hb, napansin ko Rin nung nagka ayos kami ng 4hb ay sobrang extra nila.

Inaya nila ako kanina na mag mall or gumala kasi patapos na Rin naman Ang klase Wala nang exam or project na iisipin.
Deserve daw naming mag relax pero umayaw ako Kasi deserve Kong matulog all day.

Bago nila ako nilubayan syempre nagpaparinig sila Kung saan sila gagala, kala naman nila maiinggit ako nalilimutan nila ayoko sa crowded places mas prefer ko mag Isa hahahahah

Nag ayos ako Ng bahay, naglinis muna ako ng kusina at Sala, sinunod ko Ang mga kwarto ng tatlo, nahirapan ako sa Kay ricel na kwarto akala mo talaga nakapasok ka sa ukay-ukayan dahil lahat ng damit niya nasa higaan Yung iba nasa lapag na Yung iba nasa sofa, Yung dalawang maleta niya naka bukas, hayyyy Ewan ko nalang sa babaeng yon.

Sinunod ko Ang kwarto ko, kinuha ko Ang medyo may kaguluhan Kong damit sa aparador at nilagay sa higaan para tupiin muna, inisa Isa ko Ang lahat sa pagtupi

Na alala ko dati ako lang mag isa Ang nagtuturo sa sarili ko Kung paano mag tupi ng maayos, nakikita ko Kasi dati si auntie pag nagtutupi siya ng damit pinapanuod ko siya Kaya ginaya ko na din.

Kumuha pa ako ng damit para tupiin ng Hindi damit Ang nakuha ko, kundi isang panyo,
" Ano to? " Tanong ko sa sarili
" Saan ko nga to napulot? " Tanong ko ulit sa sarili at tinitigan ng mabuti Ang panyo
Iniisip Kung saan ko nakuha itong panyo

Sumuko ako sa pagiisip at tinupi nalang din Ang panyo, pagkatapos Kung tupiin lahat sinalansan ko na ito pabalik sa aparador,
Saka ako nagwalis ng sahig tsaka inayos Ang study table ko.

Natapos ako sa pag lilinis ng basang basa sa dahil sa pawis, Kaya nagpahinga muna ako saglit para maligo,
Napagpasyahan Kong manunuod nalang ng kdrama don sa laptop ni Kyla, nagpa alam na ako sa kanya bago sila umalis.

Alam ko Ang password dahil lahat naman kami alam Ang password ng isat Isa,
Pagbukas ng laptop niya nabigla ako sa wallpaper niya walang iba kundi si Ralph, pinagkibit balikat ko nalang ito
At naghanap na ng kdrama na papanuorin.

After siguro mga 1 hour na akong naka tutok sa laptop ni kyla, I was having fun watching kdrama, tapos na ako lahat, tapos na Rin akong maligo at kumain na Rin ako
" Anong oras na? " Tanong ko sa sarili ko pagkatapos ko sa panunood ng isang episode, kinapa ko Ang cellphone ko para Makita Ang oras, it's already two thirty-five pm and Wala parin sila.

Tumingin ako sa labas, bigla Kong naramdaman Ang kagustuhang lumabas, gusto kong pumunta ng park walang masyadong tao ngayon don, tumayo na ako at tiniklop Ang laptop ni kyla bago nagbihis at lumabas na.

Umikot ako papunta sa garahe at kinuha Ang bike at inilabas ito, na miss ko ng mag bike, tiningnan Ko Kung ayos na ba sa pagka Sara Ang pinto lahat at ng makitang ayos naman ay tuluyan na akong lumabas tsaka ni lock Ang gate.

Sinaksak ko sa Tenga Ang earphone ko bago minaniho Ang bike papuntang park.

Grabe Ang ganda talaga ng bagong pwesto ko dito sa park, naglalakad ako kanina habang dala dala Ang bike ko at Yung binili ko sa store kanina na ice cream, ng Makita ko itong Puno ng mangga dito sa park walang umuupo Kaya dito ako pumwesto

Sobrang nakaka relax Ang paligid habang kumakain ako ng ice cream sa ilalim ng Puno ng mangga na ito

" Hi " pamilyar na Boses ang nagpa lingon sa akin, ng Makita ko Sina ay kusang gumuhit Ang ngiti sa aking labi
" Anong ginagawa mo dito? I thought kasama mo sila ricel " tanong ko sa kanya,
Umupo siya sa tabi ko bago sagutin Ang tanong ko

CHASING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon